Amber's POV
Sobrang gulong-gulo ang aking isip sa mga oras na ito.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang epekto sakin ng nangyari. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya para pigilan sya.
Hindi ko maintindihan pakiramdam ko ay ayokong makita na nananakit sya o makapatay ng tao. May part sa puso ko na masakit maisip lamang iyon.
Ngunit sa kabila ng kagustuhan kong pigilan sya ay hindi ko nagawa dahil sa matinding takot at kaba na nararamdaman ko habang tuod lamang kaming nakatayo doon ni Samantha at pinanunuod lamang ang walang awang pagbugbog nya sa tao
Gusto ko sumigaw nang masaksihan ko ang kanyang ginawa sa pangalawang lalaki. Sa tingin ko ay patay na sya dahil hindi sya tinigilan ni Ms. Black.
Pero sana ay buhay pa ang lalaking iyon.
Ngunit mas matinding sakit sa puso ang naramdaman ko nang muli kong makita ang mga matang iyon.
Ang mata ng taong tumulong sa akin mula sa masamang tao. Ang mga matang iyon na ilang araw ko nang iniisip.
Pakiramdam ko ay nagkaroon ng sigla ang aking puso nang makita ko syang muli, ngunit ganoon din ang sobrang sakit sa aking puso.
Dahil sandali lamang iyon dahil bumalik din sa pagiging mabangis ang matang kaninang tinitingnan ko na puno ng sakit, kalungkutan at paghihirap.
May isang emosyon din akong nabasa na nangibabaw higit sa lahat
Pagmamakaawa
Kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili na hawakan ang kanyang mukha kanina. Malayong-malayo sa bayolenteng Ms. Black ngayon
Kitang-kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata nya, na para bang nagsasabi na tulungan syang makaalis doon. Para syang mata ng isang bilanggo na wala namang kasalanan
Nakakainis! Sobrang naiinis na ako sa aking sarili
Alam kong ilang araw ko pa lang syang nakilala, kung pagkakakilala na ba ang tawag doon. Pero sa puso ko pakiramdam ko ay matagal ko na syang kilala. Kaya ganoon na lamang ang gaan ng aking kalooban sa tuwing kasama ko sya.
Masaya ako sa tuwing binibisita ko sya sa ospital. Kuntento na nga ako na makita lang sya na natutulog o kaya ay kahit na hindi sya nagsasalita. Masaya na ako doon basta kasama at nakikita ko sya.
Ngunit lahat ng iyon ay nawala mula ng huli kong pagbisita sa kanya sa ospital. Iyon din ang araw na una kong nakilala ang kakaiba nyang side.
Sobrang malayo doon sa tinatawag nilang psycho na lagi lang tahimik, nakasuot ng itim na hoodie at nagtatago't lumalayo sa mga tao.
Mas gugustuhin ko pa ang side nya na iyon, kaysa ang side nya ngayon. Sobrang bayolente at mapanakit, nakikita ko sa kanyang mga mata ang tuwa sa tuwing nakakakita sya ng dugo o sa tuwing may sinasaktan sya.
Sa ilang araw na pananatili nya sa school ay walang araw na may istudyanteng nadadala sa ospital o nababalian ng buto. Kaya naman halos lahat ng istudyante ay takot at iwas sa kanya.
Mabilis na nagsisipasukan ang mga istudyante sa kani-kanilang room or kaya naman ay lumalayo sa tuwing nakikita na syang parating.
Pero laking pasalamat din naman namin dahil nabawasan na din ang mga pambubully lalo na sa mga scholar at itinuturing na mahina o yung mga loser like nerds. Dahil ang nakakaharap ng mga bully ay si Ms. Black
Mapababae man iyon o lalaki ay wala syang pinapatawad. Sa tuwing may nakikita syang binubully na mahihinang student ay walang pagdadalawang isip na lalapitan nya iyon sabay sapak sa mga nambubully
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...