Martyr 4

936 23 2
                                        

Martyr 4

"Hoy Ashanti hindi ko ma- gets," reklamo ni Xhan abang pumunta papalapit kay Ashanti na tahimik na nagsusulat at nag- re- review.

"Bahala ka diyan, gg ka hindi ka naman nakikinig kapag tinuturuan kita," inis na sabi ni Ashanti at bumalik sa ginagawa.

Nasa bahay kami ni Hideo ngayon dahil kakatapos lang ng klase at bukas ang first day ng exam.

"Hoy Hyacinth paano ba 'to?" Si Hyacinth naman ang kinulit ni Xhan. Sandaling tinignan ni Hyacinth ang notebook ni Xhan pero parang hindi niya rin naman alam ang sagot.

"Hindi ko pa napapag- aralan 'yan, paturo ka kay Fen tapos ituro mo sa akin pagkatapos, hehe," sabi ni Hyacinth at ngumiti pa ng nakakaloko kay Xhan.

"Fen," tawag sa akin ni Xhan na parang naghihingalo na. Natatawa ako habang umuupo siya sa tabi ko at ipinapakita ang notebook niya.

Oo nga, ang pinakamahirap ng topic namin sa Math ang pinapakita niya kaya mabilis ko itong ipinaliwanag sa kanya, nagbigay pa ng iilang examples bago niya ma- gets.

"Ayon, ayon! Salamat Fen!" natutuwang sabi niya at kinurot pa ang magkabilang pisngi ko bago bumalik sa pwesto niya.

"Hoy paturo ako!" sigaw ni Hyacinth kay Xhan pero nilagpasan lang niya ito at inilabas ang dila na parang nang- aasar.

Sakto naman ay biglang naupo si Hideo sa tabi ko dahil doon naman talaga siya nakapuwesto. Kakabalik lang niya dahil kinuha niya ang ibang notes niya sa kuwarto niya.

Nakaupo lang kami sa sofa ni Hideo habang si Ashanti at Hyacinth at nasa sahig dahil doon nila gusto habang si Xhan ay nagsosolo sa isang upuan sa tapat namin.

"Gets mo na lahat?" tanong ko kay Hideo habang siya naman ay nakatingin sa notes niya at nagbabasa.

"Hindi masiyado, pero kailangan ko na lang kabisaduhin," sagot niya kaya napatango na lang ako at bumalik sa pagbabasa.

Halos isang oras rin kaming hindi nagsalitang lima at napakatahimik ng group study na 'to.

"Haaaay." Lahat kami ay otomatikong napatingin kay Xhan na nag unat. Napatigil naman siya nang makitang lahat ng mata namin ay nakatingin na sa kanya.

"Ay, sorry. Sige review na kayo diyan, nagugutom ako-"

"Ako rin," pag sang- ayon ni Hyacinth sabay himas sa tiyan niyang parang may kobra sa loob.

"Baka naman may pagkain dito," singit ni Ashanti habang tumatayo at pumuntang kusina.

Binuksan niya ang ref at ibang mga lalagyanan para tignan kung may stock bang pagkain si Hideo sa bahay nila.

"Ano ba 'yan, gg. Walang pagkain. Bahay ba 'to?"

"Hindi, bodega," pamimilosopo ni Hideo pero ako lang ang natawa.

"Bili kayo ng pagkain, aba!" reklamo ni Hyacinth na nakahiga na ngayon pero hiniimas pa rin ang tiyan.

"Tara," yaya ni Xhan pero naunang tumayo si Hideo.

"Kami na lang, samahan mo na lang yung dalawa dito," sabi niya habang kinakapa ang susi sa bulsa ng shorts niya at nakatingin sa akin.

Si Ashanti kakabalik lang sa puwesto niya at tinatapat ang tenga niya sa tiyan ni Hyacinth dahil reklamo ng reklamo na may tumutunog na daw sa sobrang gutom.

"Sama ka," saad ni Hideo at hinila pa ako patayo. Tinitigan lang kami ng mga kasama namin na parang mga tanga.

Issue na naman 'to mga beh.

"Wow, saan kayo punta? Kailangan bibili kayo ng pagkain a? Huwag sa motel ang punta-" hindi na nakapagsabi ng mga sunod na salita si Hyacinth dahil hinampas ko ang bibig niya.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon