Ms. Black's POV
Inabot ko kay Clariz ang cellphone ko kaya napatingin sya sakin. Diretso lang ako habang nakatanaw sa harapan kung saan makikita ang mga istudyante na naglalakad papasok ng malaking gate ng GSU, samantalang angbiba naman ay mga nakasasakyan.
"Use this para makontak mo ako at si Mr. Anderson para magreport sa mga kaganapan" iyon lamang ang sinabi ko sa kanya then tinanggap na rin nya ang aking cellphone
"May cellphone naman akong iba na pwede kong gamitin eh" pagngangatwiran pa nya
"No, you need that na ako at si Mr. Anderson lang ang nakakaalam. Para na rin sa safety mo" pagkasabi ko noon ay inabot ko sa kanya ang puting sobre na may lamang pera
"Para may magamit ka in case na kakailanganin mo and huwag mo nang tanggihan dahil napag-usapan na natin ito. Isa pa mag mabuti na ito kaysa sa lugar na iyon, binigyan lang kita ng opportunity para baguhin ang buhay mo. Imagine mag-aaral ka sa iskwelahang ito, babayaran din kita kaya wala kang talo. Win-win tayo ang gagawin mo lang ay babantayan ang isang tao para sakin and ire-report mo sakin ang lahat. Huwag kang mag-aalala, may magbabantay sayo sa loob kaya mapanatag ka. Sinisiguro ko sayong walang nakakakilala sayo dito, kung ano ka noon. Mas mabuting kalimutan mo na iyon dahil may bago ka nang katauhan ngayon" mahaba kong paliwanag sabay bigay sa kanya ng brown envelope na may lamang mga papeles about sa kanya. Mga requirements na kailangan nya at syempre ang red card na ipapakita nya lang sa head office authomatic na yun na wala na syang poproblemahin sa pagpasok nya
"Remember you're not Magda anymore. You are now Clariz Rutherford na anak no Mr. Anderson Rutherford" sabay tingin ko kay Mr. Anderson na nakasilip sa rearview mirror na tumango lang sakin
"What you think? Kung ayaw mo naman ay pwede naman akong maghanap ng iba na papalit sa ino-offer ko sayo" nanlaki naman ang mata nya tsaka umiling
"Hindi! Gusto ko. Tatanggapin ko! S-salamat" tsaka sya napayuko. Hinawakan ko ang kanyang baba tsaka pinaangat ang kanyang ulo
"Never bow your head, always chin up. Be proud dahil hindi lang ikaw kung sino. You are Mr. Anderson Rutherford's daughter now" tumango lang naman sya
"Na-practise na natin ito kaya naman tandaan mo lang ang mga itinuro sayo ni Mr. Anderson. Don't ever let your guard down, dahil sa isang palasyo hindi lamang ilang tao ang pinoprotektahan mo, kundi maging ang hari't reyna at ang buong kaharian. Isipin mo na lang na isa kang knight na kailangang protektahan ang isang prinsesa. Maliwanag ba?" Tumango lang sya ulo ganon din naman ang ginawa ko
"Pangako gagawin ko ang best ko" nakangiti na nyang turan
"Don't just talk the talk, walk the talk" tinapik ko na ang kanyang kamay bilang pampalakas loob
"Pumasok ka na" tumango lang sya.
Bubuksan na sana nya ang pinto ng sasakyan ngunit nagulat sya nang bigla na lang itong nagbukas kaya napatingin sya sakin nang makita nya ang isang man in black na naka-shade pa. Tumango lang naman ako sa kanya, kaya lumabas na sya.
Pinanunuod lang naman namin sya ni Mr. Anderson habang may dalawang men in black na naglalakad na nakasunod sa kanya.
"Sigurado ka ba sa bagay na ito?" Tanong sa akin ni Mr. Anderson
"Oo naman. Basta sabihan mo din ang mga tao mo Mr. Anderson na bantayan din sya. Sa ngayon ay masisiguro natin na hindi sya pagdududahan dahil iyon sayo kaya naman malaki ang pasalamat ko sayo" tumango lang naman sya
"Wala iyon Zev. Hindi lang naman para sayo ito, kundi para sa ating lahat" sagot nya. Sinabihan nya ang kanyang tao na bantayang mabuti si Clariz sa pamamagitan ng walkie-talkie
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mistério / SuspenseShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...