AYESHA'S POV
It's been a two weeks matapos ang kasal at narito kami sa coffee shop nila Mekkah para gumawa ng mga activities.
'grabeng bungad naman ng school!'
"Lah? ang kulit mo naman?! Hindi ka ba titigil diyan?? bakla ka!" reklamo ni Mekkah kay Darrah.
Nandito kami ngayon sa coffee shop. Vacant kasi namin for 2 hour, hindi din namin kasama sila Kenneth dahil BUSY na naman daw silang apat, habang si Kiahhnne at Jandarra ay hindi din available dahil si Kiahhnne ay may photoshoot at si Jandarra ay may family lunch.
"Tih! ano na?! ang kulit mo naman, may bulate ba 'yang pwet mo?!" inis na talagang reklamo ni Mekkah dahil nagawa siya ng activities.
"Shut up ka nga diyan!" sabi ni Darrah. Kanina pa kasi siya hindi mapakali, tingin siya ng tingin sa labas kaya naki tingin din ako.
"Ano ba 'yon?" takang tanong ko sa kaniya, wala naman kasi akong nakitang kakaiba sa labas ng coffee shop. Wala din namang SB19 sa labas at mas lalong wala ang ENHYPEN kaya bakit ba hindi siya mapakali?
"Para kasing nakita ko si Stephen eh" sabi niya at nasamid ako ng ininom kong ice coffee.
"What?" Napapalunok kong tanong kaya tumayo ako at nilingon ang paligid. Wala naman akong nakikitang Stephen maski anino niya. "Shuta talaga! Let's go na!" Sabi ko at mabilis na inayos ang tatlong librong hawak ko bago tumayo.
"Pisti naman 'yang manyakol na Stephen na 'yan! Pati paggawa ko ng activities, nauudlot!" Reklamo ni Mekkah, bad trip kasi siya at wala sa mood makipag- aliwan dahil sa daming pinapapasa.
Pag labas namin ay kaagad kaming nag tungo sa parking lot para sumakay ng kotse pero bago pa man kami makasakay doon ay may tumawag na sa pangalan ko.
"Ayesha...."
Natigilan ako ng marinig muli ang boses niya, para akong pinako sa kinatatayuan dahil hindi ako makagalaw.
"Ayesha...."
Muli niyang tawag pero hindi ko siya nilingon. Naramdaman ko na lang ang yakap niya mula sa likod ko at sinandal ang ulo sa balikat ko.
"S-stephen..?" Patanong kong tawag sa kaniya.
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romance"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...