Amber's POV
Kasalukuyan na kaming nasa cafeteria ngayon kumakain kasama si Sam. Tahimik lang ako habang walang tigil na pinapa-ikot ang spaghetti sa aking tinidor at tulala lamang.
Hindi ko alam, ang lalim ng iniisip ko. Pang-tatlong araw ko na dito sa school so it means huwebes na ngayon. Kaka-transfer ko lang noong lunes, pero hindi ako kaagad nakapagsimula ng pasok dahil doon sa emergency na nangyari sa may soccer field noong monday.
I can't help my self. I can't stop wondering bakit ganoon ang mga mata ng mga istudyante dito noong pasan-pasan ni Jeff yung misteryosong babae para dalhin sa hospital dahil sa tindi ng bugbog na natamo nya.
Napapa-isip talaga ako nang mapansin ko yung reaction ng mga istudyante. Kakaiba. Parang takot, tuwa, galit at higit sa lahat blanko. Iyon ang mga nabasa ko sa kanilang mga mata. Karamihan sa kanila. Kung ikukumpara doon sa tatlo na kasama namin.
Maging si Sam ay ganoon din ang nabasa ko sa kanyang mga mata nang sabihan ko syang tumawag ng ambulansya pero blanko lang ito. Walang mabasang emosyon. Hindi ko sila maintindihan. Pero yung emotion na nakita ko kay Jeff, kay Cathy at kay Ms. Manangan. Iba. Kung ikukumpara sa karamihan. Awa, pagaalala at takot na baka may mangyari sa kanyang masama.
Sinabi sakin ni Sam na psycho daw sya. Kinakatakutan, dahil puro kapahamakan lang ang dala nya. Pero hindi iyon ang nakikita ko sa kanya. Lalo na nang magtama ang mga mata namin noong linggo sa mall, kung saan kami nagkabungguan. At noong tinulungan nya akong mabawi ang aking bag mula sa snatcher, nang hilahin nya ako na halos mapayakap na ako sa kanya dahilan para mapatingin ako sa kanya at nagtamang muli ang aming mga mata
Lungkot, sakit, paghihirap, pangungulila. Misery.
A wrecked person...
Iyon ang mga nabasa ko sa kanya. May takot din akong nabasa sa kanyang mga mata bago naging blanko ang mga ito.
"Hey! Amber, are you still with me?" Bigla naman akong nagising mula sa malalim na pag-iisip at napatingin kay Sam na nakasimangot
"Ah y-yeah!" Sagot ko na lang sa kanya tsaka tumikhim pakiramdam ko kasi may nakabarang kung ano sa aking lalamunan
"I think you're not!" Tiningnan ko lamang sya ngunit agad din akong nagbawi sa kanya ng tingin at napabaling na lang sa ibang direksyon.
"Yes, I am" Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla syang dumukwang kaya napa-atras ako dahil ang lapit na ng mukha nya sakin
"W-what are you doing?" Bigla nyang hinawakan ang magkabilang pisnge ko at tinitigan sa mga mata. Napaka-seryoso nya
"Now, tell me. Bakit parang ang lalim nang iniisip mo?" Napaiwas naman ako ng tingin
"What are you talking about? Hindi kaya" Binitawan naman na nya ang aking mukha at bumalik sa kanyang inuupuan sabay cross arms
"Yes you are. Obviously. Kasi kanina pa ako daldal nang daldal dito, pero alam mo parang wala lang akong kausap. Sabihin mo nga, ano ba talaga ang iniisip mo? Sa tingin ko sobrang lalim nyan, kasi look at your food. Halos hindi mo manlang nabawasan" Dahil sa sinabi nya ay napatingin naman ako sa aking pagkain.
Bigla akong nandiri sa itsura nito, nagmukha ng ewan. Kaya binitiwan ko na ang tinidor tsaka tinulak palayo sakin
"Tell me na kasi couz!" Bumuntong hininga naman ako bago sya sinagot habang nakatingin pa rin sa ibang direksyon. Pinapanuod at pinagmamasdan ang mga istudyante na may kanya-kanyang mundo
May masasayang nagtatawanan, tahimik na nag-iisa sa isang tabi, nag-aaral at iba pa.
"Iniisip ko lang bakit ganon sila?" Nakatingin pa din ako sa mga istudyante
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...