Chapter 39

2K 68 2
                                    

Third Person's POV

Tahimik lamang na nakaupo ang isang lalaki nakasuit ng pula  sa pulang upuan habang nakadekwatro't ang kanyang kanang kamay ay nakapatong lang sa armrest, samantalang ang kaliwa ay may hawak na wine glass habang nakapikit ang kanyang mga mata na sinasamyo ang red wine na laman ng glasswine.

Samantalang sa kabilang banda ay nakatayo lamang ang isang lalaki sa kanyang harapan habang nakayuko, tahimik lamang itong nakatingin sa taong nakaupo. Maririnig sa buong silid ang tunog ng phonograph kung saan tumutugtog ang malumanay na tunog ng violin na syang nakakadagdag sa kakaibang ambiance ng silid.

Mapapansin ang kabuuan ng silid na halos binalot ng pulang kulay at itim habang naliliwanagan ng malamlam na kulay orange na ilaw. Habang sa mataas na parte ng pader sa taas ng isang fireplace ang nakadikit ang ulo ng usa habang sa baba naman nito ay ang isang shotgun. Balot naman ng pulang carpet at itim ang sahig ng kwarto kung saan may malaking bintanang salamin sa gilid na tinatakpan ng itim at makapal na kurtina.

Mapapansin ang kakaibang itsura ng silid dahil sa mga armas na nakasabit sa mga pader. Tulad ng mga espada, sibat, panangga, crossbow at iba't ibang laki at uri ng patalim, tulad ng mga dagger at may palakol din.

Tumingala ang lalaki habang nakapikit tsaka inikot ikot ang laman ng kanyang wineglass habang sumasayaw sayaw ang kanyang ulo. Bigla naman itong nagbaba ng ulo tsaka dahan-dahang nagdilat ng mata, diretsong nakatingin sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan.

Tila nanigas naman ang lalaki ng tumama sa kanya ang mga mata nito dahil sa kakaibang tingin ng mga ito. Akala mo'y may mga patalim na lumalabas sa mga mata ng lalaki, mabangis ang dating. Wala kang mababasang awa sa mga ito kundi panganib lamang. Ang mga mata ng isang tao na syang nagbibigay kilabot at takot sa kung sino man ang makakita.

Diretso lamang syang nakatingin sa kanyang harapan tsaka uminom ng konting wine, bago nya ibinaba ang glass wine sa lamesang nasa gilid ng kanyang upuan tsaka tumayo. Kumilos naman ang lalaki na nakatayo sa kanyang harapan, gumilid sya upang makadaan ang taong iyon, naglakad ang lalaking iyon patungo sa bintana. Inilagay ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa tsaka pinagmamasdan ang mga taong abala at nagkakasaya sa party.

"Anong dapat naming gawin? Iniisa-isa na nya ang aking mga kasama. Masisiguro mo ba ang kaligtasan namin?" Tanong ng lalaki habang nakatingin sa lalaking nakatalikod sa kanya.

Napangiti naman ang lalaki, tsaka ito lumingon sa kanyang likuran pinakatitigan ang lalaki na nakayuko na ngayon dahil sa takot sa maaaring gawin sa kanya ng lalaki

"Sino ba ako sa akala mo?" Tanong ng lalaki

"Ahmm... basta siguruhin mo lang ang kaligtasan namin. Pangako gagawin namin lahat ng ipag-uutos mo" turan naman ng lalaking nakayuko kanina na ngayon ay nakatingin na sa kanya, mababasa ang pag-aalala sa kanyang mga mata

"Oo naman. Makakaasa ka. Sya nga pala" sabi ng lalaking nakapula, tsaka ito naglakad sa lamesa na pinagpatungan nya ng wineglass. Sinundan lang sya ng tingin ng isang lalaki, hanggang sa damputin nito ang isang brown envelope. Ibinalibag nya ito sa paahan ng lalaki sabay talikod para bumalik sa tapat ng bintana

"Kunin mo" utos nya, ginawa naman ng lalaki tsaka binuksan ang brown envelope at inilabas ang mga laman nito.

Napakunot naman ang noo nito nang makilala nya ang babaeng nasa litrato, nag-angat sya ng tingin sa lalaking nakapula

"A-anong ibig sabihin nito?" Tanong nya sa lalaki

"Hindi bat iyan ang gusto mo? Nangako ako sayo na makukuha mo sya kapalit ng favor na hininge ko sa inyo. Naging maganda ang resulta kaya naman, ibinabalik ko na din ang favor sayo" sagot lang ng lalaki tsaka humarap sa kanya't ngumiti

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon