Martyr 20
Dahil medyo madilim at gabi na kinapa ko naman sa sarili ko kung may nadala ba akong cellphone pero mukhang wala kaya kinapa ko na lang kung nasaa na ang switch ng ilaw para makita na kung sino man 'tong lalakeng nasa pintuan ko kung kailan maghahating gabi na.
Medyo nairita pa ako dahil nakasalampak ang mukha niya sa sahig kaya hindi ko makita. Pero sa hubog pa lang ng katawan, sa porma, at sa buhok niya ay alam ko na kung sino ito.
What the heck.
Sinampal sampal ko pa ang sarili ko. "Lord, huwag mo po akong tinatakot. Si Hideo ba 'to?" bulong ko sa sarili ko habang hindi pa rin makapaniwala.
Lumapit ako at naamoy ko ang pabango niya na sobrang pamilyar at nagpakumbinsi sa akin na kahit hindi ko iharap sa akin ang mukha niya, alam kong si Hideo talaga 'to.
Panaginip ba 'to?
Naamoy ko ang pabango niya pero mas nangingibabaw pa rin ang amoy ng alak na nangangahulugang nakainom siya. Tama si Emerald dahil naglasing nga itong si Hideo.
Nang magkaroon ng lakas ng loob, kahit nanginginig ay lumapit ako at niharap ko ang mukha ng lalake sa akin. Kahit expected ko nang siya 'yon, hindi ko pa rin expected na makikita ko siya sa ganitong sitwasyon at sa ganitong oras.
Hindi ako nagkamali dahil si Hideo nga ang lalakeng nandito at nakainom siya.
Ito na ba ang sinasabi ni Emerald? Ito na ba yung sinasabi niyang gagawin ni Hideo? Ako yung kaibigan pero parang wala akong idea.
Luminga linga pa ako pero wala nang tao sa labas. Nakita ko lang ay nakaparada ang motor niya sa labas.
Kaagad kong hinila si Hideo papasok at para makaupo na rin siya sa sofa.
Ambigat! Jusko? Para akong nangangaladkad ng isang kaban ng bigas.
"Lord, nasaan na si Fennela?" tanong ni Hideo at nag sign of the cross pa. Dahil sa ginawa niya. Lalo lang siyang bumigat kaya muntik pa kaming mahulog kahit malapit na kami sa sofa. Buti na lang ay napakapit siya sa sofa kaya buong lakas ko siyang inihagis doon.
Letche, napakabigat.
Kahit lasing siya ay medyo maka- Diyos pa rin. Haysts.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinitigan ko siya. Pulang- pula ang mukha niya at nakasimagot. Lumapit ako sa kanya para matitigan ko siya nang masinsinan. Ang pagkapula ng mukha niya ay naging dahilan lang para mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
Tinignan ko ang labi niya na ngayon ay mas pumula pa kesa sa usual na labi niya noon.
Lumapit ako nang lumapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang paghinga niya.
Mali yata 'tong gagawin ko.
"Hoy ikaw? Anong gagawin mo sa akin? Pagsasamantalahan mo ako 'no? Sinasabi ko na nga ba e," saad niya at dinuro duro pa ang mukha ko kaya napalayo naman ako.
Ano ba 'yan. Akala ko ba lasing? E bakit parang nasa katinuan pa rin siya?
"Excuse me! Tinulungan na nga kita e!" deoensa ko sa sarili ko habang lumayo sa kanya at pinagkrus ang mga braso ko.
"Excuse me rin dahil kay Fennela lang 'tong katawan na 'to," sagot niya sabay turo sa katawan niya. Nakataas pa ngayon ay kilay niya sa akin na waring tinatarayan ako.
Hindi ko mapiigilan pero natawa talaga ako. Sa akin lang daw ang katawan niya. Edi wow.
"Hoy, Hideo! Ako si Fennela!" sigaw ko sa kanya. Lumapit pa ako pero inilalayo niya ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/211023867-288-k101011.jpg)
BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Fiksi RemajaSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...