Secret Crush

23 1 0
                                    

REIGN'S POV

Mula ng makabalik kami sa van galing restaurant ay bumiyahe na agad kami and as of now, masasabi kong malayo na ang narating namin. Pakiramdam ko nga eh malapit na kami. Wala na kasi kami masyadong nadadaanang bahay puro kalsada lang. Dahil boring sa biyahe at tulog ang karamihan, binuksan ko yung camera ng phone ko para magselfie. Noong tinaas ko yung phone ko para masama ko sa selfie yung mga tulog kong kaibigan eh hindi lang pala ako yung gising bukod pa sa driver. Nakita ko yung nakangiting si Liam sa screen ko. Kinlick ko yung shutter tapos binaba ko agad yung phone.

"Oy Reign! Patingin nga ko ng picture! Mamaya pangit ako diyan eh!" Sabi ni Liam.

"Eh! Wag na di naman pangit eh" Sagot ko.

"Sigurado ka ah? Ilalagay mo ba yan sa story mo? Gandahan mo yung caption ah! Ano ba pwede? Hmmmm.... ah! The last two standing! Pwedeeeee, pwede diba?" Masaya niyang sabi.

Napaka adorable lang ni Liam. Oo makulit siya, maingay, pilyo, badboy tapos careless. Pero later on narealize ko din na ang ganda ng personality niya kasi he's true to himself. Hindi siya katulad ng ibang taong pacool kid. Hindi niya kaylangang magpanggap para makakuha ng atensyon ng iba. Siya yung tipong what you see is what you get.

"Hmmmm, pwede naman pero tatlo tayo eh. Si Flinn pa hahahah." Sagot ko sa kanya.

"Ay oo nga pala! Eh di naman siya kasama sa picture hayaan mo na! Saka given na yun driver siya eh di siya pwedeng matulog. Okay na yun!" Sabi niya.

"Okay, okay.. sige na icacaption ko na yun." Sagot ko nalang.

Inupload ko yung photo sa story ko tapos with caption na the last two standing gaya ng sabi niya.

"Ah eh, Reign... hindi ka ba inaantok?"  Tanong niya.

Nilingon ko siya para sagutin. Pero pag lingon ko nung naglapat mga mata namin umiwas siya ng tingin. Hindi ko malaman bakit lagi siyang ganun. Parang wala kong matandaan na nagkatitigan na kami ng matagal ni Liam.

"Hindi naman, nakatulog ako kanina eh. Ikaw ba? Kanina ka pa gising ah? Ang tatag mo naman!" Sabi ko.

Binalik ko nalang yung tingin ko sa phone ko.

"Ewan ko nga eh, di ko alam bat di ako makatulog eh." Sagot niya naman.

"Hala baka mamaya naman habang nandun na tayo saka ka naman matulog. Naku, di ka makakapagenjoy." Sabi ko.

"Hindi yan, gusto ko nga lagi akong gising para nakikita kita eh." Sagot niya.

Kumunot noo ko.

"Ah eh... nakikita ko kayo ang ibig kong sabihin." Pagtatama niya.

Minsan talaga parang ang weird weird ni Liam. Pag magkakasama kaming lahat ang kulit kulit niya, ang hyper. Sa ibang tao, badboy type siya. Tapos pag kaming dalawa na lang para siyang mahiyaing bata. Di ko nalang siya sinagot at nagearphones ako para magsoundtrip. Ilang oras din kaming nasa biyahe ng finally nakarating na din kami sa lugar na sinet namin.

"Guys andito na tayo!" Sigaw ni Flinn.

Isa isang nagsigisingan yung mga kaibigan kong tulog. Nakita namin yung malaking gate papasok sa forest.  Hindi na makakapasok yung car sa loob ng gate kasi masyadong maraming puno. So pinark na lang ni Flinn yung sasakyan sa gilid ng gate at nagsibabaan na kaming lahat at naglakad papuntang gate. Yung mga boys dala dala yung mga pinamili namin. Tapos yung mga gamit namin, kanya kanya kaming dala.

"Guys parang ang creepy naman... May mga tao ba diyan sa loob?" Sabi ni Louise.

"Hindi natin malalaman kung di tayo papasok." Sagot ni Natasha.

"Wag na kaya tayo tumuloy? Parang nakakatakot naman eh." Sabi ni Jazel.

"C'mon guys! Nandito na tayo oh. Ang layo layo ng biniyahe natin dito tapos uuwi lang tayo? Let's try it! Mukha namang exciting eh." Sabi ni Charity.

Di rin maganda yung pakiramdam ko sa lugar na to pero sayang din naman kasi yung punta punta namin.

"How do we get in there?" Tanong ni Margaux.

"Try ko buksan yung gate. Mukha namang di nakalock." Sabi ni Flinn.

At yun nga ang ginawa niya lumapit siya sa napakalaking gate para buksan ito at nabuksan niya.

"Bukas siya guys, pasok na tayo sa loob." Sabi ni Flinn.

Pinangunahan ni Flinn ang pagpasok sa loob at sumunod kaming lahat. Nakakatakot pero marami naman kami kaya medyo kampante ako. Masukal ang dinadaanan namin hanggang sa makarating kami sa dulo ng kakahuyan. Patag na yung inaapakan namin tapos puro damo na lang at walang puno. Bumungad sa amin ang isang bahay at sa likod nito kakahuyan ulit pero matatanaw mo ang umaagos na talon sa likod nito. Sobrang ganda. Napakapayapa lang. Pero ang pinagtataka ko, bakit walang tao?

"Bakit walang tao guys?" Tanong ko.

"Baka wala kasing pumupunta dito kaya iniwan muna ng bantay." Sagot ni Jazel.

"Eh mas ok nga yun eh, makakapasok tayo ng libre sa bahay." Pilyong sabi ni Carl.

"Isn't that a bad idea?" Masungit na tanong ni Daniel the bodyguard.

Kita ko ang pagirap ni Jazel sa kanya.

"Eh wala naman tayong magagawa kung walang bantay eh. Ano tutunganga tayo dito sa labas?" Sagot naman ni Carl.

"Guys kalma.. ganito nalang. Papasok tayo sa loob kasi wala tayong choice pero pag dumating na yung bantay, hihingi tayo ng paumanhin at ipapaliwanag natin na kaylangan na kasi nating pumasok sa loob." Paliwanag ni Louise.

Wala namang nagreklamo at nagagree ang lahat. Kaya naglakad na ulit kami papalapit sa may pinto na bahay.

"Wait, paano kung locked?" Tanong ni Margaux.

"Let's see." Sagot ni Natasha.

Bubuksan na sana ni Natasha yung pinto ng marining namin si Liam.

"Guuuuuuys!! You need to see this!! Sobrang gandaaaaaaa!!" Sigaw ni Liam.

Hindi na namin siya makita. Echo lang ng boses niya ang naririnig namin.

"Liam!!? Nasan ka!!?" Sigaw ko.

"Dito sa likod ng bahay!! Pasukin nyo yung kakahuyan!! Dali guys!!" Excited na sigaw ni Liam.

Yung taong yun talaga mapapahamak yun ng magisa pag nagkataon. Agad kaming pumunta sa kung nasaan siya. Sa likod ng bahay ay kakahuyan ulit. Pero di kagaya ng nilakad namin kanina, eh mas maiksi lang ang nilakad namin kasi nakita namin agad ang falls. Shook kami kasi si Liam andun na agad sa tubig nagsiswimming. Pero for real? Mas shook kami sa falls kasi napakaganda. Yung mga boys namin wala ng sali salita, nagsipaglusong nadin sa tubig na nanggagaling sa talon. Grabeeeeee! Ang saya nilang tignan. Sumunod na din yung mga babae kaya lumusong na din ako. Naiwan si Daniel na nakatayo at pinapanood kami.

"Hoy Daniel! Makisaya ka na din dito! Wag kang kj!" Sigaw ko sa kanya.

"No, thanks." Sagot niya.

"Bahala ka! Pag si Jazel nalunod kasalanan mo! Di mo siya binabantayan ng maayos!" Sabi ko tapos tinalikuran siya at lumangoy.

Maya maya nakita ko din siya na lumusong na att sumunod ng sumunod kay Jazel. Napangiti nalang ako. Sobrang saya nito. Lumangoy lang kami ng lumangoy, nagkasiyahan hanggang sa mapagod kami. At umahon din isa isa.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon