Martyr 17

606 18 10
                                        

Martyr 17

Kinabukasan ay inagahan ko ang paggising sa hindi malamang dahilan. Magang- maga ang mata ko at kahit yata takpan ng concealer ay hindi pa rin matatanggal ang bakas ng pag- iyak ko.

Hindi ko alam kung bakit medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayon.

Habang nakatulala at nagmumuni- muni ay tumunog ang cellphone ko ay may tumatawag dito mula sa isang unknown number.

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko pero sa huli ay sinagot ko pa rin ang tawag na hindi ko naman alam kung kanino galing.

"Hello, sino 'to?"

"Hindi na naka- save number ko sa'yo?" pagsasalita nang nasa kabilang linya.

"Sino ka ba?" saad ko habang kinukusot ang mata ko.

"Kasama mo lang ako kagabi. Ralph, your ex." Bigla akong nahimasmasan dahil siya pala ang tumawag.

After pala namin mag- break ay binura ko na kaagad ang number niya sa contacts ko.

"Dinelete mo pala contacts ko sa phone mo. Wow," natatawa niyang saad.

Nakakainis. Nalaman pa gaano ako ka- bitter sa kanyan noon.

"Anong kailangan mo?" pag iiba ko ng usapan.

"Kamusta apag- uusap niy kagabi? Nag- usap ba kayo o tinalikuran mo lang?"

"Ayon, nagusap kami. Tama ka nga," sagot ko.

"Ano? Naintindihan mo na yung pinupunto ko kagabi? Nam ya gusto silang dalawa sa'yo?" tanong niya kaya napapikit ako.

Sa tuwing naaalala ko ang bagay na 'yon ay nahihiya ako sa sarili ko dahil hindi ko naman alam kung anong nagustuhan nila sa akin.

"O- oo. Tama nga. S- saka natatakot lang daw umamin si Hideo dahil mataas ang standards ko."

"So nasa tuktok pala ako kasi pumasa ako sa standards mo?"

"Isa pang ganiyan mo, Ralph. Ibababa ko 'tong tawag na 'to," banta ko dahil nahihiya ako kapag past na namin ang pinag- uusapan.

Pero may point naman siya noong sinabi niyang nasa tuktok siya.

"Hindi daw ako kasama sa ambisyon ni Hideo dahil ako naman daw ang p- pangarap niya."Hindi ko mapigilang ngumiti habang sinasabi kay Ralph ang tungkol sa bagay na iyon. Ewan ko kung ano ba pagkakaiba ng ambisyon sa pangarap pero feeling ko mas superior ako sa ambisyon niya kaya keri lang.

"Kinilig ka?"

"Siyemre, tanga. Sino hindi kikiligin sa banat na 'yon!" sigaw na sagot ko kay Ralph pero narinig ko ang pagtawa niya.

"I wish that happiness would last longer," komento niya kaya natahimik ako.

"Sana nga e. Salamat sa pagtawag mo," saad ko at nagpaalam na para makapaghanda akong pumasok.

Pagkababa ko nang tawag ay kaagad kong ni- check ang phone ko na meron palang 143 unread messages na galing lahat kay Hideo. Hindi ko na lang ito binasa dahil karamihan dito ay puro I love you ang laman.

Naiinis pa rin ako sa kanya. Alam niya ba kung gaano kahirap magpigil ng nararamdaman? At isa pa, kung talagang mahal niya ako ay hindi siya magsesekreto sa akin. doon pa nga lang sa simpleng bagay na iyon ay nagsekreto na siya. Paano pa kaya sa iba pang mga malalaking problema?

Halong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Saya dahil alam kong gusto ako ni Hideo pero lungkot naman dahil alam kong hindi malabong ituloy niya ang binabalak niyang pagpapari at magseminaryo.

Bakit ba kasi sa dinami daming profession e 'yon talaga ang napili niya?

Tinanggal ko na lang sa utak ko nag isiping iyon at nagsimula nang maghanda para sa pagpasok ko sa school. Mabilis rin naman akong natapos kaya inagahan ko na ang pagpasok ko sa school.

Martyr ng TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon