Martyr 22
Umalis na si sister sa tabi ko at iniwan na ako.
Lalo lang niyang ignulo ang isip ko.
Ingatan ko si Hideo habang hindi pa ganap na pari? So una pa lang, meron nang ideya ang mga tao sa simbahan tungkol sa balak niya?
Ito na naman ako sa pagtatampo ko pero ayoko nang ituloy dahil napaka immature na tignan at kakabati lang namin pero magtatampo na naman ako.
"Sister, alis na ho kami." Pagpaaalam ni Hideo sa mga madre matapos niyang magbuhat ng mga gamit at ng mga santo.
"Aba, hindi ba muna kayo kakain?" tanong ng isa.
"Hindi na ho. May pupuntahan pa po kami." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Palusot niya lang ban a may pupuntahan kami o meron talaga?
Saan pa kami pupunta? Akala ko sa simbahan lang?
Naglakad na kami papunta kung saan nakaparada ang motor habang nagtataka pa rin ako.
"Saan pa tayo pupunta?" tanong ko habang isinusuot ang sarili kong helmet.
"Secret," sagot nito at kumindat pa bago magsuot ng helmet niya.
--
"Hoy tanga hindi ako nagbibiro saan tayo pupunta?" Kinukulit ko siya habang nasa biyahe kami pero panay lang ang sabi niya ng secret o kaya sasagutin ako sa pamamgitan ng tawa.
"Nagugutom ka na ba?" tanong niya.
"Hindi kaya. Sabihin mo muna saan tayo pupunta."
"Secret nga, bawal malaman. Bakit ko pa ginawang secret kung ipapaalam ko lang rin naman pala kaagad sa'yo?" pamimilosopo niya kaya napairap ako sa kawalan.
Mga ilang oras pa ang biyahe namin at hindi ko talaga alam at wala akong ideya kung saan kami makakarating.
"Kapit ka," utos ni Hideo nang makita ko na mataas ang aakyatin ng motor.
Kumapit ako sa bewang niya nang sobrang higpit. Iyon ang sabi niyang gawin ko kaya hindi an ako naginarte dahil aka madisgrasya pa kami.
Patay ako kay mama nito, issue na naman dahil hindi naman ako nagpaalam sa kanya pero kung saan saan ako dinadala ni Hideo.
Nakita ko ang mga dinadaanan namin ay pouno ng ng mga halaman at puno pero hindi naman nakakatakot. Paakyat ang motor kaya nasasalubong namin ang malamig na simoy ng hangin na napakasarap maramdaman kapag dumampi sa balat.
Habang paakyat kami sa lugar na ito aty napakapresko rin ng hangin at napakaaliwalas ng paligid. Ito ang mga gusto kong tanawin kaya habang nakakapit kay Hideo ay tinitignan ko ang paligid.
Saan ba kasi 'to?
Nang sa wakas ay naging patag na ang daan ay niluwagan ko na ang pagkapit sa kanya.
"Ambilis naman."
"Ng alin?"
"Ambilis mawala nunng pagkapit mo sa akin." Nadidismaya niya pang saad.
"Manahimik ka nga diyan. Puro ka kalandian."
"Bakit, ayaw mo ba?" tanong niya pero hindi ako sumagot.
Siyempre gusto ko yung kaharutan niya pero kailangan ko pa ba talagang sabihin?
Jusko.
Inihinto na niya ang motor niya at may sumalubong sa aming isang babae na may dalang mga gamit na parang pang- overnight.
Medyo mga nasa 40 plus na siguro ang babare dahil medyo may puti na ang naka- bun nitong buhok. Maganda siya kahit mukhang ma edad na. Nakasuot lang itong daster habang ngumiti kay Hideo at sa akin.
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Fiksi RemajaSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...
