Evil Bodyguard

25 1 0
                                    

JAZEL'S POV

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon, first time kasi akong pinayagan ng magulang ko sa ganto eh. Plus may mga bonus pang mga friends na kasama. Mas madami kami ngayon. Kaya lang may asungot akong body guard na nakabantay bantay sakin. Hayysst! Nakakainis naalala ko nanaman yung nangyari kanina mula sa bahay.

*************Flashback************

"Jazel anak, wag ka na kaya sumama? Iba yung pakiramdam ko talaga eh." Sabi ni mom.

Seriously? Nakapagimpake na ako ng mga gamit ko. Nakapaghire na ng bodyguard si dad, tapos last minute nalang di pa ako papayagan?

"Ganun ba sweetheart? Anong gusto mo wag nalang natin patuluyin tong anak natin?" Tanong ni dad.

"Dad!? My god! Naghire hire pa kayo ng bodyguard tas tatanggalan niyo lang din siya agad ng trabaho? Tapos pinayagan nyo na ako kahapon ngayon paaasahin nyo mga kaibigan ko!?" Naiinis kong sabi.

"Eh anak naman kasi, baka mapahamak ka. Alam mo namang concern lang ako sayo." Sabi ni mom.

"Mom, please wag po kayong magalala. Kaya ko na po ang sarili ko.. ganito na lang po, kung may mangyari man na di maganda sa amin edi hindi na po ako makakaulit kahit kailan. Pangako po." Sabi ko.

Napabuntong hininga nalang si mom.

"Sige pagkakatiwalaan ka namin anak. And Daniel, wag na wag mong pababayaan ang anak ko. Lagi mo siyang babantayan." Bilin ni Dad.

Sa totoo lang, di ako pabor na may bantay ako kasi paano ko maeenjoy? Kung kahit saan may susunod at magbabantay sakin na hindi ko man lang nakilala once in my life diba?

"Osige na, umalis na kayo at baka kayo ay huli na." Sabi ni dad.

Niyakap ko si dad at mom.

"Thankyou po talaga sa inyo! I love youuuu." Sabi ko at lumabas ng bahay.

Nakasunod lang ako sa bodyguard ko. Pinagbukas niya ko ng pinto ng kotse. Noong nasa loob na kami di pa rin siya nagsasalita.

"So? Daniel right? Tell me why did you accept dad's offer?" Tanong ko.

Pinaandar na ng driver yung car namin.

"It's none of your business." Nakapoker face nitong sagot.

At sino siya para sumagot sagot ng ganun sa boss niya?

"Excuse me? You don't have the rights to answer me that way! You work for me." Mataray kong sabi.

"Not really. I work for your father." Sagot niya.

"Kahit na! Trabaho mong respetuhin ako!" Sabi ko.

"Trabaho kong bantayan ka, hindi sagutin ang mga tanong mo." Sagot niya.

Wala siyang kaexpre expression. Okay, that's it! Ayoko siyang kasama.

"You know what? Daanin nalang natin to sa mabuting usapan. Magkano ba ang kailangan mo? Wala ka ng trabaho, hahayaan moko pumunta doon magisa." Pakikipagdeal ko.

"Hindi ko kaylangan ng pera mo. Baka siguro kaylangan mong malaman na di ko to ginagawa para sa pera." Sagot niya.

"And for what?" Tanong ko.

"Your father and my dad are good friends. Sila ang bumuo ng Enoc Gang. Humiling ang dad mo sa daddy ko kaya andito ako ngayon. Binilin sakin ni dad na sundin lahat ng bilin ng dad mo that's why." Paliwanag nito.

"And what's the big deal? Pwede mo namang suwayin yon wala namang makakita." Sagot ko.

"Kaya ka siguro ayaw payagan ng magulang mo kasi ganyan ka kasuwail.. Ms. Jazel, you have to learn the essence of following rules dahil kung hindi, paano ibibigay sayo yung pagtitiwala na hinihiling mo." Sabi niya.

At natameme ako don.

"You see, hindi ako ganun na klase ng tao. I live with dignity, and that's what we should have in life. My Father is my Master. He trained me so well in mix martial arts, as well as the values in life. Obeying him is my number one rule." Dagdag niya pa.

Simula nun hanggang makarating kami sa bahay nila Louise eh badtrip ako sa kanya. Feeling ko pinahiya niya ako. Ewan basta naiinis ako sa kanya! Ang sungit sungit!

*********End of flashback*********

At hanggang ngayon, naiinis pa din ako sa kanya. Teka, parang naiihi ata ako.

"Ahm guys, excuse lang. Magcocomfort room lang ako." Sabi ko.

Tumango lang sila kaya tumayo na ako at naglakad. Habang naglalakad eh nararamdaman kong may sumusunod sakin. Nilingon ko at nakita ko nanaman yung bwisit na bodyguard ko.

"What!? Bakit mo ako sinusundan?" Naiinis kong tanong.

"Sinusunod ko lang ang utos ng dad mo." Sagot nito.

"My god! Pati sa comfort room ba naman!?" Singhal ko.

"Wag ka ng magreklamo. Hindi naman ako makikinig sayo." Sagot niya.

"So ano papasok ka din sa ladies room ganon??" Sarcastic kong tanong.

"Sa pinto lang ako." Sagot nito.

"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko tapos pumasok nalang sa pinto ng ladies room.

Hayst nakakainis! Pumasok na ako sa cubicle tapos umihi. Noong natapos na ako eh lumabas na ako at naglalakad nang biglang may nakabangga ako.

"Ouch!"
"Aray!"

Sabay naming sigaw.

"Im sorry." Agad kong sabi.

"Sorry your face! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh!" Sigaw niya.

"Parehas tayong di nakatingin kaya tayo nagkabungguan. Kaya kung pwede, aalis na ako." Sabi ko.

"Ano!? Ganun ganun nalang yon!? Huh!?" Pageeskandalo niya.

Di ko siya pinansin at nilagpasan siya. Makakalabas na sana ako ng pinto ng hilain niya ako tapos hinarang ako sa pinto.

"Di pa ako tapos sayo ah!?" Sigaw niya.

"Wala akong pakealam kaya kung pwede, tumabi ka sa dadaanan ko bago pa kita patulan." Sagot ko.

"Ah ganon ah?" Sabi niya sabay inamba ang kamay para sampalin ako.

Pero bago pa man dumampi sa pisngi ko yung kamay niya ay nahawakan yun ni Daniel.

"Don't touch her." Nakakatakot na sabi ni Daniel.

"What!? Who are you!?" Sigaw nung babae.

"None of your business. Leave her alone." Sagot nito.

Sobrang nakakatakot yung mukha ni Daniel para siyang papatay tapos natakot siguro yung babae kaya nagpumiglas tapos tumakbo paalis.

"Are you hurt?" Tanong agad ni Daniel.

"No, I'm fine." Sagot ko tapos umalis na din.

Bumalik kami ni Daniel sa table namin at pinagpatuloy yung pagkain namin ng parang wala lang nangyari. Di na namin sinabi sa mga kabigan ko para di magalala. Noong matapos na kaming magsipagkain lahat. Umalis at bumalik na din kami sa van para makapagbiyahe na kami ulit dahil malayo layo pa ang pupuntahan namin.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon