AYESHA'S POV
halos manlambot ang tuhod ko, napaupo nalang ako sa sahig habang pinapanood ang kanina lang na kinalalagian ni Darrah.
"Darrah" bulong ko sa sarili.
'What the hell?? ano pa bang ginagawa mo Ayesha?? Do something!'
Naikuyom ko ang kamao ko bago tignan ng masama ang tatlong babae na tumatawa. Kaagad akong tumayo at walang alinlangang tumakbo at tumalon sa tubig.
Sumisid ako at nanatiling nasa kamay ko ang dagger ko. Kaagad kong nakita si Darrah na nakatali pa din sa upuan ngunit may malay na at pilit tinatanggal ang pagkakatali ng lubid sa kamay niya.
Malapit ko na siyang maabot ngunit bago mangyari 'yon at may humila sa akin at sinapak ako. Binaliwala ko ang sakit at hinila siya ng mabilis at sinaksak siya.
Nagkatitigan pa kami. Nakita ko ang mata niya na nakatingin ng diretso sa akin. Mukang panahon na to unmasked this bitch.
Hahablutin ko sana ang mask niya ngunit hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. Pinilit kong labanan ang kamay niya ngunit nadapo ang paningin ko kay Darrah na lumulubog na sa ilalim at wala ng malay.
'fuck!!!'
Bago ko bitawan ang babae ay tinitigan ko muna ito ng masama, kitang kita ko ang natutuwa niyang reaction mula sa mata niya. Binitawan ko siya at muling sumisid para kay Darrah.
Nang maabutan ko siya ay nahirapan pa akong putulin ang tali sa kamay niya pero tagumpay ko 'yong nagawa at hinawakan ko siya upang lumangoy paitaas.
"Darrah wake up!" sigaw ko habang tinatapik abg muka niya. "Damn it, Darrah! Wake up!" Inalog alog ko siya, alam kong walang magagawa 'yon pero hindi ko naman alam kung paano siya i- CPR. "Darrah! Please!"
"Darrah!!"
Nilingon ko ang pamilyar na boses. It's Marjun, running towards us.
"Marjun!!" Banggit ko sa pangalan niya. Nang makalapit siya ay kaagad niyang tinignan si Darrah at hinawakan.
"Darrah.." nagaalala niyang sabi habang nakatingin sa kaniya. "Ayesha, move"
Sinunod ko naman siya at medyo lumayo ako habang pinapanood siyang umayos para I-CPR si Darrah.
"Darrah, Wake up.. He whisper as he is doing a chest compression to her.
"Darrah..." Nakatakip ang kamay ko sa bibig ko habang pinapanood ang kaibigan kong nagaagaw buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/213122215-288-k468442.jpg)
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romance"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...