Chapter 25: Hatred

148 12 6
                                    

AYESHA'S POV

"Ayesha.." marahan kong minulat ang mata ng maramdaman ang tapik sa balikat ko. "Muffin, Wake up. It's already 11 am...Hindi ka pa nakain." Malumanay nitong banggit.

Nag tagpo ang paningin naming dalawa ni Kenneth. Nakangiti niyang hinalikan ang noo ko at hinawakan ang pisngi ko.

"Good morning, Mahal ko. Let's eat na." Sabi niya pa.

Hindi ako sumagot at marahang tumayo. Tinignan ko muna ang paligid, gusto kong malaman kung nasa bahay na ba talaga ako.

"Are we safe?" Tanong ko.

"We are safe, Mahal." Matagal siya bago maka sagot. Naramdaman ko ang yakap ni Ken sa akin. "You're safe...narito ako."

Ibinaba ko ang paningin sa braso niyang naka yapos sa akin. Naramdaman ko pa ang labi ni Kenneth na humalik sa pisngi ko na kinapikit ko ng mariin at maalala ang mga lalaking nag tangka ng masama sa katawan ko.

Hindi ko sinasadiyang itulak ng malakas si Kenneth kaya napalayo siya.

"Mahal..?" Si Kenneth.

"I'm..I'm sorry, Kenneth." Natutuliro kong sabi bago maluha. "I'm sorry.." naiiyak kong sabi at kaagad siyang lumapit para yakapin at aluin ako.

"It's okay now, Muffin. We're home na, we're safe... Nasa tabi mo na ako."

"Kenneth.." umiiyak ko siyang niyakap.

Paano ko sasabihin sa kaniyang muntik na akong halayin? Paano ko sasabihin sa kaniyang may humalik at humawak ng iba sa katawan ko? What if mangdiri siya sa akin? Paano kung hindi na niya ako tanggapin pa?

"It's okay, Muffin. I'm here." Bulong niya pang muli.

Nang mahimasmasan na ako ay tumayo na ako at dumiretso sa bathroom. Inayos ko lamang ang sarili at tinali ang buhok.

Muli kong tinignan ang sarili sa salamin, dumako ang paningin ko sa balikat ko at mariing pumikit.

Naalala ko ang labi ng lalaking humahalik sa balikat ko kagabi. Pakiramdam ko ay hindi matanggal sa balat ko ang pangdidiri, hindi matanggal sa utak ko ang nakakasukang lalaki.

Pati ang hita ko, ang tiyan ko ang mga braso ko. Lahat ng parte ng katawan ko na hinawakan nila ay pakiramdam ko naroon pa din ang marurumi nilang mga kamay.

Bumagsak na lang ako sa sahig at tahimik na umiyak. Bakit ba nangyayari ito? Bakit nangyari 'to sa akin?

"Muffin?" Si Kenneth iyon mula sa labas ng bathroom. "Are you alright?"

Marahan kong pinunasan ang mga mata at lumunok muna bago mag salita.

"I---i'm alright, Muffin. Hintayin mo na lang ako sa kitchen." Sabi ko at muling binuksan ang faucet para muling mag hilamos dahil namumula ang mata ko kakaiyak.

Pag labas ko ng banyo ay natigilan naman ako dahil naroon si Kenneth at hinihintay ako.

"Muffin," banggit ko.

Hindi siya nag salita at nanatiling nakatitig sa akin. Napalunok naman ako at iniwas ang tingin. Ayaw kong malaman ni Kenneth ang nangyari sa akin, ayaw kong pangdirian niya ako.

Sana...

Sana...'wag ka na lang mag tanong, please.

"Let's go," sabi niya at hinawakan ako sa kamay. "Let's eat."

Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na siya nag tanong pa at magkahawak kamay kaming nag tungo sa kitchen.

Nakahanda na ang hotdog, bacon at pancake sa lamesa. Mukang luto lahat iyon ni Kenneth. Pinag hila ako ni Ken ng upuan at na-upo naman ako doon.

A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now