Amber's POV
Naalimpungatan ako dahil sa mumunting huni ng mga ibon na naririnig ko mula sa paligid. Then bigla na lang akong napadilat nang maalala ko kung ano ang gagawin namin ni Zeven ngayong araw. Napabalikwas ako ng bangon nang hindi ko makapa ang katawan ni Zeventheen sa tabi ko. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto, napakatahimik. Ang huni lamang ng mga ibon ang naririnig ko na nagmumula sa labas, maging sa banyo ay walang ingay.
Nagtataka ako dahil hindi ko sya makita, tiningnan ko ang oras.
6:00 am pa lang naman. Naisip ko na baka nasa baba na sya dahil ngayong araw din ang balik namin sa GSU. Kaya naman nagmadali na akong tinupi ang pinaghigaan namin, pagkatapos ay nagtungo na ako sa banyo nang makuha ko na ang aking uniform. Mabilis akong naligo at nagbihis dahil baka kanina pa sya naghihintay.
Patakbo akong bumababa ng hagdan patungo sa kusina, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Napakabilis nang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Alam kong hindi ito dahil sa pagmamadali ko o pagtakbo. Lalo na nang may bigla akong na-recall sa aking pandinig, hindi lang ako sigurado kung panaginip lang ba iyon.
...I thought ito na yung pinakahihintay ko araw na makasama ka at masabi ko lahat. I was so happy, akala ko pang everlasting na...
...Ngunit hindi pala, siguro hindi pa ito yung tamang oras para sa ating dalawa kaya nangyayari ito. But don't worry, I can wait until na dumating yung araw na yun. Yung araw na para sa atin.
...All I want is your happiness,I want you to be happy. Hindi man sakin, ang mahalaga ay ang kapakanan mo. I will always love, only you. I will wait until we bloom at the same time"
"Hindi! Panaginip lang iyon! Ano ka ba Amber? Wah kang lokaret. Stop thinking negative thoughts" sermon ko sa aking sarili hanggang sa nasa bukana na ako ng kusina.
"Oh, good morning Amber. Mabuti na lang at nagising ka na. Halika na kumain ka na dito para makaalis na kayo nang maaga" pagbati at pahayag ni manag Lordez habang inilalapag ang isang plato na may lamang ulam.
"Manang si Zev--" natigilan ako nang makita ko kung sino ang babaeng nakatalikod sa akin. Lumingon sya sakin tsaka nginitian ako, ngunit taliwas naman ang sinasabi ng kanyang mga mata
"Anong ginagawa mo dito cous?" Puno nang pagtataka kong tanong sa kanya, napaiwas naman ng tingin sina Manang Lordez ang Mang Pate na lalo kong ipinagtaka
"Mamaya na ang tanong, umupo ka na dito para makakain. Kailangan nating umalis kaagad para di tayo abutan ng trapik" then itinuon na nya ang kaniyang atensyon sa hapag kainan.
Lumapit ako tsaka umupo sa tabi nya, inilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko makita si Zeven. Magtatanong na sana ako kay Manang Lordez nang makaupo sya
"Nauna na syang umalis dahil may emergency daw. Kaya tinawagan ako nila manang Lordez para sunduin ka bilin ni Ms. Black bago sya umalis" pahayag ni Samantha, nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi manlang nya ako hinintay o ginising manlang para magpaalam. Hindi yung magigising ako sa umaga na umaasa na sya ang una kong makikita.
Nagbuntong hininga lang ako, nawalan na din ako nang ganang kumain. Ngunit ayoko namang ipahalata sa mga kasama ko ang lungkot ko kaya pinilit ko na lang na kumain kahit na parang wala akong nalalasahan.
Pagkatapos ay nagpaalam na kami kina manang Lordez at mang Pate, syempre nagpasalamat din. Tahimik lang akong sumakay sa sasakyan, si Samantha na ang magdadrive dahil wala akong gana. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko. Nakasandal lang ang ulo ko sa salamin habang nakatunghay sa labas ng binatana. Pinagmamasdan ang magandang tanawin ng kabundukan at dagat. Hanggang sa lumipas ang ilang oras, ang mga bundok at dapat na nakikita ko ay unti-unti nang napalitan ng mga matataas na building at iba't ibang stablishment
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...