Amber's POV
"Hey couz! Anyare sayo? Tulaley ka diyan" Bigla naman akong napalingon sa aking pinsan na si Samantha nakatitig sya sakin. Napalingon na naman ako doon sa taong naka-black hoodie na nakabanggaan ko kanina.
"Bakit? Sino ba iyong tinitingnan mo?"
Tanong nya uli. Tiningnan ko syang muli, at doon din pala sya nakatingin sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. Ngunit wala na yung taong iyon. Tiningnan ko naman ang papel sa aking kamay. Binuklat ko ito at may mga numero"Uy! Couz hah! Kauuwi mo pa lang may ganyan na agad. Gwapo ba? Huh?" Pangungulit nya sakin habang binubunggo ang aking balikat. Napa-irap lang ako sa kanya at napa-iling ngunit nakangiti.
"Wala ito" Sabi ko sa kanya habang nakatingin pa din sa papel
"Wala daw huh! Sige itago mo na iyan at baka iyan na ang forever mo!" Panunukso nya sabay tawa. Ako naman ay ginawa ko na lang ang sinabi nya. Nilagay ko ito sa hand bag na dala ko.
"So kwento naman couz. Anong ganap?" Sabay nguso nya sa bag ko kung saan ko inilagay ang piraso ng papel na may numero. Napa-iling na naman ako tsaka naglakad. Sinabayan naman nya ako kaagad habang nakapulupot ang kanyang braso sa aking braso
"Sige na kasi. Pa-share it naman" pangungulit nya sa akin na kina-iling ko lang
"Alam mo ikaw napaka-chismosa mo"
Sabay kurot ko sa kanyang tagiliran na kina-igtad naman nya"Share it mo na kasi" Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kahit ano naman ang gawin at sabihin kong wala lang iyon ay kukulitin at kukulitin nya ako.
"Wala lang naman iyon eh. Ano nagkabungguan lang kami tapos ayon binigay nya sakin yung papel. Sabi nya kontakin ko na lang daw sya kung sakaling may pinsala ko dahil sa pagkakabungguan namin. Yun lang" paliwanag ko sa kanya, sa kung ano ang nangyare
"Huh? Yun lang?! Walang iba?" Napailing lang ako sa kanya
"Oo yun lang. Ano pa bang inaasahan mo?" Bigla syang napahinto at napa-cross arm kaya napahinto din ako at tinitigan sya
"I mean wala bang meet up dyan. You know, getting to know each other. Like duh!" Bigla akong natawa sa kanya at napatakip sa aking bibig.
Umiling-iling lang ako. Kaya ang isa ay tinalikuran na lamang ako bago naglakad uli. Napahawi naman ako sa ilang hibla ng aking buhok na humarang sa aking mukha gamit ang aking hintuturo.
Sinundan ko sya at pinulupot ang aking braso sa kanya sabay sandal ng aking ulo sa kanyang balikat
"Ano kamusta ka naman cuoz?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo nyan kakauwi ko lang ng Pilipinas galing sa Korea.
Actually doon ako nakatira sa lolo at lola ko, nagbabakasyon lang ako dito sa Pinas ng ilang buwan. Pero dahil sa insidente kung saan nasawi ang kuya ko ay napilitan akong umuwi muli at nagplanong mag-transfer para alamin kung ano nga ba talaga ang nangyari noon. Kahit alam kong tutol sila papa sa gagawin ko.
"Ayos naman ako cousz. Ito maganda pa din at pinag-aagawan" Sabay tawa nya kaya hinampas ko naman sya sa balikat nya
"Seryoso kasi. Wag kang mahangin" pagpuna ko sa kanya
"Hoy! couz nagsasabi lang ako ng totoo. Ikaw ba kumusta ang buhay sa Korea? Bakit ka nga pala umuwi? For good ka na ba dito?" Balik naman nyang tanong sa akin
*welcome maam
Nginitian lang naman namin ang isang staff ng restaurant bilang pagbati din. Iginaya naman kami ng isang staff at tinuro ang vacant table para samin. Agad naman kaming sumunod at nagpasalamat nang maka-upo na kami.
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...