Chapter 17:Fake Marriage

185 14 11
                                    

AYESHA'S POV

Sumasakit na nga ang ulo ko pero ito ako ngayon at dinaig ko pang uma-attend ng ASEAN SUMMIT dahil narito kami sa company office ni Tito Kal.

Nakaka-bingi ang katahimikan namin dito sa loob at damang dama ko ang tensyon sa pagitan ni Tito Kal at Daddy.

Nasa isang pahabang lamesa kami at sa mag kabilang dulo naka-upo si Daddy at Tito Kal, while me and Kenneth ay magkatabi.

"I never knew na hanggang ngayon ay traydor ka pa din Yalbert Mansom." Malamig na sabi ni Tito Kal kaya napanganga ako. Okay? What is this?

"Coming from you? I never knew na hanggang madali kang ma-uto." Malamig din na sagot ni Dad sa kaniya.

"So, you're admitting that you betrayed me?"

"Wala akong aaminin dahil wala akong ginawang kataksilan."

"Oh really?" Tumawa ng maliit si Tito Kal. Hindi ko na alam kung kanino pa ako titingin sa kanilang dalawa, pareho ko lang silang tinitignan tuwing nagbabatuhan sila ng salita. "You faked the marriage para huthutan ako ng pera!"

Natitigilan akong tumingin kay Tito. "W-what?"

"That's not fucking true, Kalvin!!" Malakas na sigaw ni Daddy. "Why the hell would i do that when i can grow my own company without your fucking help!"

"Bakit nga ba? Eh Kilala kang mautak na gago noon---"

"Don't bring up the past in front of my daughter, Kalvin!"

Natahimik si Tito at matulin silang nagtitigan ni Daddy.

"What the hell is going on?" Naputol ang titigan nila ng mag salita na si Kenneth sa tabi ko. "Are you guys too old for this? Can you just tell us what the hell is going on? My wife don't feel well today, kaya sabihin niyo na."

Bumuntong hininga si Tito Bago ako tignan. "Ihja, I apologize kung nadadamay ka sa katarantaduhan ng Daddy mo but you have to know the truth."

"Ihjo, I apologize sa katangahan ng Daddy mo, buti hindi mo namana." Rebat naman ni Daddy.

What kind of fight is this?!

Nakita ko ang matutulin na tinginan ni Dad at Tito Kal.

"This marriage is off! You bastard!" Sigaw ni Tito Kal kay Daddy.

Ha? Bakit si Tito Kal ang nagsasabi no'n?

"Ako ba ang pinapakasalan mo at Ikaw ang nagsasabi niyan--"natigilan si Daddy ng maramdaman ang dugo na dumaloy sa pisngi niya ng batuhin siya ni Tito Kal ng dagger.

"Daddy!" Nagaalala kong sigaw.

"Dad!" Suway ni Kenneth kay Tito.

"Wala ng kwenta ang kasal niyo ni Ayesha, Kenneth. Dahil unang una pa lang ay hindi naman talaga kayo kinasal dahil peke lang ang lahat." Seryosong sabi ni Tito Kal.

"How the heck did you find out? Hindi ko maintindihan ang nangyayari, Dad." Naguguluhan na tanong ni Kenneth.

"May evidence din po ba?" Tanong ko din. Aba! Kahit na mag kaaway kami ni Kenneth ay hindi ako papayag na makipag hiwalay sa kaniya.

A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now