LOUISE'S POV
"Hoy Flinn! Ayusin mo mga gamit diyan sa van ah! Tandaan mo dose tayong sasakay diyan. Ano keri ba?" Tanong ko kay Flinn.
4 am na. Nakapag impake na ako ng mga damit ko at ng ibang mga bagay na dadalhin ko. Hinihintay ko na lang kasing dumating yung mga kaibigan ko dahil ngayong araw ang alis namin.
"Oo naman boss, yun lang ba papagawa mo? Napaka easy eh!" Hambog na sagot ni Flinn.
Napakayabang talaga ng driver ko na to. Ewan ko ba ba't ko natitiis yang ugali niya eh pwede ko naman siyang palitan. Sabagay, hindi ko rin naman kaya. Magkababata kami ni Flinn, anak siya ng yaya ko and growing up kasama na namin siya dito sa bahay. Then sa hindi inaasahan, namatay ang mama niya. Nakiusap siya na dito pa rin sa bahay tumira at pagtatrabahuan niya na lang dahil wala na raw siyang pamilyang kukuha sa kanya. Di narin ako magtataka kasi, kami na din ang nagpalibing sa mama niya. Isa pa mahal na mahal namin sila ng pamilya ko. Well, siguro noon, pero ngayon iniinis na niya ako palagi.
"Alam mo ikaw, ang yabang mo eh no? Kung ako sayo ayusin mo yang trabaho mo." Sabi ko.
"Oo naman syempre! Ako pa ba? Maayos pa to sa maayos. Walang kahirap hirap!" Sagot niya habang inaayos ang mga dalahin.
"Lahat naman hindi mahirap sayo eh!" Sabi ko sabay irap sa kanya.
"Excuse me? Meron kayang isang bagay na hirap akong gawin." Sabi niya.
Napakunot ang noo ko. Akalain mo yun, masasabi niya yan sakin eh napakahambog niya.
"Ano naman yun aber?" Tanong ko.
"Ang mapaibig ka. BOOM!" Sagot niya sabay kindat.
Napangiwi nalang ako sa kanya. Lagi niya akong iniinis kaya naiirita ako sa kanya.
"Ewan ko sayo Flinn! Tumigil ka, wala ka pang maipagmamalaki." Sabi ko nalang.
"Meron akong maipagmamalaki!" Sagot naman niya.
"Ah talaga? May maipagmamalaki ka na? Pinagmamaneho mo lang ako ng sasakyan oy!" Sarcastic kong sabi.
"Oo naman! May maipapagmamalaki na ako. Ipagmamalaki kita! Ayieeeeeeeeeee" Pagbanat nanaman niya.
Kelan kaya ako titigilan ng taong to? Nakakaasar eh. Yung itsura pa naman pag nangaasar nakakatawa. Oh nakakatawa lang ah? Pero di ako kinikilig.
"Tama na Flinn." Yun nalang ang nasabi ko.
Bigla namang lumungkot at itsura niya. Nagtaka naman ako.
"Tama na agad? Nagsisimula pa lang tayo mahal.. wag ka naman agad sumuko." With matching emotions niya pang sabi.
"Eww yuck kadiri!" Sagot ko sa kanya sabay taray.
"Ang sweet nyo naman!"
Napalingon kami sa nagsalita. Si Reign pala, aga ng dating niya. 5 am kasi ang call time. 4:15 palang. Maaga lang talaga kami nagising para magayos. Lumapit sakin si Reign tas nagbeso beso kami.
"Aga mo ah?" Tanong ko.
"May bago ba? Early bird ako palagi eh." Sagot naman niya.
"Hahaha sabagay, gusto mo ba munang magalmusal? Pasok ka muna sa bahay wala pa naman yung iba eh." Pagaalok ko.
"Ay naku wag na, kumain na ako bago umalis ng bahay eh." Sagot naman niya.
"Hmmm ganun ba, edi sige you can stay inside the van na. Soundtrip ka muna." Sabi ko.
"Alright, thanks." Sagot niya.
"Akin na yung gamit mo reign, lalagay natin sa likod ng van." Sabi ni Flinn.
Nakakainis. Plastik. Ngayon malumanay lang siya magsalita. Che! Binigay ni Reign yung bag niya tapos pumasok siya sa loob ng van. Si Flinn naman inayos yung gamit niya.
4:40 dumating naman si Margaux kasama yung dalawa naming kaibigang lalaki.
"Yooo! Thank you sa pagsama samin par!" Bungad sakin ni Carl sabay nakipag bro fist.
"Eh kawawa kasi kayo eh kaya sinama na namin kayo baka umiyak kayo." Pangaasar ko.
"Sabay sabay na kami pumunta dito, kasi magkakalapit lang naman mga bahay namin." Sabi ni Margaux.
"Mabuti yang naiisip nyo para di na paisa isa. Pumasok na kayo sa van, andun na si Reign kanina pa naghihintay yun." Sabi ko.
"Si Reign andiyan na? Tara na pasok na tayo!" Agad na sabi ni Liam.
Marinig lang talaga pangalan ni Reign nabubuhayan eh. Itong si Liam halos lahat sa aming magkakaibigan maliban kay Reign, alam namin na may gusto siya kay Reign. Kaso pag andiyan naman si Reign di naman siya makaimik, tahimik lang tas di niya rin kinukulit. Eh paano naman siya mapapansin ni Reign diba? Still, di namin sinasabi kay Reign kasi ayaw naming pangunahan si Liam.
"Mabuti pa nga at pumasok na kayo. Para magready na tayo sa pagalis." Sabi ko.
Sinunod naman nila yung sinabi ko at pumasok na. Si Flinn naman pinagkukuha yung mga gamit nila tas inayos isa isa. Medyo naawa nama ako kasi baka pagod na siya. Pumasok ako sa bahay tapos kumuha ng bottled water at pagbalik ko inabot ko sa kanya.
"Oh uminom ka muna. Baka pagod ka na." Sabi ko.
Napangiti naman siya sa ginawa ko. Nahawa tuloy ako sa ngiti niya.
"Ikaw ah, concern ka sakin ah! Naiinlove ka na din sakin no? Wag kang magalala.. di ako pagod. Di ako mapapagod sayo." Banat nanaman niya.
Inirapan ko nalang siya at lumayo ako sa kanya.
"Louiseeeeeeee! We're here naaaaaa!"
Tili pa lang alam ko na kung sino. It's none other than Natasha. Paglingon ko, sila nga. Si Natasha, yung pinsan nila at si Charity kasama ang nakaakbay niyang boyfriend.
"Wag kang maingay tulog pa mga tao dito uy!" Sita ko sa kanya.
5:00 am sakto pa lang kasi. Tamang tama ang dating nila.
"Hay naku, pagpasenyahan mo na yan si Natasha maingay talaga yan eh." Sabi nalang ni Charity.
Ngumiti lang ako.
"Hi Louise, long time no see." Sabi ni Ejay na boyfriend ni Charity.
Matagal na din nga namin siyang di nakita kasi magkasing edad sila ni Charity at first year college na siya while grade 12 student pa lang kami. Dati nung senior high pa lang siya lagi pa namin siyang nakikita.
"Hello Ejay! Pasok na kayo sa Van. Andun na yung iba nating mga kaibigan." Sabi ko.
At ganun nga ang ginawa nila, tapos nginitian lang ako ng pinsan nila. He seems nice. Tapos inayos din ni Flinn ang mga gamit nila. Sila Jazel nalang yung hinihintay namin. Naku, baka last minute di siya pinayagan ng parents niya. Kinakabahan naman tuloy ako.
5:15 dumating din sa wakas si Jazel kasama yung bodyguard na sinasabi nila. And omg! Ang laking tao niya! Parang pwede akong ibalibag nito anytime eh. Mukha siyang masungit. Nakapoker face lang eh.
"Pasensya na Louise late ako, eh si mom and dad nagdalawang isip pa bago ako payagan eh. Tapos ang dami pang binilin diyan sa asungot na yan oh!" Naiinis na sabi ni Jazel.
Mukhang hindi sila magkasundong dalawa. Pero wala paring reaksyon sa mukha ni kuyang body guard.
"Ahhh eh ganun ba, edi tara na pasok na tayo sa van para makaalis na tayo." Yun nalang ang nasabi ko.
Kukunin sana ni Flinn yung mga gamit ni Jazel kaso nagsalita yung body guard niya.
"Ako na."
Wow ang lalim ng boses. Hinayaan nalang siya ni Flinn tapos pumunta sa driver's seat. At lahat kami nasa van na. Sa front seat kaming dalawa ni Margaux katabi ng driver seat. Sa susunod na seat yung apat na babae. Si Jazel, Charity, Natasha and si Reign. Yung sumunod na seat eh sa apat na boys. Si Carl, Liam, Ejay at si Prince. Yung body guard ni Jazel andun sa pinakadulo kasama ng mga gamit namin. Mukha naman siyang loner eh hahahah.
BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystère / ThrillerIn the forest where they are the only people. Expected fun but, they experienced something different. No of them likes what happened but repentance is too late. Run, hide and fight. These are the options. But what really happened in that forest? How...