Third person's POV
"Sir ano na po ang dapat nating gawin? Lalo na habang lumilipas ang araw ay mas lumalala ang mga nangyayari sa school natin!" Reklamo ng babaeng teacher sa lalaking nakaupo lamang sa pinakadulong upuan. Nakaupo lang sya tila nag-iisip ng malalim
Ramdam naman sa buong silid ang takot at pagpapanik ng mga teacher dahil sa sunod-sunod na incident na nangyari sa kanilang mga student, kung saan ang mga ito ay nakatanggap ng critical injuries lalo na sa kanilang mga kamay.
Mga bali-baling buto at basag na ilong, hindi na nila malaman kung paano iha-handle ang problemang ito, lalo na't hindi nila kilala kung sino nga ba ang taong nasa likod ng mga kabalbalang ito.
"Sabihin nyo nga Mr. Peralta, sino ba talaga ang taong iyon? Bakit ganoon na lamang ang special treatment na binibigay nyo sa kanya? Madami na sa ating mga istudyante ang napapahamak dahil sa kagagawan ng taong iyon! Hindi ba't dapat na natin itong ireport sa pulisya?" Galit na turan ng isang lalaking teacher
Samantalang tahimik lamang na nanunuod at nakikinig si Ms. Manangan sa kanilang pag-uusap, nag-iisip ng malalim tungkol sa taong iyon na minsan na nyang nakasalubong noong nagpunta sya sa office ni Mr. Peralta
Matindi ang kabang naramdaman nya nang makita nya ito, lalo na nang magsalita ito't mapagmasdan nya ang mukha ng taong iyon. Lalo na ang kanyang mga mata na may dalang panganib.
Sa tuwing naiisip nya ang taong iyon ay hindi nya maiwasang makaramdam ng kilabot at takot, hindi nya din maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kanyang naramdaman ng mga oras na iyon. Kaya naman ang ginawa nya ay pumikit sya ng madiin habang madiin din syang nakahawak sa kanyang ballpen, habang napapailing.
Nadagdagan pa ang kanyang isipin dahil sa biglaang pagkawala ni Ms. Black na kanyang student. Ilang araw na ang lumipas simula nang mabalitaan nya na -discharged na ito sa hospital. Sinubukan nyang kunin ang contact nito sa hospital kung sakaling may naiwan, ngunit bigo syang umalis ng ospital dahil walang kahit na anong traces syang nakita.
Labis din ang kanyang pagtataka, dahil parang bigla lang syang bula na naglaho. Kahit na ang kaniyang kaklase ay nagtataka na din dahil bigla na lamang itong hindi nagpakita sa school, na lalo nyang inaalala. Dahil wala ni isa sa kanila ang makapagsabi kung nasaan at kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya.
"Mr. Peralta! Magsalita ka, ano ang dapat nating gawin?" Nagulat naman si Mr. Peralta dahil sa sigaw ni Mr. Bautista
"Aba Mr. Bautista, anong karapatan mong sigawan ako? Baka nakakalimutan mo na ako ang head ng school na ito" napayuko lamang si Mr. Bautista tanda ng paghinge ng paumanhin habang nakakuyom ang kanyang kamay
"Wala tayong gagawin, iyon ang mas makakabuti sa ating lahat. Hindi lamang sa atin kundi maging sa iskwelahan" malumanay nyang turan na syang kinataka ng kanyang mga teacher
"Pero paano naman namin magagawa iyon Mr. Peralta? Kapakanan at kaligtasan ng students namin ang nakasalalay dito, kaya paano nyo nasasabi iyan?" Muling tanong ni Mr. Bautista
"Mr. Bautista, kung ako sayo ay mananahimik na lang ako habang maaga pa. Alam ko naman ang ibig mong sabihin, hindi ba? Totoo na tumatanggap ka ng bayad mula sa mga magulang ng mga istudyanteng iyon? Tumatanggap ka ng suhol sa kanila, kaya naman ganyan ka dahil ikaw ang naiipit sa pagitan ng mga magulang ng mga batang iyon at ng insidenteng nangyayari sa school. Sila din ang nag-utos sa iyo na gawin ito, pero ito ang sasabihin ko sayo Mr. Bautista. Huwag mong sabihin na hindi kita binalaan, hanggat maaga pa lang tumahimik ka na lang. Hayaan mo na ang nakakataas ang gumawa ng paraan regarding sa issue na iyan, dahil mas mataas pa sya kaysa sa mga taong pinagsisilbihan mo" makahulugang turan ni Mr. Peralta bago ito tuluyang tumayo at lumabas ng conference room.
BINABASA MO ANG
The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's the darkest color for them, the coldest weirdiest person that's why they treat and called her a psychopath. The Popular Unknown Psychopath But there is something they did not know... She is not a psycho... She was just hurt, Broken Rejected A...