Chapter 51

1.5K 61 7
                                    

Amber's POV

"Ang lakas ng ulan. May bagyo kayang paparating?" Tanong ko kay Samantha na tahimik lamang na nakaupo sa aking tabi.

"Hmm ewan ko" sagot nya paglingon ko sa kanya na sinundan nya ng kibit balikat

"Nakakapagtaka naman samantalang napakaganda lang ng panahon kanina. Halos walang kaulap-ulap tapos biglang buhos ng napakalakas na ulan" turan ko habang pinagmamasdan ang labas kung saan walang ibang makikita kundi ang napakalakas na buhos ng ulan

"Aah!" Sabay-sabay kaming napasigaw ng mga kaklase ko nang biglang kumidlat ng malakas kaya napatakip ako sa aking tenga at napapikit ng madiin

"Amber dalian mo ang kilos mo!" Natatarantang turan ni mama kaya hindi ko na naiwasan pang makaramdam ng kaba, dahil base sa kanyang itsura ay may hindi magandang nangyari

"Bakit po mommy? Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, nagkaganyan lang naman sya matapos na may tumawag sa telepono. Pagkababa ng tawag ay nagmadali na sya ng ganyan

"Huwag ka nang magtanong, basta sumunod ka na lang!" Sigaw nya sakin dahil na rin hindi ko maririnig kung hindi sya sisigaw

"Pero mom, sobrang lakas po ng ulan sa labas! Baka po kung ano pa ang mangyati sa atin!" Turan ko sa kanya nang makita kong inilabas nya ang susi ng kanyang sasakyan

"We need to hurry Amber, ang kuya mo! Kailangan tayo ng kuya mo!" Hindi na napigilan pa ni mommy ang umiyak. Samantalang natulala at naguluhan naman ako sa sinabi nya

"Si kuya? Bakit po? Anong nangyari kay kuya? Mommy!" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya, ngunit hindi na nya ako sinagot pa. Hinila na lang nya ako palabas ng bahay tsaka pinasakay sa kanyang sasakyan

"Fasten your seatbelt" utos nya sakin na mabilis ko ding ginawa. Then napahawak na lang ako ng mahigpit sa seatbelt nang pinaharurot na lang ni mommy ang kanyang sasakyan.

Napakalakas ng ulan sa labas na sinasabayan pa ng kulog at kidlat. Halos wala akong makita kahit na ang ilaw sa kalsada ay hindi ko na masyadong makita pati ang ilaw ng mga sasakyan. Masyadong delikado ang bumyahe dahil sa napakalakas na bugso ng ulan.

Nakakapagtaka dahil napakapayapa lamang ng panahon kanina, pero ngayon ay bigla na lamang bumagsak ang napakalakas na ulan. Sa pagkakaalam ko ay wala namang bagyo, ngunit bakit bigla na lang nagkaganito. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng takot at kaba

"Mom, si dad tumatawag!" Turan ko kay mommy, tumingin sya sakin tsaka nanginginig ang kanyang mga kamay na kinuha ang cellphone mula sakin. Nakahinto kami dahil traffic ngayon

"Honey, nasabihan ka na ba ng kapatid mo about kay Steffan? Oo sa katunayan papunta na kami doon. Sige, doon na lang tayo magkita. Mag-iingat ka din. Babye!" Tsaka ibinaba ni mommy ang tawag

Nakatingin lang ako sa kanya, basang-basa ang kanyang mukha hindi dahil sa ulan kundi dahil sa luha na hanggang ngayon ay patuloy pa din na tumutulo. Inabot ko ang kamay nya na nakahawak sa steering wheel, napatingin sya sakin. Kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata

"Mommy, ano po ba ang nangyayari? Ano po bang nangyari kay kuya?" Tanong ko sa kanya na lalo nyang kina-iyak, hinawakan nya ang aking kamay tsaka hinalikan

"Mamaya Amber, pagdating natin doon. Pero magpakatatag ka huh?" Tumango lang naman ako sa kanya bilang tugon, then pinaandar na nyang muli ang sasakyan

After 20 minutes ay nakarating na din kami sa hospital na pagmamay-ari ni tito Shawn Lee (tito Lee), mabilis na lumabas si mommy nang sasakyan at ganoon din ako. Hawak kamay kaming patakbong pumasok sa loob. Nang makita ko pa lang ang hospital ni Tito Lee ay doon na ako nagkaroon ng ideya kung ano ang nangyayari hanggang sa makarating kami sa labas ng E.R

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon