Third Person's POV
"Anong mas pipiliin mo? Ang magkaroon ng apo na kriminal o paalisin mo sya dito? Alam mo kung ano ang hawak namin laban sayo. Kaya naman oras na pasabugin namin ang bomba na iyon ay tapos na rin kayo. Kaya naman gawin nyo na lang ang gusto namin" pagbabanta ni Esmiralda sa kanyang Mother-in-law na walang ibang magawa kundi ang magpigil habang nagpupuyos sa matinding galit.
Dahil na din sa kaligtasan ng kanyang apo ay pinili na lamang nyang makipag-usap sa babaeng ito ng masinsinan upang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang apo na si Zeventheen mula sa mapanghusgang mata ng mga tao.
"Walanghiya ka talaga! Darating din ang araw na mananagot ka sa mga kasalanang ginawa mo!" Ngunit kahit anong pagpipigil na gawin ng matanda ay hindi nya maitago ang galit sa kanyang loob dahil sa kawalangyaan ng kanyang daugther-in-law
"Muli mo bang iri-risk ang buhay ng apo mo? O gagawin mo ang gusto namin?" Agad namang napahinto't nanahimik ang matanda dahil sa muling pagbabantang ginagawa ni Esmiralda. Kaya naman lihim lang na napakuyom ang matanda
"Oo na ikaw na panalo, ngunit sisiguruhin kong ngayon lang" ang balik na tugon ng matanda bago nya ito iniwan at naglakad palabas ng opisina ni Esmiralda.
Tahimik lang na naglalakad ang Chairwoman habang nagbabaga ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagpupuyos. Walang ibang maririnig sa hallway kundi ang mabigat na hakbang na kanyang ginagawa, maging ang mga empliyado ng kompanya ay hindi nagawang bumati dahil sa takot nang makita nila ang itim na awra na bumabalot sa matanda. Yumuko na lamang sila bilang paggalang.
Samantalang tahimik lang naman na nakasunod si Mr. Smith sa kanyang likuran hanggang sa makarating na sila sa Chairwoman's Office. Mabilis na pinagbuksan ni Mr. Smith ng pinto ang chairwoman at pinaunang pumasok, pagkatapos ay sumunod sya. Isinarado nya kaagad ang pinto matapos nyang sabihan ang kanyang tao na magbantay sa labas at huwag na huwag magpapapasok o magpapalapit ng kahit na sino sa kanyang office.
Padabog na naupo lamang ang chairwoman sa kanyang swivel chair at mabilis na napahawak sa kanyang sentido, napapikit lamang sya habang iniisip kung tama bang sundin nila ang kagustuhan ni Esmiralda. Ngunit naisip nya rin na kung hindi nya gagawin ang bagay na iyon ay ang apo nya ang mahihirapan, ang bagay na ayaw nyang mangyari uli sa kanyang apo.
"Madam! Hindi ka dapat pumayag sa kagustuhan nila! Gagamitin lang nila siya laban sayo. Huwag kang magtitiwala sa mga salita nila, dahil sigurado ako na sasaksakin ka lang nila patalikod!" Biglang turan ni Mr. Smith na halatang tutol sa desisyon ng chairwoman. Dahil alam nya kung anong klaseng laro ang gusto ni Esmiralda, alam ni Mr. Smith na gagamitin lang ng babaeng iyon ang kalagayan ni Zev upang makontrol ang chairwoman para mapasunod sa kanyang mga kagustuhan
"So hahayaan ko na lang ang apo ko na maging kriminal?! Hindi! Hindi ako makakapayag na maging kriminal ang apo ko. Kaya kung ito lang ang tanging paraan para maprotektahan sya laban sa dalawang iyon ay gagawin ko at mula sa critisizing ng mga tao ay gagawin ko. Kung kailangan kong itago ang katotohanan ay gagawin ko. Kung makasakit man ito sa kanya o isumpa man nya ako hanggang sa mamatay ako ay tatanggapin ko, dahil naniniwala ako na maiintindihan din nya kung bakit ko ito gagawin. Maiintindihan nya na gagawin ko ito para protektahan sya, hindi ko hahayaan na matulad sya sa kanyang mga magulang" mahaba namang pahayag ng chairwoman habang may takot na naghahari sa kanyang puso sa kabila ng galit na kanyang nararamdaman, ay mas nangingibabaw pa din ang kanyang takot sa maaaring kahahantungan ng kanyang apong si Zeventheen oras na lumabas sa publiko ang bagay na iyon. Kaya naman nagdesisyon na sya na mas mabuting maging malupit sya sa kanyang apo upang mapanatili ang kaligtasan nito, dahil alam naman nya na maiintindihan din ito ng kanyang apo pagdating ng araw.
"Ngunit madam, wala na po bang ibang paraan? Baka may iba pang paraan na pwede nating gamitin hindi yung ganito! Hindi makatarungan! Sa tingin nyo po ba kakayanin nyang mag-isa? Mamuhay na mag-isa?" Pagmamatigas ni Mr. Smith laban sa desisyon ng chairwoman, dahil na rin sa takot at pag-aalala. Hindi sila sigurado kung sino-sino ang kanilang mga kakampi at kaaway. Kaya labis syang nakakaramdam ng takot para sa kaligtasan ni Zev, dahil na rin parang anak na rin ang turing nya sa batang iyon. Nakita nya kung paano ito lumaki, halos silang dalawa ni Mr. Anderson ang nagsilbing guardian nito, tagapangalaga at tagapayo. Kaya ganoon na lamang ang takot nya dahil wala syang tiwala sa ibang tao, lalo na kung mamumuhay syang mag-isa sa lugar na iyon at papasok pa sya sa GSU.
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...