Chapter 53

1.5K 61 6
                                    

Amber's POV

"Hi Amber, flowers for you" masayang bati sakin ni Jake, tinanggap ko naman ng nakangiti ang ibinigay nya tsaka inamoy

"Thank you" nakangiti kong pasasalamat

"You're always welcome, shall we?" Sabay pinaghila nya ako ng upuan. Nginitian ko sya pagkaupo ko.

Pagkatapos ay may lumapit na waiter sa amin upang kunin ang order namin. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa paligid dahil napaka-romantic ng ambiance ng restaurant.

"You have a good taste" compliment ko kay Jake na kinangiti naman nya

"Thank you, akala ko pa naman ay hindi mo magugustuhan. Ang totoo nyan nahirapan pa akong mamili kung saang restaurant kita dadalhin. But then thanks sa mga kaibigan ko. Simple yet romantic and sweet, hindi ba?" Pahayag nya, tumango lang ako bilang tugon

"Yaaah... actually I loved it. Napakapayapang tingnan, kitang-kita yung city lights na mas lalong nagpaganda sa tanawin and napakasimple lang naman ng style but looks elegant, idagdag mo pa yung romantic music of violinist. I think I finally found my haven and thank you for showing this wonderful place." Tsaka ako ngumiti sa kanya

Totoo ang sinabi ko dahil sa lugar na ito ay medyo nakakalimutan ko ang problema ko, ng isip ko at lalong-lalo na ng puso ko. Thanks to Jake dahip dito nya ako naisipang dalhin

"I hope na masundan pa ang date na ito and salamat din dahil pumayag ka sa hiling ko. It means too much to me" masaya nyang pahayag, ngumiti lang ako and sya namang pagdating ng order namin

"Shall we eat?" Tumango lang ako tsaka nagsimula nang kumain

"So ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon bukod sa pag-aaral?" Tanong nya sakin, napahinto naman ako sandali tsaka nag-isip

"Hmm... wala naman masyado. More on naka-focus lang ako sa investigation about my brother's case na close na 6 months ago" tapat kong sagot sa kanya

"Oh I see. I heard about it, at sana ay mahuli na din ang totoong may sala" simpatya nyang turan

"Sana nga... how about you? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon? Bukod sa pagiging students and captain ng basketball team?" Balik kong tanong para mapalitan ang topic

"Hmm... and speaking ng pinagkakaabalahan, may dad insist me na magtrain na kung paano iha-handle ang family business namin kahit na wala akong hilig doon. Sinubukan kong tumanggi, but he insit dahil ako daw ang magmamana noon sa huli kaya kailangang maaga pa lang ay pag-aralan ko na ang pagpapatakbo dito. Kaya naman ito nape-pressure ako, but thanks to you" masaya nyang pahayag

"Thanks to me? Why?" Nagtataka kong tanong

"Dahil you give me inspiration para i-pursue ang pagha-handle ng business namin. Look Amber, I'm drop dead serious about my feelings for you. Sana ay hayaan mo akong patunayan ang nararamdaman ko para sayo, I know we're still too young but I'm willing to wait" madamdaming pahayag ni Jake sa akin.

Kung sa tulad lang ako ng ibang babae, sisiguruhin kong kikiligin at bibigay na ako sa kanya. I will not deny that Jake is drop dead a handsome man, every girls dream nga eka. Dahil nasa kanya na ang lahat, itsura, ugali, yaman at pangangatawan na gustong-gusto ng ibang babae. But bakit kabaligtaran ang nararamdaman ko, habang sinasabi nya ang mga salitang iyon isang imahe ang lumalabas sa aking isipan.

"Ooh... I see" iyon lamang ang nasabi ko tsaka ngumiti nang tipid, kinuha ko ang wineglass ko tsaka sumimsim. Parang bumara kasi ang pagkain sa lalamunan ko, hindi ko alam kung ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya

"Thank you Jake for this wonderful night, I really enjoy it" masaya kong pasalamat sa kanya

"No biggy, it's my pleasure " sagot nya

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon