AYESHA'S POV
Matapos kong iwanan si Kenneth sa living room ay pumasok ako sa kwarto para doon ibuhos ang luha at sakit na nararamdaman ko.
He wants me to understand Mitch, gusto niyang intindihin kong dapat ay mas priority niya si Mitch. For what?
Napapikit na lang ako ng mariin. Alam ko naman ang sagot kahit paulit ulit kong tanungin ang sarili kung para saan ang dapat na malawak kong pagunawa sa kaniya at kay Mitch.
Kailangan niyang intindihin si Mitch dahil may mali siya, dahil ginago niya si Mitch.
'is this it? Is this the time na pagsisisihan ko ang lahat?.'
'is this the consequences sa pag pili ko sa kaniya? Sa pagiging makasarili?'
"nahihirapan ako, Mahal."
Natigilan ako sa pag luha ng madinig si Kenneth mula sa labas ng pinto ko.
"Guilt is killing me, my conscience."
'Oo na. Pinapatay ka ng konsesiya mo kaya mo ginagawa mo lahat ng 'to para sa kaniya.'
Marahan akong tumayo mula sa pag kakaupo at marahang naglakad palapit sa pinto. Nakatayo lamang ako doon at dama ko ang presensiya ni Kenneth mula sa labas.
"Mahal...?" Tawag niya sa 'kin, tinitignan kung nakikinig ba ako. "Are you listening?"
"Go on." Mahina kong sabi, sapat na para madinig niya.
"I'm so sorry, Mahal ko. Hindi ko inisip na mahihirapan kang intindihin at maunawaan--"
"You mean na mahina akong umintindi?" Sarkastiko kong sabi.
"Hindi, Ayesha..." Nadinig ko ang matunog niyang pag buntong hininga, para bang paubos na ang pasensiya niya. "Ayesha, ang gusto ko lang sabihin ay--"
"Kailangan ka ni Mitch, mas kailangan ka niya kesa mas kailangan kita at kailangan kong intindihin 'yon!" Bumagsak ang luha ko matapos kong sumigaw.
"Ayesha..."
"Yes? Kenneth?" Malamig kong banggit sa pangalan niya na saglit kinatahimik ng paligid naming dalawa.
"Let's cool off for now, Ayesha. Pababayaan muna kitang mag palamig."
Sarkastika akong mahinang natawa.
'so hahayaan mong ganito tayo? Hahayaan mong matutulog akong mabigat ang puso?'
Nadinig ko ang pag lakad niya palayo na siya namang pag bagsak ulit ng luha ko.
'bahala ka.'
MARAHANG nag mulat ang mata ko ng maramdaman ang init ng dampi ng araw sa muka ko. Nakatulog na pala ako kakaiyak kagabi ng hindi ko namamalayan.
Pag tingin ko sa tabi ko ay blanko 'yon pero nakakapagtakang mainit pa at mukang may humiga.
'Ken..'
Kaagad akong tumayo ng ma-realize na humiga siya dito, na katabi ko siya kagabi. Tumitig lang ako sa higaan habang nakahawak doon.
'Kenneth, I'm so sorry...'
![](https://img.wattpad.com/cover/213122215-288-k468442.jpg)
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romance"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...