Somebody's POV
Madilim ang paligid at ramdam ko at lamig ng hangin. Lumingon ako sa aking paligid nasaan ba ako. Nakakatakot ang lugar na ito paano ba ako napunta sa lugar na ito.
"HAHAHA lumabas ka dyan wag ka nang magtago!"
"HAHAHAH"
Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang boses nya. Kaya ang ginawa ko ay lumakad ako ng dahan-dahan habang nakayuko upang magtago sa mga nakatayong drum ng langis.
"kung ako sayo gagawin ko na lang ang pinapagawa sayo! HAHAHA! Dahil wala ka nang ibang pagpipilian kundi gawin iyon. Kung ayaw mong masaktan ang mga mahal mo!"
Bigla akong napa-upo dahil nadulas ako sa langis na tumatagas sa isang drum kaya hindi ko naiwasang gumawa ng ingay. Napatakip ako sa aking bibig upang hindi lumabas ang boses ko. Maging ang paghinga ko ay pinipigilan ko din huwag lang makagawa ng ingay.
Pinakinggan at pinakiramdaman ko ang buong paligid. Napalibot ako ng tingin dahil wala akong marinig na ingay.
Nasan na kaya sya? Umalis na kaya sya?
Umupo ako ng maayos at sumilip habang nakatago ako. Wala akong makita. Wala na ata sila. Mabuti naman kung ganon nang makatakas na ako sa lugar na ito at makahingi ng tulong.
Itinikod ko ang magkabilang kamay ko para alalayan at suportahan ang pagkaka-upo ko ng maayos. Pinaluhod ko ang isa kong tuhod sabay silip. Walang tao. Ito na ang pagkakataon ko
Isa...dalawa...tat——
Ngunit hindi ko natapos ang pagbibilang nang may maramdaman akong presensya sa aking likuran. Napalunok ako at napakuyom ng aking kamay bago ko dahan-dahang nilingon ang aking likuran.
Biglang nanlaki ang aking mga mata at nilukob ng matinding takot ang aking dibdib
"Bry-an" Tatakbo na sana ako ngunit parang bigla akong natulos sa aking kinauupuan
"BUWAHAHAHAHAH!"
Napa-upo na ako ng tuluyan sa lupa dahil sa sobrang takot. Tiningnan nya ako habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi ko na din napigilan ang aking luha nanginginig na din ang aking labi at buong katawan
"San ka pupunta? Di ba sabi ko naman sayo kung ako sayo gawin mo na lang ang pinapagawa ko! Madali lang naman eh" Bigla nyang hinila ang colar ng aking uniform. Hinampas ko ang kanyang kamay ngunit parang bulak lang na tumama ang aking kamao sa kanyang braso dahil sa sobrang panghihina, nakaramdam din ako ng kaunting hilo.
Hindi ko magawang lumaban, nanlalambot ang buo kong katawan.Hinila nya ako patayo habang hawak nya ng sobrang higpit ang aking collar. Kinaladkad nya ako. Pinilit kong manlaban ngunit wala itong nagawa para makatakas sa kamay ng lalaking ito
"Bitawan mo ako! Paki-ki-usap!" Pero hindi nya ako pinakinggan. Bigla nya akong binalibag sa harapan kaya napasubsob ako. Napa-angat naman ang aking ulo nang may mapansin akong ulo sa aking ulunan. Tiningnan ko ito, nagitla ako sa nakita ko. Kaya napa-upo ako at napaatras.
May lalaki. May lalaking nakahandusay, bugbog sarado ang kanyang mukha. Pero may malay pa sya dahil lumilinga-linga pa ito sa kanyang paligid at umu-ubo. Bigla akong napatingin kay Bryan nang hablutin nya ang aking damit sa bandang balikat para patayuin. Yakap ko ang aking sarili na nakatayo at nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Misterio / SuspensoShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...