Ms. Black's POV
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata. At sa pagdilat nito ay wala akong ibang nakita kundi ang kisameng puti, inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid.
Napatingin ako sa aking kaliwang kamay nang maramdaman ko ang pagtusok ng karayom, kung saan may maliit na hose na nakakabit kung saan dumadaan ang liquid mula sa isang bag ng IV Fluid.
Iginalaw ko ang aking daliri, napangiti ako ng maigalaw ko ang aking hintuturo. Tumingin naman ako sa kanan kung saan nakatungtong sa ibabaw ng lamesa ang isang wallet cellphone at susi ng sasakyan.
Bumangon ako upang maka-upo. Pinagmasdan ko ang aking mga kamay at braso, pati ang aking paa. Napangisi ako ng malaya ko itong maigalaw.
Inikot ikot ko ang aking ulo at leeg pati ang aking mga balikat. Tiningnan kong muli ang aking kamay kung saan nakatusok ang IV, hinawakan ko ito tsaka walang pagdadalawang isip na tinanggal. Nakita ko ang pagdugo ng pinagtusukan.
Tinanggal ko kaagad ang aking kumot at saka ibinaba ang aking mga paa sa sahig sabay tayo. Lumapit ako sa bintana tsaka ko hinawi ang puting kurtina.
"Wooh!" Tanging salita na lumabas sa aking bibig nang masilayan ko ang labas. Maliwanag at maingay ang labas dahil sa nagkakasiyahang mga taong nakasuot ng hospital gown with their family.
"Sa wakas! Sa wakas!" Bigla akong napatawa at napahawak sa simentong pader.
Hinahagod-hagod ko ito. Hinawi ko ang aking buhok patungo sa likod, pagkatapos ay humarap ako sa aking kama. Nilapitan ko ang lamesa tsaka ko dinampot ang aking cellphone at nag-dial
Ilang sandali ay sinagot din naman ng lalaking may baritonong boses ang aking tawag
"Hello Mr. Anderson, maaari bang dalhan mo ako ng damit dito sa **** hospital. Ngayon na, and may ipapagawa din sana ako sayo" malamig kong turan nahimigan ko rin ang labis na pagkabigla ni Mr. Anderson nang makilala nya ang boses ko
"sige. Papunta na ako" iyon lang ang naging tugon nya.
Pagkababa nya ng tawag ay umupo na akong muli sa aking kama habang nakaharap pa din sa bintana at pinagmamasdan ang liwanag mula sa labas, habang sinasamyo ang malamig na hangin na nagmumula sa bukas na bintana kaya napapikit ako sandali.
"Hmm... sa wakas ay dumating din ang araw na ito. Ang tagal kong hinintay na dumating ito" Turan ko sa aking sarili habang sumasayaw-sayaw ang aking ulo nang dahil sa musika na naririnig ko sa aking isip
"Ano kaya ang magandang gawin?" Muli kong tanong sa aking sarili habang nag-iisip at nagpa-plano.
Nakangiti akong nakapikit habang nag-iisip ng aking gagawin habang hinihintay ang pagdating ni Mr. Anderson
Kinuha ko ang aking cellphone, binuksan ko ang gallery ngunit agad ko din itong iniwan dahil wala akong ibang makita doon. Kahit sa message ay wala din.
"Tsk! Tsk! Kawawang nilalang. Napakaboring naman ng buhay mo. Pero dahil ako na ang nandito, sisiguruhin ko na magiging masaya ang bawat araw mo" Masaya kong pahayag habang malawak na nakangising nakatingin sa kanyang cellphone
Binuksan ko naman ang music at doon ako nag-browse ng mga kanta nya. Namimili lang ako hanggang sa makita ko ang isang kanta
(Played: Hungry Heart - Bruce Springsteen )
Tama everybody got a hungry heart. Minsan gutom sa pag-ibig at kaligayahan. Hindi ko nga maintindihan kahit na nasa kanila ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit nananatiling hindi pa rin sila nakakaramdam ng satisfaction.
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...