Third Person's POV
GRAYSTONE UNIVERSITY
Tahimik at parang natural lamang ang mga bagay na nangyayare sa iskwelahang ito.
Kung saan nag-aaral ang iba't ibang uri ng mga istudyante na nagmula sa mga kilala at maiimpluwensyang pamilya't angkan mula sa loob at labas ng bansa.
Kaya naman ganoon na lamang ang kanilang tapang at lakas ng loob upang manakit ng ibang istudyante. Lalong-lalo na ng mga scholar student na walang kakayahang bayaran ang tuition fee sa iskwelahang ito.
Ngunit dahil sa taglay nilang talino, kakayahan at iba't ibang talento ay nagpasya ang pinaka-nakakataas na tumanggap at magbigay ng scholarship para sa mga kapos palad na mga istudyante na may malaking potential sa hinaharap.
Dahil sa pagiging kapos palad nila at pagiging scholar, sila ang naging sentro ng pananakit at katuwaan ng mga istudyanteng nagmula sa kilalang pamilya.
Walang araw na lumilipas na hindi sila nasasaktan o napaglalaruan. Sila ang naging suki ng mga bully sa buong campus. Kahit na gustuhin man nilang magsumbong sa nakakataas ay hindi nila magawa dahil alam nila ang kakayahan ng pamilya ng mga ito.
Kahit na gaano kalaking gulo ang ginagawa nila ay hindi sila mapaalis-alis sa iskwelahang ito. Kaya naman ang tangi na lang ginagawa ng mga kawawang istudyante ay ang manahimik at sumunod sa lahat ng pinag-uutos ng mga ito.
Magtiis at tanggapin ang lahat ng pananakit na ginagawa sa kanila, dahil kung hindi ay wala silang pagpipilian kundi ang umalis.
Ngunit dahil sa kanilang mataas na pangarap at hangarin sa buhay, mas pinili na lamang nilang maghirap sa kamay ng mga bully hanggang sa makatapos sila.
Naiisip kasi nila na once in a blue moon lamang ang opportunity na ganito, kung saan mabigyan ng pagkakataon na makapasok sa isang napakaganda at kilala sa buong bansa na paaralan. Tinitingala at pinapangarap ng lahat ng mag-aaral na mapasok.
Minsan lang ang matanggap bilang scholar dito per school year, kaya naman hindi nila ito agad mabitawan. Dahil na rin wala na silang poproblemahin pa.
Ang tanging bagay na gagawin lamang nila ay mag-aral nang mag-aral hanggang sa makatapos, tsaka pumasok sa mga trabahong naghihintay na sa kanila mula sa mga kumpanya na pagmamay-ari din ng iskwelahang ito. Para doon naman nila ibabalik ang lahat ng tulong na natanggap nila mula sa scholarship na nakuha nila.
Wala na silang babayaran dahil sagot na ng iskwelahan ang lahat ng kanilang gamit, magmula sa kanilang uniform, school supplies, books and equipments na kailangang gamitin para sa mga subjects plus monthly allowance at dorm na nandito na din mismo sa loob ng paaralan.
Sinusuportahan ng paaralan ang lahat ng kanilang pangangailangan, ngunit dapat ay mapanatili nila ang kanilang mga grades. Hindi naman mahirap para sa kanila yun, dahil mula elementary ay isa sila sa mga top students.
Ang malaking problema lamang na kinahaharap ng mga scholar sa paaralang ito ay ang mga matapobreng anak mayaman, na walang ginawa sa kanila kundi ang mambully non-verbal until verbal abuse.
Walang katapusang pananakit physically at emotionally hanggang sa umabot na ito mentally. May ilang scholar na din ang nagcommit ng suicide dahil sa hindi na kinaya ang pangbu-bully sa kanya.
Ngunit sa kabila ng trahedyang iyon ay nanatiling tikom lamang ang bibig ng mga tagapangasiwa ng paaralang ito.
Malayang nakakapaglakad sa kalsada ang may gawa, malayang tumatawa at nagpapakasaya na parang wala silang ginawang masama.
Sa kabila ng katanyagan ng paaralang ito ay sya naman ang nagtatagong baho nito na hindi nalalaman ng publiko kailanman.
Sa kabila ng kagandahang taglay ay may pangit itong katangian na itinatago. At iyon ang mga insidente at karahasang nangyayare sa loob ng paaralang ito.
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...