Chapter 13

3.7K 141 10
                                    

Amber's POV

"Good morning mom" Bati ko kay mommy pagkababa ko ng aking kwarto.

Nandito na ako sa dinning room para kumain ng almusal. Hinalikan ko lang sya bago ako umupo sa isang upuan kung saan kaharap ko ang pinsan kong si  Samantha.

Dito na kasi sya nakatira sa poder ng mommy ko mula nang mawala ang mga magulang nya nang kasama itong namatay sa plane crash. Kaya mas mabuti daw na dito na sya manatili kasama nila mommy at daddy. Malaki naman ang bahay namin kaya ayos lang.

"Where's dad, mom?" Tanong ko kay mommy nang mapansin kong wala si daddy.

"Ayun nauna na dahil  daw mayroon syang breakfast meeting with a new client" Napatango lamang ako sa sinabi nya bago ako humigop ng gatas na kakatimpla lang ni Mang Beth. Nginitian ko lang sya bilang pasasalamat.

"So Amber, sigurado ka na ba na dito ka na muna mag-i-stay at ipagpapatuloy ang pag-aaral mo?" Napatango lang ako dahil subo ko ang tinidok. Nginuya ko muna ang aking kinain tsaka nilunok bago muling nagsalita

"Yes mom. Para na rin may time na tayo sa isa't isa. Kung alam nyo lang miss na miss ko na kaya kayo. Mabuti nga at pumayag si lola na umuwi na muna ako dito eh. Tsaka ano kasi mom" Bigla naman syang napahinto sa pagsubo at tinapunan ako ng tingin

"Yung tungkol kay kuya" Alam kong ayaw nyang pag-usapan ang tungkol kay kuya, hindi dahil galit sya dito. Kundi dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa din sya.

"Lets not talk about him, lalo na't nasa harap tayo ng hapagkainan. Lets go back sa plano mo" Napabuntong hininga na lamang ako dahil halata naman iniiwasan nya ang usaping iyon.

Tumingin ako kay Sam, nakatingin din sya sakin. Pinikit nya nang dahan-dahan ang kanyang mata tsaka ngumiti. Nginitian ko lang din sya at tinanguan

"Ah mom, okay lang ba kung sa school ni Sam ako pumasok? Kasi mas panatag ako kung magkasama kami sa iisang school. Alam mo na para may kakilala din ako" suhesyon ko naman sa aking ina. Buhay sa naging turan ko ay bumalik ang mood nya.

"Mabuti nga kung ganon. Doon ka na lang para mabantayan ka din ng pinsan mo at para mabantayan mo din yang pinsan mo" Napatawa naman kaming pareho ni Sam dahil sa sinabi ni mommy.

Akala mo naman mga bata pa kami para bantayan ang isa't isa. Napapa-iling lang kaming dalawa. Napangiti lang din samin si mommy ng tipid

"Sige na bilisan nyo na dyan. May pasok si Samantha ngayon, sakto bakit hindi kana din sumabay para makapag-inquire ka. At para na rin malaman mo kung ano ang mga kakailanganin mo" Napatango lamang ako kay mommy. Pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagkain

"Sya nga pala, nasabi ni Sam na muntik daw kayong manakawan kahapon? At ang mas malala ay hinabol mo pa daw iyong magnanakaw? Alam mo namang delikado iyon Amber. Kaya sana sa susunod wag mo nang uulitin. De baleng makuha na lang nila ang gamit mo kesa mapahamak ka" Tumingin ako kay San dahil sinabihan ko na syang wag ipapaalam kay mommy eh. Nginitian nya lang ako tsaka nag-peace sign

"Opo mommy. Tsaka ayos lang naman ako eh. May tumulong sakin. Pero naiinis pa din ako pagnaiisip ko iyon mom, kasi sa dami ng tao kahapon walang naglakas loob na tulungan ako hanggang sa makalayo na kami sa mall. Buti na lamang may nagmagandang loob at naglakas loob. Kaya iyon bagsak yung magnanakaw at nabawi ko ang bag ko" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Huminga sya ng malalim

"Mom, bakit may ganong mga tao?" Bigla kong tanong sa aking ina

"Kasi anak, ayaw nilang mapahamak at madamay. Alam mo naman dito sa bansa natin, madami nang masasamang loob na hindi mag-a-atubili na manakit. Kaya ganon takot lang sila" paliwanag ng aking ina. Napanguso lang ako't napasimangot

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon