Chapter 64

1.8K 43 1
                                    

Amber's POV

"Tara na?" Tanong ko sa kanya nang matuyo ko na ang aking mga pisnge. Ngumiti sya sakin

"Tingnan mo nga oh! Uhugin ka na" pang-aasar nya sakin.

"Hindi kaya! Halika na nga, tama na yang titig mo sakin. Baka matulad na ako sa ice cream mong tunaw na" tsaka ako tumayo, tumingin sya sa ice cream nya sabay kibit balikat. Inubos na lang nya ito maging ang akin tsaka kami naghanap ng matatapunan

"Nagugutom na ako" pagrereklamo nya kaya natawa na ako habang nakagawak sya sa kanyang tiyan

"Kakakain mo lang ng ice cream ah" turan ko sa kanya. Sumimangot sya sakin bago sumagot

"Ice cream? Sa tingin mo mabubusog ako doon? Tunaw na kaya sa tiyan ko" sabay ngisi nya sakin.

"Para ka talagang bata. Sige ano bang gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya ngumisi naman sya sakin habang nakatingin sakin ng maloko

"Pagkain Zeventheen! Pagkain!" Napanguso sya tsaka napakamot sa kanyang ulo kaya natawa ako ng mahina

"Gusto ko ng pizza?" Di sya sigurado na sambit.

"Okay" sagot ko sa kanya tsaka sya hinila para makakain na kami.

Tahimik lang sya habang nilalantakan ang pizza sa harapan namin, grabe sya parang nakalimutan na ata nyang may kasama sya. Ni hindi na nya ako kinakausap, kain lang sya ng kain. Pero ang cute nya tingnan habang lumulubo ang kanyang mga pisnge dahil punong-puno ang bibig nya.

Halatang nagugustuhan nya ang kinakain nya ngayon ay kitang-kita ko rin na nag-eenjoy sya. Pinupunasan ko ang kanyang bibig dahil kunakalat ang sauce sa kanyang labi then ako na din ang nagpapainom sa kanya. Dahil pati ata paginom nakalimutan na nya kahit na nabibilaukan na sya. Para syang hinahabol o may hinahabol sa pagmamadali nyang kumain

"Easy lang Zev, wala namang humahabol sayo eh" turan ko sa kanya tsaka kumagat sa aking pizza

"Hmm... hmm" sagot nya sakin, kinuha ko ang aking cellphone tsaka sya kinunan ng litrato. Noong una ay ayaw nya kaya madami akong kuha na malabo tapos gulo-gulo dahil ayaw nyang magpakuha

Hanggang sa tuluyan na syang sumuko  wala na syang nagawa dahil mas matigas ako sa kanya. Kumuha lang kami ng kumuha ng litrato. Hanggang sa tuluyan na syang ngumiti sa mga litrato na lalong nagoangiti sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya habang umiinom ng softdrinks.

*buuurppp!

"Excuse me!" Turan nya sabay ngiti nang dumighay sya dahil sa sobrang kabusugan

"Solve ka na ba?" Tanong ko sa kanya

"Yes po. Solve na solve. Sa totoo now lang ako nakakain uli ng ganito. Kasi after nang maaksidente sila dad, ang nangyari kay Asharlie at kay Kuya Steffan. I lose sense of taste, simula noon ay wala na akong nalasahan na pagkain, kahit na anong gawin ko ay hindi ko malasahan ang mga ito. Sinubukan ko na ngang hindi kumain sa isang araw dahil hindi ko rin naman na-eenjoy eh. Kaso sumasakit ang tyan ko at nanghihina ako kapag hindi kumain, kaya kahit na wala akong malasahan sa kinakain ko ay oinioilit ko pa ding kumain. Until you came at ito. Salamat, sobrang nag-enjoy ako at sobrang nabusog" pahayag nya sabay yuko at tingin sa kanyang tiyan habang hinihimas nya

"So saan na tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya nang tatayo na sana kami, ngunit mabilis nyang hinawakan ang aking kamay kaya napahinto ako't napatingin sa kanya

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya

"Order tayo ng pizza" nanlaki naman mata ko sa sinabi nya

"Huh? Eh di ba tapos ka na kumain? Akala ko solve ka na?" Tanong ko sa kanya, ngumiti lang sya habang kumakamot sa kanyang kilay

"Kasi, may nakita akong mga bata kanina sa labas ng mall. Tapos may matanda din na nanghihingi ng pagkain doon sa mga taong lumalabas ng mall, kaso hindi sila binigyan. Kaya naisip ko na um-order para paglabas natin mamaya ay mabigyan natin sila" tila nahihiya nyang pahayag. Parang biglang natunaw yung puso ko dahil sa sinabi nya, ngumiti ako tsaka muling humarap sa kanya

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon