Chapter 21

3.4K 125 5
                                    

Somebody's POV

Nasan ako?

Hindi ko alam

Hindi ko alam

Bakit?

Anong ginagawa ko sa lugar na ito?

Maraming katanungan ang nasa aking isipan sa mga oras na ito. Ngunit hindi ko alam kung ano o kung paano ko ito masasagot. Hindi ko makita ang mga sagot, wala akong makita kundi ang kadiliman na bumabalot sa buo kong pagkatao. Sa aking paligid, sa aking mundo.

Wala akong ibang makita at maramdaman kundi ang lamig na dala ng dilim na bumabalot sa aking isip at kalooban. Wala akong ibang maramdaman kundi ang lamig dito sa aking dibdib, sa aking kalamnan at mga kaso-kasohan.

Paano nga ba ako napunta sa lugar na ito? Hindi ko alam. Wala akong matandaan. Basta nagising na lamang ako sa madilim na lugar na ito. Wala akong makita kahit na katiting na liwanag. Ang aking mundo ay binabalot ng kadiliman sa mga oras na ito.

Gusto kong sumigaw. Ngunit hindi ko maramdaman ang aking sarili. Hindi ko maigalaw ang aking mga bibig, hindi ko mabuksan upang pakawalan ang nagwawalang boses sa aking kalooban. Tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa aking dibdib, hindi ako makahinga. Ang bigat.

Gusto kong gumalaw, ngunit tila nakagapos ang aking mga kamay at paa, pati na ang buo kong katawan. Para akong isang buhay na patay. Wala akong ibang magawa.

Gusto kong tumakbo, gusto kong tumakas sa lugar na ito. Ngunit ang tanong ko ay paano? Hindi ko makita ang daan. Wala akong makita kundi ang kadiliman lamang.

May boses akong naririnig, ngunit hindi ko maintindihan kung ano nga ba ang sinasabi nya. Hindi ito maabot ng aking pandinig, ngunit parang ako'y nabibingi sa sobrang lakas nito. Hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan.

Nagugulahan at nalilito na ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba?

Ipinikit ko ng madiin ang aking mata, kahit na puro dilim lang naman ang aking nakikita. Ewan, siguro dahil umaasa ako na sa pagmulat ng aking mga mata ay maka-alis na ako sa lugar na ito.

Ngunit mali ang aking pagaakala dahil sa pagdilat ng aking mga mata. Nasa isang kwarto ako na madilim, ngunit tama lang  upang maaninag ko ang isang nilalang na nakatayo ngayon sa aking harapan.

Naka-upo ako sa malamig na sahig, samantalang sya ay nasa aking harapan nakatayo. Nag-angat ako ng ulo upang aninagin sya ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha. Pero pamilyar sakin ang kanyang pigura, hindi ko lang maalala kung sino ang taong iyon.

Sa wari'y ko ay nakatitig sya sakin, pinipilit kong aninagin ang kanyang anyo pero kahit anong gawin ko ay hindi ko ito makita.

"Sino ka?" Ang tanong ko sa kanya habang nakatitig sa madilim nyang anyo. Ilang sandali na ang lumipas pero hindi nya sinagot ang aking tanong

"Sino ka? Sabihin mo" Ngunit nananatili pa rin syang walang imik. Kaya naman sa inis ko ay tumayo ako, pero agad din akong napabalik sa pagkaka-upo nang mapagtanto ko ang kadenang nakatali sa aking mga paa't kamay.

"Teka! Ano ito?" Natataranta kong tanong

Sinubukan kong alisin ngunit hindi ko magawa. Naramdaman ko din ang malapad at malamig na bakal na nakapalibot sa aking leeg kung saan may nakakabit na kadena.

Dahil sa natuklasan ko ay nakaramdam na ako ng sobrang takot, sobrang bilis ng tibok ng aking puso at ramdam ko din ang malalalim at mabibigat na paghinga.

*chuckles!

Naramdaman ko ang panlalamig ng aking katawan nang marinig ko ang kanyang mumunting pagtawa na para bang isang bata na tuwang-tuwa sa kanyang nakikita. Agad akong nag-angat ng paningin upang tingnan sya. Ngunit labis akong nabigla sa aking nakita

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon