Chapter 4

6.9K 228 11
                                    

Somebody's POV

"a-aray  naman po ate! Dahan-dahan lang-- aray! Mahapdi!" Daing ko habang nilalagyan ng alcohol ni ate ang akinng sugat sa braso.

"tumahimik ka! Aray-aray ka pang nalalaman, alcohol lang yan pero kung maka-aray ka wagas! Samantala kung makipagbasag ulo ka at makipagsaksakan eh di ka nasasaktan!" Galit na turan ng ate ko at bigla na lang nyang diniinan ang sugat ko

"Aray!" Tiningnan nya lang ako ng masama kaya napakagat ako sa aking labi. Hindi na ko umimik dahil nakikita kong galit na si Ate.

"Sa susunod na malaman kong nakipag-away ka na naman bubuhusan ko ng alcohol yang sugat mo ng madala ka!" Pagalit na sabi nya matapos nyang balutin ang aking sugat para daw hindi malagyan ng dumi at maiwasang ma-impeksyon

"Opo ate" Nakayuko kong sagot sa kanya

Ilang sandali ay narinig ko ang kanyang buntong hininga at naramdaman ko ang kamay nya sa magkabilang pisnge ko at inangat nya ang aking mukha para magtama ang aming mga tingin

"Sorry ate. Pero promise hindi po ako yung nagsimula. Tahimik lang kaming naglalakad ng mga kaklase ko nang may biglang bumangga sakin, alam kong sinadya nila iyon dahil sunod-sunod sila. Tapos dahil sa inis ko kinompronta ko sila kung anong problema nila. Tapos sabi nila ako daw ang problema, and ayon bigla na lang nanulak yung isa na ikinatumba ko naman kaya tinulak din sya nung isa kong kaklaseng babae kasi wala naman daw akong ginagawa tapos hindi ko na napigilan yung sarili ko, sinugod ko sya tapos sinuntok sa mukha. Kasi ate tinulak nya yung kaklase ko doon sa isa nilang kasama tapos binabastos nila. Tapos yun nagkapalitan na kami ng suntok, tas nagulat ako bigla na lang akong sinaksak nung isa ng matulis na bagay, buti nga naiwasan ko kaya nadaplisan lang yung braso ko eh kaso malalim pa din yung naging sugat" Mahaba kong paliwanag habang nakatingin sa kanyang mga mata. Para na akong batang nagsusumbong, pero totoo naman yung sinabi ko eh. Kung hindi nila binastos yung kaklase kong babae hindi aabot sa ganito.

"Sorry talaga ate. Kasi, napikon lang talaga ako. Bigla ko lang naisip paano kung ikaw yun. Paano kung may nangbastos din sayo nang ganon o kay kay mama, kaya nagalit ako" Naramdaman ko na lang ang hinlalaki ni ate na pinapahid ang mga luha na tumutulo saking mga mata. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

Natatakot kasi ako na baka hindi sya maniwala, na baka isipin nyang nagsisinungaling lang ako. Lalo pa't sya yung pinakamalapit sakin.

Isa pa, naiiyak akong isipin paano kung sya yung nasa kalagayan nang kaklase ko na iyon.

Hindi ko maatim na panuorin lang na gawin yun sa kanya. I swear, kung may gumawa noon sa ate ko sisiguraduhin kong malulumpo o baka nga makapatay pa ako.

"Tama na bunso" Bigla nya akong hinila at niyakap nang mahigpit napasandal na lamang ako sa kanyang dibdib at napayakap sa kanyang bewang.

I can't afford to lose this young lady beside me.

Pinapangako kong gagawin ko lahat para protektahan sya pati na si mama at lahat ng taong mahal ko. Hindi ako makakapayag na may mang-api sa kanila o manakit kahit na dulo ng kanilang daliri o maging hibla ng kanilang buhok.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon