Martyr 18

567 17 2
                                    

Martyr 18

Bago magsimula ang klase ay ni- check ko muna ang phone ko kung may text galing kay Hideo. Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa rin siyang paramdam. Hindi siya pumapasok sa school. Wala rin kaming natatanggap kahit isang text man lang mula sa kanya.

Bakit kaya wala na naman siyang paramdam? Parang tanga naman.

Aaminin kong nagtatampo ako pero nag- aalala pa rin ako sa kanya at gusto ko siyang makita.

"Class dismiss." Rinig kong sigaw na lang ng teacher sa harapan at umalis na.

Nanatili pa irn akong nakaupo at tulala habang iniiisip ang mga bagay bagay.

"Punta na tayo ng canteen," pag- aaya ni Ashanti sa akin at tinapik pa ako. Kasama na pala niya ngayon si Hyacinth na nakatayo na rin sa harap ko. . Kaagad naman kaming tumayo.

Bago kami lumabas na tatlo ay pinuntahan ko si Xhan na kasalukuyang nakatungo sa upuan niya.

"Oy, tara kain na," saad ko kaya napatingala ito sa akin.

Napansin kong matamlay siya at namumutla rin ang mga labi. Bahagya pa siyang ngumti pero hindi naalis ang pagkakaputla ng mukha niya.

Itinago nito ang mga notebook na nakapatong sa desk niya at inayos rin ang mga gamit bago tumayo at sumama sa amin.

"Okay na kayo?" bahagyang dumikit sa akin ang dalawang babae.

"Hindi naman nagkaproblema," maang maangan kong sagot na para bang hindi kami nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

"Hindi daw pero parang noong nakaraan lang sabi mo, 'huwag niyo ako susundan! Kakalimutan kong magkakaibigan tayo' tapos ngayon sasabihin mo hindi nagkaproblema," pagpapaalala ni Hyacinth at ginaya pa kung paano ko sinabi ang mga katangang iyon.

Si Ashanti naman ay tumatawa lang. Hindi ko na lang sila pinansin dahil ayokong maalala ang mga sinabi ko noon dahil anlakas maka- telenobela.

"Hoy Xhan," tawag ko dahil nakaupo pa rin pala siya kahit tapos nang mag- ayos ng mga gamit.

Pumunta ako sa direksyon niya at hinawakan ko ang kamay niya pagkatayo. Ramdam ko ang init niya pero hindi ko pa rin siya binitawan kahit ramdam ko ang lagnat niya. Wala pa kaming nagagawang isang hakbang ay kaagad siyang natumba.

Kahit nabigla ako ay sinalo ko siya kaya bumagsak ang ulo niya sa bandang balikat ko. Pumunta naman sa direksyon ko si Ashanti at Hyacinth dahil alam nilang hindi naman gano'n kagaan si Xhan.

"Girl, ang init ni Xhan."

"Gagi parang antaas ng lagnat ni Xhan," kinapa ni Hyacinth ang bandang leeg at noo ng kaibigan namin.

Ngayon ay nakahawak na si Ashanti sa braso ni Xhan kaya at mabilis namin siyang dinala sa clinic ng school.

"K- kaya ko pa naman. Pumunta na tayo sa canteen," pagsasalita ni Xhan habang papuntang clinic kaya nasapo ni Hyacinth ang sariling noo.

"Jusko. Kaya mo e pagewang gewang ka na nga maglakad?"

"Xhan para kang lasing. Hindi ka makalakad ng maayos," pang- aasar pa ni Ashanti pero wala namang tumawa sa amin kahit isa.

Pagkadating namin sa clinic ay walang nurse pero nandoon si Ralph. Siya yata muna ang pinatao dito dahil baka lumabas saglit ang mismong nurse.

"Pres, anong nangyari diyan?" bungad sa akin ni Ralph na nandoon. Lumapit pa siya sa direksyon namin at tinignan si Xhan.

Habang kapit kapit ng dalawa si Xhan, nagtataka pa rin silang tumingin at nakinig sa pag- uusap namin ni Ralph.

Hindi kasi nila alam ang nangyari matapos ko umalis sa harap nila noon. Hindi nila alam na sinamahan ako ni Ralph para lang maging okay. Hindi sila updated at ang alam nila ay alaki ang galit ko dito at bitter na bitter ako dahil ex ko siya.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon