Ms. Black's POV
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Wala na bang masakit sayo? Ano bang nangyari't bigla ka na lang umalis sa hospital ng walang paalam? Saan ka ba nagpupunta? Bakit hindi ka na pumasok sa school nang makalabas ka ng hospital? May nangyari bang masama sayo? Sigurado ka bang ayos ka lang?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Jeff habang nagliligpit ako ng aking mga notebook at ballpen.
"Ano ba Jeff, tigilan mo na nga ang kakatanong mo. Siguradong iritang-irita na sayo si Ms. Black. Tara na nga tama na yang daldal mo. Kung ako sa iyo ay ikain mo na lang iyan" turan naman ni Cathy, napakamot lang naman si Jeff sa kanyang ulo
Samantalang ako ay isinukbit ko na ang aking bag matapos kong maayos ang mga gamit ko tsaka na ako naglakad palabas ng room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa akin ang mga tingin na pinupukol nila.
Kung nakakamatay lang ang tingin siguro ay kanina pa ako humandusay sa sahig dahil sa talim ng kanilang mga tingin. Napailing lang naman ako ng maisip ko na ganito pala ang laging nararamdaman at natatanggap ng batang iyon.
Haay mabuti na lang talaga't nandito ako. Kundi ay kawawa siguro sya, kung saan na sya pupulutin.
"Ms. Black sabay ka samin kakain hah? Huwag kang mag-alala ililibre kita! Sigurado ka ba na ayos ka lang talaga?" tanong sa akin ni Jeff, hindi ko alam kung lalaki ba talaga ang taong ito dahil napakadaldal nya para sa isang lalaki.
Hindi ko na sya sinagot naglakad lang naman kami patungo sa counter. Ngunit pakiramdam ko ay mayroong nakatingin sa akin, kanina pa naman may nakatingin. Sa katunayan ay nakatitig, ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa kung sinong tao ito. Ang bilis din ng tibok ng puso ko.
Nag-angat ako ng ulo at saktong tumapat ang aking mga mata sa isang partikular na pigura ng babae, nakatingin sya sakin habang nakaupo. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong nabasang emosyon sa kanyang mga mata
Saya, galak?
Hindi ako sigurado ngunit parang iyon ang nakikita ko, ngunit bigla itong napalitan ng pag-aalala. Napayuko lamang ako tsaka diretsong naglakad patungo sa counter para maka-order ng pagkain
"Ms. Black anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Jeff nakatingin lang ako sa mga pagkain hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko
"Ahmm" nag-iisip pa ako kung ano ang bibilhin ko nang
"Manag tatlong order nga po nito, at saka ito, tapos yun. Then yan pa po, pakidagdagan. And eto pa po, tas iyan ano po ba yan? Ah sige bahala na bigyan nyo din po ako ng tatlong order. Para po sa aming tatlo" nakangiting turan ni Jeff sa staff.
Napanganga lamang si Cathy na nakatingin sa kanya dahil sa dami ng in-order nya. Maging ako ay napatingin din sa kanya. Tumingin din naman sya saming dalawa ni Cathy habang nakangiti, palipat-lipat ang kanyang tingin sa aming dalawa
"Ah alam ko na. Walang desert o sige ate samahan mo pa po nito at saka ito then jshdgdjaksbjabsgznknav" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil mabilis na tinakpan ni Cathy ang kanyang bibig, pero wala pa din syang tigil sa kakadaldal kahit nakatakip na ang bibig nya. Tumingin lang si Cathy sa staff tsaka ngumiti
"Ah heheh... pagpasensyahan nyo na po ito ah. May zoo po kasi sa tiyan nya. Huwag na po kayong mag-abala tama na po yung mga nauna nyang in-order, huwag nyo na pong isama yung mga dessert. Salamat po" tsaka sya nagbow sa staff. Tumango lang naman ang staff habang tumatawa-tawa pa dahil sa kakulitan nilang dalawa
Hanggang sa nakuha na namin ang mga order namin, tahimik lang akong naglalakad samantalang si Jeff naman ay walang tigil sa kakakwento
"Alam mo ba Ms. Black sayang hindi mo naabutan yung misteryosong tao na bigla na lang dumating dito sa school natin. Tsaka alam mo ba ang cool nya kasi pinatumba nya yung mga bully dito. Halos lahat ng kilalang grupo ng mga bully ay pinagtuturuan nya ng leksyon, kaya nga idol na idol ko na yun eh. Ang kaso nakakatakot lapitan, parang mabangis na tigre. Sayang talaga" kwento samin ni Jeff samantalang tahimik lang naman ako si Cathy naman ay natatawa lang sa kanya habang tinitingnan lang namin syang nagkukwento. May kasama pang aksyon kung paano binugbog ng misteryosong tao yung mga kilalang bully dito sa school. Palihim lang naman akong nangiti sa aking isip dahil hindi nya alam kasama na nya ang taong iyon ngayon.
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Misterio / SuspensoShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...