AEYZA'S POV
ALAS KUWATRO na ng hapon ng matapos ang Men's Volleyball pati ang women's volleyball. Nagyaya si Mekkah na mag tungo sa kalapit na Mall. Nag dahilan akong hindi na sasama dahil tinawagan na ako ng Daddy ni Ayesha. Hindi pa nga siya naniwala no'ng una pero pinakawalan na din ako kalaunan.
Umalis na sila para pumunta sa Mall habang ako ay naiwan sa tapat ng University at naghihintay ng taxi na masasakyan.
Habang naghahantay ay naramdaman ko ang dalawang mata na nakasubaybay sa akin. Ganito ang pakiramdam kanina, noong sinusundan ako ni Jurris.
Bumuntong hininga na lang ako at nakita ang taxi na dadaan. Pinara ko iyon at sumakay sa backseat. Sinabi ko ang subdivision kung saan ako nakatira at kaagad naman niyang nilagay sa Map niya iyon.
Tahimik ang pagmamaneho. Tinignan ko ang pinto, naka-lock iyon. Wala sa sarili kong tinitigan ang Aircon ng taxi.
"Masyado po bang malamig?" Gulat man ako sa biglang tanong ng driver pero hindi ko pinahalata.
"Hindi." Tipid kong sagot.
Muling natahimik ang biyahe. Sumandal ako at pinikit ang mata, ngunit naka-dilat ng kaunti, sapat para makita ang driver.
Ilang saglit lang ng ganoon ang puwesto ay hindi nga ako nagkamali sa kutob. May kinuha siya sa Isa sa maliit na storage. Spray iyon at alam ko kung anong epekto no'n kapag naamoy.
Bago niya pa malagay sa Aircon ay madali kong naagaw iyon sa kaniya. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Tinapon ko ang bottled spray at kinuha ang dagger na nakatago sa sapatos ko at tinutok iyon sa leeg niya.
Tinignan ko ang likod ng tainga nito at nangunot ang noo ng makitang walang tattoo sa likod no'n.
"Sinong nag utos sayo?" Blanko kong tanong.
Hindi ito sumagot at pinagpatuloy lang ang pagmamaneho. Tinignan ko ang dinaraanan namin. Hindi ko na alam ang daan.
"Itigil mo." Idinikit ko sa balat niya ang patalim ko pero hindi siya nakinig, hindi siya takot, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong napangisi. Nakaramdam ako ng pagkatuwa. "Siguraduhin mong magandang laban ang ibibigay mo sa akin."
"Maasahan mo iyan." Batid kong nakangisi siya ng sumagot ito.
"Saan mo 'ko dadalhin?"
"Sa lugar kung saan ka ililibing."
Lumawak ang ngisi ko. Tinignan ko ang paligid at nagtataasang puno na ang nasa paligid.
"Ayusin mo ang maneho mo kung ayaw mong mamatay ng maaga." Pagbabanta ko.
Maya maya pa ay tumigil na kami sa tapat ng isang sasakyan na nakaharang sa daan. Binilang ko kung Ilan ang mga lalaki na naroon. Nasa mahigit trenta sila.
"Hindi mo gugustuhing lumabas bigla," nadako ulit ang paningin ko sa lalaking nagmamaneho. "Dahil baka mabaril k---" hindi niya natapos ang sasabihin ng gilitan ko siya ng leeg at namatay.
Muli kong tinignan ang mga lalaki. Ang dalawa sa kanila ay naglakad palapit sa amin. Sigurado akong hindi nila nakikita ang nangyayari sa loob dahil tinted ang sasakyan. Kinuha ko ang nakitang baril na nakatago sa leeg ng lalaking pinatay ko at kinasa iyon.
Let's the party begin.
Tunutok ko ang baril sa pinto matapos I-unlock iyon. Hinintay kong buksan ng lalaki sa labas ang pinto at ng buksan niya iyon ay mabilis ko siyang binaril ganoon din sa isa pang lalaki.

YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romance"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...