Ms. Black's POV
What is love? What is happiness? What's make you satisfied and contented? Why are you breathing? What is your purpose? Your goal in life? Your dream?
Mga katanungan na kung minsan ay bigla na lamang lumilitaw sa aking isipan habang pinagmamasdan ang mga tao sa aking kapaligiran. Ang mga katanungan na minsan ay naitatanong ko sa aking sarili, napapaisip na lamang ako. Ano nga ba ang mga iyon? Gaano ba kaimportante ang mga bagay na iyon?
Higit sa lahat natatanong ko ang aking sarili, pwede ko rin bang maranasan, makuha at malaman kung ano nga ba ang akin.
Ano nga ba ang pakiramdam ng maging masaya? Maaari ko ba iyong maramdaman? Possible kaya? Kung oo paano? Pero ang tanong, may karapatan ba akong maramdaman ang maging masaya?
Bakit parang napakadali sa iba ang maging masaya? Kahit na sa mga simpleng bagay lamang, pakikipag-usap sa mga kaibigan, kahit ang mga bata ay nakukuha nila itong maramdaman kahit na sa pamamagitan lamang ng isang candy.
Ngunit sa akin? Bakit? Bakit napakahirap? Nakakapagtaka, o dahil hindi ako normal tulad ng iba? Tama. Hindi talaga ako normal, malayong-malayo ako kung ikukumpara sa iba.
Tinatanong ko din ano ba ang pagmamahal? Iyon ba ang pagbibigay ng bulaklak at tsokolate sa isang tao? Paglilibot sa park? Maglaro kasama ang mga barkada at gawin ang mga bagay na gusto mo?
Ano nga ba ang pagmamahal?
Pwede mo bang masabi na, pagmamahal ang umiyak nang dahil sa ibang tao? Pagmamahal ba ang manakit dahil natatakot ka na saktan ng iba ang taong mahalaga sayo?
What's make you satisfied and contenented?
Ano nga ba? Hmm... isang date sa mamahaling restaurant? Medal? Mamahaling kotse't malaking bahay? Limpak-limpak na salapi? Magandang trabaho? Makapasok sa isang kilala at tanyag na kompanya? Siguro oo ang sagot ng karamihan.
Pero ako, ano nga ba? Maisip ko lang ang mga ito, ni katiting ay wala akong maramdaman. Sakit. Iyan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita't naririnig ko ang mga bagay na iyan.
Why are you breathing?
Dahil nanatili pa rin akong buhay
What is your purpose?
Ano nga ba? Hindi ako sigurado kung ano nga ba ang purpose ko sa buhay. Lalo na't may iba't ibang boses akong naririnig na bumubulong sa aking isipan.
Dapat ito ang gawin mo
Kunin mo ito
Gawin mo ito
Hindi ako sigurado
Your goal in life?
Hmm... To take back what is mine
Your dream?
To do what I must and I should do
"You little demon! Why are you doing this?!" Napamulat ako't napa-angat ng ulo nang marinig ko ang sigaw nya.
Pinakatitigan ko lang sya, pinagmasdan ko ang hubad nyang katawan na may mga latay ng latigo habang nakatali sa taas ang kanyang mga kamay. Dumudugong bibig at ilong, namamagang mukha at mga mata.
Umayos ako ng upo, sumandal ako sa upuang kahoy tsaka nag-cross legs at cross arms habang nakatingala't pinagmamasdan sya. Napahawak ako sa aking sentido gamit ang aking hintuturo tila nag-iisip kung ano nga ba ang isasagot ko sa kanya.
"Hmm. Why are you asking me? You should ask your self, you filthy man!" Sagot ko sa kanya, kahit na hirap na hirap na sya ay hindi pa din sya nagpapatalo. Tumawa lang sya
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Misterio / SuspensoShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...