Chapter 40

2K 63 2
                                    

Third Person's POV

"Makikiraan! Magsitabi kayo!" Turan ng isang police officer habang pilit na nakikipagsiksikan sa mga istudyanteng nagkakagulo habang nakikitingin sa nangyari.

Nagkakagulo ang lahat, mga police na paparito't paparoon habang pilit na hinaharangan ang mga istudyante na nagpupumilit na lumapit sa crime scene. Ingay ng sasakyan ng pulis ang maririnig sa buong lugar at ang ingay ng mga istudyante na nagbubulungan

"Grabe sino kaya ang walang puso na gumawa ng bagay na yan?"

"Nakakatakot!"

"Tama na! Huminahon ka!"

"Paano ako hihinahon? Tingnan mo nga!"

"My god!"

Bulong-bulungan ng mga istudyante na nakapalibot sa lugar kung saan natagpuan ang 5 bangkay na nakaupo sa bench habang may mga bote ng alak, snacks at sofdrink sa lamesa. Animo'y nagkakasiyahan sila.

Isa-isang tinanggal ng mga police ang pagkakatali ng mga bangkay mula sa alambreng humihiwa na sa kanilang mga balat. Hindi lamang ingay ng mga police ang maririnig pati na rin ang mga iyakan dahil sa labis na takot at schocked.

Samantala tahimik lamang ang isang nilalang na nakatayo sa likod ng malaking puno habang nakamasid sa lugar, napangiti lang sya bago tuluyang nilisan ang lugar.

Halos hindi na din maawat ng mga police ang mga istudyante na nagpupumilit makalapit para kunan ng litrato at makita ito ng malapitan.

"Hala! Hindi bat sila yung nakabangga nung psycho na yun sa cafeteria kahapon?" Biglang banggit ng isang babae nang makita nya ang mukha ng mga ito. May mga pinsala man na natamo ay nagawa nya pa din itong makilala.

Bigla namang napatakip sa bibig ang babae nang ma-realized nya ang kanyang sinabi. Lumingon sya sa mga ka-iskwela nya na nakatingin na sa kanya at napahinto sa pagkakagulo, ganoon din naman ang ilang police

"Teka! Maaari ba naming malaman kung sino ang tinutukoy mong psycho?" Tanong ng isang detective na nakarinig din sa kanyang sinabi tsaka sya mabilis na nilapitan habang hawak nito ang isang ballpen at maliit na notebook.

Natutop naman ang bibig ng babae nang mapansin nyang nasa kanya na ang atensyon ng lahat. Pinanunuod at hinihintay ang kanyang sasabihin. Nakaramdam naman ng matinding kaba ang babae dahilan upang magsimulang maglikot na ang kanyang mga mata habang nanginginig ang kanyang dalawang kamay.

"Maaari ko bang malaman kung sino ang tinutukoy mo? Pakiusap sabihin mo para na rin ito sa mga ka-iskwela mo. Malaking tulong ang impormasyon na iyong ibibigay sa imbistigasyon na ito" mahinahon na tanong ng detective, napayuko lamang ang babae tsaka nagsimula nang manginig ang buo nyang katawan.

Ang kaninang kaba na naramdaman nya ay dumoble, kaya naman hinawakan na lamang ng detective ang kanyang balikat tsaka ito tinapik upang pakalmahin sya.

"Pakiusap, huwag kang matakot dahil sisiguruhin namin ang siguridad mo" muling pangungumbinsi ng detective sa babae, nag-angat naman ito ng ulo tsaka tumingin sa kanyang piligid.

Tinitingnan ng babae kung nandoon ba ang psycho na sinasabi nya, nang masiguro nyang wala ito sa pagtitipon na iyon ay napayuko syang muli. Pumikit ng madiin habang madiin ding nakakuyom ang kanyang kamay

"Hindi ko sya kilala" sagot ng babae tsaka tumingin sa detective na naguluhan dahil sa sinabi nya kaya naman pinakatitigan ng detective ang babae upang alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo.

Napabuntong hininga lamang ang detective bago yumuko tsaka napahawak sa kanyang baba at nag-iisip. Malakas ang pakiramdam nya na may kinalaman ang taong iyon sa kasong ito. Kaya naman muli nyang hinarap ang babae tsaka huminga ng malalim

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon