Chapter 14

3.4K 121 3
                                    

Somebody's POV

Kasalukuyan na akong naglalakad sa hallway pabalik sa aming classroom, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan ang napanaginipan ko kanina, halos wala ngang pumasok na lesson sa aking utak kanina habang nagdidiscussed ang iba naming teacher.

Galing ako sa restroom, dahil nag-excused ako sa teacher namin nang makaramdam ako nang tawag ng kalikasan. Palihim akong napapakuyom ng kamay habang nakatago ito sa bulsa ng hoodie jacket ko.

Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mata. Pagmulat ko ay nag-angat ako ng paningin diretso na tumama sa isang lalaki na tumatakbo patungo sa direksyon ko.  Tinitigan ko sya nang mabuti hanggang sa namukhaan ko ito.

Si Jeff

Ano kayang nangyayari dito dahil nasa gitna ng klase ang buong senior ngayon pero nakukuha nyang tumakbo na akala mo nakikipaghabulan

"Brad! Brad! Dalian mo!" Pagkalapit nya sakin ay bigla nyang kinuha ang aking kamay. Dahil sa ingay nya ay napatingin ang mga student sa amin

"Ano ba?! Oras ng klase nag-iingay kayo dyan! Nakita nyong may nagkaklase!" Humingi lang ng paumanhin ang isa tapos hinila na naman nya ako.

Ayoko pa naman sa lahat ang hinihila na lang ako nang walang dahilan at dahil sa inis ko ay winaksi ko ang kamay nya. Sakto namang napahinto kami sa classroom ng GAS

"Ano?! Ano ba kasi iyon?!" Pabulyaw kong tanong sa kanya.

"Wag ka nang magtanong! Kailangan mo nang pumunta sa room!" Nagsisigawan na kami sa hallway kaya lumabas na din ang iba pang teacher mula sa ibang room at ang mga istudyante naman ay nakiki-isyoso.

Samantalang itong isa ay walang pakialam. Kesa naman mapahiya at mapagalitan ako ng teachers ay hinayaan ko na lang syang hilain ako.

Bigla akong nagtaka nang malapit na kami sa room namin. May naririnig akong iyakan at hiyawan. Ang iba ko namang kaklase ay nasa labas. Lalo na ang class president namin.

Napatingin ako kay Jeff, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Agad naman kaming nilapitan ng class president namin

"Bakit ngayon ka lang Jeff?! At ikaw! Ano na naman ba ang gulong pinasok mo!" Hindi naman sya galit, sadyang natatakot lang sya at iyon ang nababasa ko sa kanyang mga mata kasabay noon ay matinding pag-aalala.

Napatingin ako sa direksyon ng classroom namin nang marinig ko ang hiyawan at iyak ng mga kaklase kong babae.

Ano bang nangyayari?

Tanong ko sa aking isip. Narinig ko din sumigaw si maam kaya agad akong tumakbo sa entrance ng room dahil sarado ang exit door.

Pagkapasok ko ay nagulat ako nang nilibot ko ang aking paningin. Gulo-gulo ang mga upuan, sira-sira din. Ang mga kaklase ko namang babae ay nasa tabi. Magkakayakap sila habang umiiyak.

Kitang-kita ko ang takot sa kanilang mga mata. Ang mga lalaki naman ay nasa likod ng mga babae. Tahimik lang, ang iba ay humihikbi lalo na iyong pusong babae kong kaklse na lalaki. Hindi ko napansin si maam. Nasan kaya iyon.

"Buti naman andyan kana! Alam mo bang kanina pa kami naghihintay sayo!" Bigla akong napabaling sa taong nagsalita na nasa harapan pala. Nagulat pa ako nang bahagya dahil sya yung lalaking nakaaway ko  noong nakaraang linggo.

Teka! Lagi naman akong may nakaka-away! Pero bilib ako dito sa isang ito, talagang nag-effort pa sya. Paano nakapasok ito dito?

"Ano tatayo ka na lang ba dyan?! O baka gusto mong saktan ko muna itong teacher mong chicks bago ka gumalaw dyan o kaya yang mga uhugin mong kaklase?" Napatingin naman ako sa sahig kung saan nakasalampak ang aking guro. Yakap niya ang isa ko pang kaklaseng babae.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon