Amber's POV
Abala ako habang nakayuko't nakatutok sa aking cellphone ang aking atensyon habang nandito kami sa cafeteria nila Samantha. Ngunit ang babaeng iyon ay bigla na lamang nawala, kaya naiwan akong mag-isa dito. Sinabihan naman nya ako na babalik din sya may kakausapin lang sya. Nako ang babaeng iyon akala nya hindi ko alam na manliligaw lang nya yun kunwari pa.
Maingay ang cafeteria, lagi naman kaya habang nagbabasa ay may earphone na nakapasak sa aking tenga para hindi ko sila marinig. Dahil mas gugustuhin ko pang makinig ng instrumental music habang nagbabasa. Ewan ko ba kung sa iba ay mahirap gawin iyon dahil nakaka-distract sa pagababasa, sa akin ay hindi. Mas lalo ko pa ngang na-e-enjoy ang aking pagbabasa eh.
Napabuntong hininga na naman ako ng maalala ko si Ms. Black, nakakainis kasi ang taong iyon. Bigla na lang lumilitaw sa isipan ko, ni hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko kung bakit. Lalo na noong nakaraang araw nagkita kaming dalawa, actually aksidenteng nagkita. Bakit kaya ganoon kapag di mo kaharap ang isang tao hinahanap-hanap mo kasi gusto mong makausap at matanong, pero kapag kaharap mo na eh nawawala ang lahat. Pati ata boses ko ay nawala, tila tumiklop ang aking dila. Sino ba kasing hindi lalo na kapag nakatingin na sya sayo
Flashback...
Nandito ako sa isang coffee shop tahimik lang na nagbabasa habang hinihintay si Samantha, pumunta lang muna sya sandali sa restroom dahil nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Nakatutok lang ako sa aking cellphone, ngunit nakaramdam ako ng bored kaya in-off ko ito't inilapag sa ibabaw ng lamesa tsaka napatingin sa labas.
Pinagmamasdan ko lang ang mga taong naglalakad paparito't paparoon. Medyo madilim na ang paligid dahil 7:00 pm na. Dito agad kami dumiretso ni Samantha pagkalabas ng school dahil daw makikipag-meet sya sa kanyang kaibigan kuno. Ngunit halos kalahating oras na kaming naghihintay ay hindi ito nakarating.
Tinanong ko sa Samantha kung sino ba talaga ang taong iyon, aba't sinagot lang naman nya ako na bagong kakilala sa social media gusto daw makipag-meet. Pinagsabihan ko sya na tigil-tigilan ang ganitong bagay dahil delikado, mamaya eh masamang tao pala iyon. Kaya naman nangako sya na ito ang una at huli.
Napalingon naman ako sa flatscreen tv na nandito sa loob ng coffee shop, napatitig ako doon upang panuorin ang balita tungkol sa isa na namang biktima ng rape. Napailing-iling ako, ayon sa pamilya ng biktima bago mangyari ang bagay na ito ay nagpaalam pa ang kanilang anak para kitain ang bagong kaibigan daw nito na nakilala nya sa social media. Dahil mabait at responsable ang kanilang anak ay hindj na sila tumutol pa dahil may tiwala sila na alam naman ng anak nya kung delikado ba ito o hindi. Ngunit matapos itong magpaalam ay hindi na ito nakauwi pa, sinubukan nilang kontakin ang biktima ngunit hindi na nila ito macontact dahil nakapatay ang cellphone nito. Kaya naman nagtungo agad ang kaniyang mga magulang sa presinto upang ireport ang nangyari dahil kinutuban na din ito sapagkat ito ang kauna-unahang beses na nangyari sa anak nya. Magpahanggang ngayon ay patuloy na hinahanap ng mga pulis ang naturang salarin"
Kasasabi ko lang na delikado ang makipagkita sa kung kani-kanino lalo na kapag nakilala mo lang sa social media, dahil ito may nabiktima na. Kaya itong si Samantha nako hindi malabong mangyari sa kanya ang nangyari sa biktima kung hindi nya titigilan ito. Mabuti na lamang ay naisipan ko syang samahan.
"Hi miss" nagulat naman ako sa lalaking biglang umupo sa katapat kong upuan nakangisi sya sakin.
Nakaramdam naman ako ng takot dahil sa way ng pagtitig nya, muka syang tao na ilang araw na hindi nakatulog. Puting-puti ang kanyang balat at dilat na dilat ang kanyang mga mata. Bahagya din syang pinagpapawisan, napatingin naman sya sa paligid nya na para bang may pinagtataguan kaya napatingin din ako dito. Wala naman akong napansin na kakaiba sa loob ng coffee shop bukod sa kanya na napaka-creepy ng ngiti nya.
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...