Chapter 30

3.4K 136 34
                                    

Ms. Black's POV

Sinusundan ko lang ng tingin ang mga batang masayang naglalaro dito sa park. Walang katapusang takbuhan. Kitang-kita sa kanilanng mga mata ang matinding kasiyahan at ang enjoyment. Kumikislap ang kanilang mga mata habang nakapaskil ang napakatamis na ngiti. Ngiti ng mga inosenteng bata na wala pang alam sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.

Wala silang kaalam-alam kung ano nga ba ang mga kaganapan, habang sila ay busy at masayang naglalaro. Tila walang mga problemang kinahaharap o mga responsibilidad na pinapasan.

Ang sarap bumalik sa pagiging bata kung saan wala kang ibang iisipin o poproblemahin na mga responsibilad.

Noong mga panahong umiiyak ka lamang dahil sa gasgas sa iyong tuhod. Kung saan nakakaramdam ka lang ng galit kapag inagawan ka ng laruan o ng pagkain.

Masayang bumalik sa mga panahong iyon. Kung saan malaya kang tumatakbo at naglalaro.

Habang nakatitig ako sa kanila ay hindi ko maisip kung bakit hindi ko magawang ngumiti o makaramdam ng saya. Samantalang ang mga tao dito, ang kanilang mga magulang ay masaya at nagtatawanan pa habang pinanunuod nila ang kanilang mga anak.

Napaiwas ako ng tingin, tumingala ako sa kalangitan tsaka pinagmasdan ang asul at malawak na kalawakan.

Napakaganda ng araw, napakapayapa. Ito ang perpektong araw para sa magpapamilya na magbonding. Kaya naman madami ang tao dito sa park. Lalo na at linggo ngayon, kagagaling lamang ng iba sa simbahan at dito sila dumiretso upang mag-enjoy kasama ang kanilang buong pamilya. Ang iba naman ay nagpipicnic.

Inilibot kong muli ang aking paningin sa buong kapaligiran.

Mga magkakaibigan na nagkakatuwaan habang kumukuha ng kanilang mga litrato.

Mga magkasintahan na nagbabasa ng libro habang nakaupo ang lalaki at nakahiga naman ang babae sa lap nya.

Masaya ang lahat ng nandito, maging ang mga punong walang tigil sa pagkaway habang sinasayaw ng hangin.

Bigla akong napatingin sa aking harapan ng may nadapang batang babae. Nagkatinginan lang kami. Nakasunglass ako kaya naman hindi nya makikita ang kulay ng mga mata ko, na hindi pamilyar sa mga bata. Baka akalain na lang nya na monster ako.

Nakadapa lang sya, ang kanyang dalawang tuhod na nasa sementong daan at nakatukod ang kanyang mga kamay.

Tumayo na ako tsaka tumingin muli sa kanya, nakatingin din sya sakin. Tsaka ako naglakad paalis. Hindi ko sya tinulungan na tumayo

"Sometimes, you have to stand on your own. Hindi ka dapat nakadipende sa iba. You have to practice yourself to indure the pain while you're young. It's a better strategy for you to survive"

Nakasalubong ko namam ang isang ginang na tumatakbo patungo sa direksyong pinanggalingan ko. Pagkalagpas nya sakin ay nilingon ko sya. Sa batang babae pala sya pumunta.

Dahil sa paglapit nya, umiyak na nang umiyak ang bata pagkabuhat sa kanya ng kanyang ina. Habang hinihele at hinihimas ang kanyang likod

"Alam nyo kung bakit tayo nagiging mahina? Dahil masyado tayong bini-baby ng ating mga magulang. Lagi silang nandyan para damayan ka. They always there everytime na nasasaktan tayo, everytime na umiiyak tayo. We become dependent because they always there in our side, to say that everything is okay, that everything is fine. Until one day, they will leave you, alone. That's why we became weak and a crying baby, because we always depend on them. They never thought us how to be alone Kaya naman nahihirapan tayo lalo, nasasaktan tayong lalo. Dahil yung mga taong nandyan palagi sa tabi mo noong bata ka ay bigla na lamang mawawala sa tabi mo. That is the painful part of growing up"

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon