Martyr 25

778 19 1
                                    

Martyr 25

Special Chapter!

Mabilis dumaan ang isang linggo.

Nagkausap na si Emerald at si Hideo. Hindi naman ako nagselos dahil alam kong ako lang ang mahal no'n. HAHAHAHAHA.

Maayos na rin si Xhan at si Hideo at balik na ulit kami sa dati na limang magkakaibigan.

Haycinth, Ashanti, Xhan, Hideo at ako.

Pero sa aming magkakaibigan ay may gusto akong mahalin ng higit pa sa kaibigan.

Ayos na rin si Sir Josh at hindi na siya masungit at bugnutin. Nanibago ang mga kaklase ko pero alam kong mas gusto nila ang better version ni Sir Josh. Siguro ay kailangan niya lang talaga ng kausap at mapagsasabihan ng bagay na iyon.

Sumapit ang araw ng Biyernes ang ngayon na ang kaarawan ko.

Nang makapasok ako sa room ay wala man lang bumati sa akin.

Maging ang mga teachers ay hindi rin ako binati.

Siguro ay busy lang sila.

Wala rin ngayon si Hyacinth at si Ashanti.

Si Xhan din ay hindi ko nakita ang kotse sa parking lot.

Walang text akong natanggap kay Hideo o kahit sa sino mang mga kaibigan ko.

Dati lang ay nag uunahan pa sila tuwing alas dose ng November 22, pero ngayon ay wala akong natanggap.

Gano'n na ba sila ka- busy?

--

"Ms. Gomez!" namulat ako nang bigla akong tawagin ni Sir Josh. Siya kasi ang last subject namin para sa araw na ito.

Oo last subject na pero parang wala lang. Parang naging normal na araw lang ang kaarawan ko dahil wala man lang bumati sa akin.

Absent pa lahat ng kaibigan ko.

Si Hyacinth nag- alaga kay Julia kasi may sakit na naman. SI Ashanti ay umalis kasama ang mga magulang. Si Xhan at Hideo hindi ko alam kung nasaan pero sabi ni Hyacinth nag- inom daw ang dalawang 'yon kagabi kaya hindi nakayanan bumangon ngayon.

"Ms. Gomez?"

''Po?"

"Pakidala naman 'to sa Principal's office," utos sa akin ni sir Josh at iniabot ang isang kulay pulang notebook.

Kaagad ko itong kinuha at dinala sa office.

--

Kinatok ko ang pinto at bumati sa principal nang pinagbuksan ako.

Aalis na sana ako nang bigla itong magsalita.

"A- ah, Ms. Gomez, pakidala naman ito kay Ms. Rizza sa 3rd floor. Thank you." Iniabot naman sa akin ni Ms. Elle na siyang principal ang isang maliit na kulay pink na box.

Umalis na ako at kaagad umakyat sa 3rd floor.

--

Nang makita ko si Ms. Rizza sa 3rd floor ay iniabot ko ang pinapaabot ng principal.

Bababa dapat ako nang bilang may iniutos na naman ito.

"Fennela pakiabot naman ito kay Ms. Azel sa first floor." Agad kong kinuha kay Ms. Rizza ang ipinapaabot niyang pastel yellow na envelop.

Bumaba muna ako simula 3rd floor papuntang first floor.

Haggard na haggard na ako, jusko.

Hindi ba puwedeng kapag birthday ko ay papetiks petiks lang ako? Bakit parang pinapagod nila ako ngayon?

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon