NATASHA'S POV
"So ayun na nga guys, kaya ko kayo inimbatahan dito sa bahay ay dahil may gusto akong sabihin sa inyooooo!" Excited kong sabi sa mga kaibigan ko.
"At ano naman yun?" Tanong ni Louise.
Alam kong iniisip niyang kalokohan nanaman yun.
"Yeah, ano nga ba kasi yun? Ako mismo na kapatid mo di alam kung ano yang sasabihin mo!" Singit naman ni Charity.
Magkapatid kami ni Charity pero mas matanda siya. Sabay lang kami nagaral kasi duwag siya pumasok sa school dati. So, para may kasama siya, pinagsabay kaming magaral. Ayun kapatid ko na siya, bestfriend ko pa.
"Well, since maghihiwalay na tayo ng mga landas sa college.. Bakit hindi tayo magbonding at magbakasyon!? What do you guys think!?" Masaya kong sagot sa kanila.
"I agree with you! Kahit ako naisip ko rin yan. Deserve din naman natin magpakasaya sa lahat ng pagod na dinanas natin sa school no!" Pagsang ayon ni Margaux sa sinabi ko.
"Exactly!" Sagot ko.
"Eh saan naman tayo magbabakasyon?" Tanong ni Louise.
"Ganito kasi yun guys, nagsearch ako sa internet ng tahimik na lugar na pwede nating pagbakasyunan. Forest siya and sa pinakadulo ng forest, may falls. May house na rin puwedeng rentahan." Pagkukwento ko.
Pinaghandaan ko talagang mabuti to, matagal ko na kasing iniisip na makaroon kami ng bonding sa malayong lugar. Since di pa pwede nung school days kasi busy pa, mall at restaurants lang ang napupuntahan namin pag may free time. Kapag may time naman, hindi naman papayagan ang iba samin kasi nga, bata pa daw kami. Duuuuh, like for real? Dalaga na po kami.
"That sounds exciting! Is there any nearby hospitals, groceries, or any shops there? In case may kailanganin or magkaroon ng emergency diba?" Tanong ni Margaux
"Sad to say, wala. Gaya nga ng sabi ko gubat na yun, medyo malayo na siya sa bayan. Pero may car naman tayo, kung matiyaga magdrive eh pwede naman tayo makapunta diyan sa mga sinasabi mo." Paliwanag ko.
Pinagtataka ko rin nga kung bakit napakaliblib ng lugar na yun. Like may pumupunta ba sa lugar na yun? Wala kasing reviews. Medyo malayo pa kasi sa bayan yung lugar na yun and nasa gitna siya ng kagubatan dahil malapit siya sa talon.
"Eh signal meron naman kaya?" Tanong ni Louise.
"I don't know. Wala namang nakalagay dun sa nabasa ko pero, meron naman siguro yun!" Sagot ko.
Meron naman siguro yun. Signal is everywhere na kaya!
"Hindi ako papayagan ng parents ko." Malungkot na sabi ni Jazel.
"Edi ipapaalam ka namin! My goodness! Graduate ka na ng senior high, siguro naman pwede ka na nilang payagan! Besides, deserve mo rin naman maenjoy and teenage life mo." Sagot ni Charity.
"Hmm, we'll try pero, pag di talaga ako pinayagan di talaga pwede.. wag sanang sumama ang loob niyo sakin. Alam mo nyo naman na gusto ko rin sumama sa inyo." Sabi ni Jazel
"Wag kang magalala kaming bahala sayo! Gagawin naman lahat para payagan ka ok? So.. everyone's coming right?" Tanong ko.
"Hoy hoy hoy! Teka lang Natasha, sure ka ba dito? Baka mamaya mapahamak tayo ah wala tayong kasamang matanda. Naku!" Pagaalala ni Reign.
"Ano ka ba! Walang mangyayari satin no! Napaka nega mo naman! Saka, normal na bakasyon lang yun." Sagot ko sa kanya.
Napaka nega, mageenjoy nga kami eh. Kung ano ano agad iniisip.
"Ay siguraduhin mo lang walang kalokohan yan, mahal ko buhay ko gago!" Sagot ni Reign na nagpahalakhak sa lahat.
Kahit kelan pasmado talaga bibig ni loko eh. Natawa nalang kami sa kanya.
"Siraulo ka talaga Reign. Anyway, sasama ko bebe kooooooo!" Sabi ni Charity.
"WALANG FOREVER!" sabay sabay na sigaw ng lima.
Siya lang ang may jowa sa aming anim. Since siya ang pinakamatanda. Nauna na siyang mag 18 kaya pinayagan na siya nila mom and dad na magboyfriend basta babantayan ko daw. So far, so good. Mabait naman si Ejay.
"Ay grabe sila oh! Sobra kayo." Sagot ni Charity.
"Ay oo nga pala naalala ko, sama narin natin yung pinsan namin. Dito kasi siya nagiistay sa bahay ngayon. Baka mabore yun dito pag umalis kami, wag kayo magalala magaling yun makisama!" Sabi ko sa kanila.
And wala namang di sumangayon. Tumango lang silang lahat. Kawawa naman kasi si Prince. Nagbakasyon yun dito para makasama kami tapos iiwan naman namin dito.
"Edi isama narin natin yung dalawa nating kaibigan na lalaki, kawawa naman sila eh hahahaha." Sabi ni Margaux.
"Oo sigurado magtatampo yun si Carl at Liam pag umalis tayong wala sila. Yung mga yun pa naman, mas madrama pa sa babae!" Pagsangayon ni Louise.
Sabagay para di rin naman mailang samin yung dalawang lalaking kasama namin ay mabuti din na may kasama pa sila kaya sumangayon din ang lahat.
"Oh, all good na ba? Maaari na ba akong umuwi? Baka hinahanap na ako nila mom and dad." Sabi ni Jazel.
"Oo pero wait lang, may kaunting problema tayo.. maliit kasi yung car namin baka di tayo magkasya lahat. Imposible naman na wala din tayong mga dala dalang gamit." Sabi ko.
Bigla ko lang naalala yung kotse namin ni Cha, maliit lang kasi. Ganun din yung kila mom and dad.
"Ah ganun ba? Osige yung van nalang namin yung gamitin natin. Di pa natin kaylangan mamroblema ng driver kasi andun naman yung driver ko eh." Sabi ni Louise.
"Ahh yung driver na kinukulit ka? Ayieeeeeee hahahahah" pangaasar ni Margaux.
"Manigil ka nga!" Pagsita naman ni Louise.
Itong si Louise denial pa pero halata namang kinikilig din.
"Okay, pwede na kayong magsipaguwi. Keepsafe guys, byeeeeee!" Sabi ni Charity.
Nagpaalam ang lahat sa isa't isa. Tapos nagsiuwian na rin.
Kaming dalawa nalang ni Cha ang naiwan sa bahay at paglingon ko sa kanya ang sama ng tingin niya sakin nakapout pa.
"Oh? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ko.
"Bakit di mo sinabi sakin? Nagpaplano ka ng di ako kasamaaaa?" Pagtatampo niya.
"Hays sorry na! Busy ka kasi eh, busy tayo pareho. Noon ko pa yun naisip di ko lang masabi sayo kasi palagi tayong may ginagawa." Paliwanag ko.
"Ewan! Pero sige na, di na ako magtatampo sayo. Naiintindihan naman kita eh. Saka narealize ko din na, hindi naman lahat ng bagay ay kailangan sabihin natin sa isa't isa. Patanda na tayo ng patanda.. magkakaroon na tayo ng sari sariling desisyon sa buhay. Katulad ng, course sa college diba? Magkaiba tayo ng pinili." Seryosong letanya ni Charity.
Minsan nakakalimutan ko na ate ko siya. Kasi parang mas matanda pa ako sa kanya magisip eh.
"Alam mo, wala ka lang kain. Ikain mo yan." Pabiro kong sagot.
"Hindi nga, seryoso nga kase.. basta sha promise mo ah, kahit maghiwalay na tayo balang araw magdadamayan parin tayo ah? Alam mo namang di lang kita kapatid. Bestfriend din kita." Sabi niya.
Naging seryoso rin ako sa sinabi niya. Medyo nagsisink in sakin yung mga sinasabi niya at pati ako natatouch.
"Oo naman cha. Di kita iiwan, kasama at kadamay mo ako sa lahat ng problema at lahat ng pagdadaanan mo. Okay?" Sagot ko.
Ngumiti siya at nagyakapan kaming dalawa. Minsan para kaming aso't pusa. Pero mahal na mahal namin ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystery / ThrillerIn the forest where they are the only people. Expected fun but, they experienced something different. No of them likes what happened but repentance is too late. Run, hide and fight. These are the options. But what really happened in that forest? How...