Martyr 24
Nakarating kami sa simbahan ng bandang alas- siyete ng gabi kahit 9 pa naman magsisimula ang misa. Hindi ko kasama si Hideo sa upuan dahil sacristan siya at nando'n sa harapan.
Wala dito ang mga kaibigan namin dahil hindi naman nila alam ang tungkol dito sa lakad namin ni Hideo. Hindi ko nga rin alam kung alam nilang magkasama kami ni Hideo. Mamaya naman ay ikukuwento k okay Hyacinth pag- uwi kaya malalaman at malalaman pa rin.
Hindi ko rin alam kung okay na ba talaga si Xhan at si Hideo. Pero nang kinekuwento ko kay Hideo si Xhan ay hindi naman ito nagalit or kung ano. Parang normal na tao na ulit sa kanya si Xhan.
Habang mag isa sa upuan ay hindi ko maiwasang pagmasdan si Hideo. Kung saan saan siya pumupunta dahil siya ang nag- aasikaso at nagwe- welcome sa mga papasok sa simbahan.
"Puwede bang makiupo, hija?" Nagulat ako na parang kinabahan nang marinig ko ang boses niya.
Sir Josh?
Hindi siya naka- school uniform at nakadamit lang na pang samba. Umurong naman ako ng kaunti hudyat na puwede siyang maupo sa tabi ko.
Ngumiti siya sa akin.
Himala?!
May galit ako sa teacher na ito sa tuwing makikita ko siya. Lagi niya kasi akong ipinapahiya at kung hindi naman ay pinag- iinitan niya ako sa klase. Hindi ako magtataka na kahit 40 plus na siya ay wala pa rin siyang asawa dahil nga sa ugali niya.
Siguro ay noong kabataan niya ay guwapo siya at may hitsura dahil bakas naman ito sa mukha niya hanggang ngayon.
Ang dating bugnutin at masungit na teacher ko ngayon ay maaliwalas na ang mukha at may ngiti sa mga labi niya.
Luminga- linga siya sa loob ng simbahan at hanggang sa napako ang tingin niya sa sentro. Tinanggal ko ang titig ko sa kanya at yumuko.
Nakakailang dahil para sa akin ay hindi kami okay.
"Anlaki ng pinagbago ng simbahan." Napalingon naman ulit ako sa kanya pero sa imahe ng Diyos pa rin siya nakatingin.
"Huling punta ko dito ay semento lang ang lalakaran pero ngayon ay tiles na." pagbibigay komento niya ulit hanggang sa tumingin na siya sa akin.
Iba ang nakikita kong Sir Josh ngayon. Isang nakangiti pero malungkot na imahe.
Ngitnitian ko siya pabalik kahit naiilang.
"Napakatagal na simula nang huli kong punta dito sa simbahan. May galit kasi ako sa Diyos at sa buong mundo." Alam kong sa akin siya nagke- kuwento at ako ang kausap niya dahil kami lang namang dalawa ang nasa upuan at wala pang mga tao dahil medyo maaga pa.
"Noong mga kasing edad niyo ako, may isang babae akong nagustuhan. Talagang maganda siya. Matalino, galing sa pamilyang may kaya sa buhay, at mabait rin siya kagaya mo." Nanatili pa rin siyang nakangiti habang nagke- kuwento.
"Niligawan ko siya. 10 buwan bago niya ako sagutin. Ako ang pinakamasayang lalake nang araw na iyon dahil sinagot ako ng babaeng pinakamamahal ko. Kapag tumingin kasi ako sa mga mata niya, alam mo 'yon? Parang nakikita ko na sa kanya lahat ng kailangan ko para mabuhay. Nakikita ko na yung mga pangarap ko na aabutin ko kasama siya. Nakikita ko na kung ano yung mga pwedeng mangyari sa buhay ko kapag kasama siya. Yung ngiti niya parang tinatanggal ang pagod ko. Yung ngiti niya parang pahinga ko. Para akong low batt na cellphone at siya ang charger ko." Nagsimula nang magtubig ang gilid ng mga mata niya pero alam kong nagpipigil siya ng luha.
Ano ba 'tong mga kine- kuwento niya?
"Lagi kaming nasa simbahan tuwing Linggo. Lagi kong ipinagdadasal na sana... Sana siya na yung makasama ko panghabang buhay. Sana ibigay siya sa akin ng Diyos dahil nasisiguro kong para siya sa akin." Pinunasan niya nang bahagya ang luha niya at nanatili lang na nakatingin sa harap.

BINABASA MO ANG
Martyr ng Taon
Fiksi RemajaSome were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really well. Fennela hides her admiration for Hideo for a very long time. She hid it for the sake of their fr...