Chapter 4: Darrah

1.1K 31 43
                                    


4:CONFUSION AND MISSING


DARRAH'S POV


"Aray! Gago ka! Ang sakit teh!" Sabi ko dahil ginagamot ni Mekkah ang sugat ko sa tuhod. Bumalik kami ni Mekkah sa university matapos kuhain ni Kenneth si Ayesha sa amin at ngayon ay naandito kami ni Mekkah sa bleachers.


"Gaga ka kasi! Bakit ka lumapit kay Stephen? Halata namang mananakit na siya"


"Eh ano? Hayaan ko si Ayesha?" Kunot noo kong tanong.


"Anteh ko! Nakita ko si Kenneth na nagpa- Parke ng car niya kaya hindi na ako umepal pa!"


"What?!" Gulat ko siyang tinignan. "Ba't 'di mo naman agad sinabi?!!"


"Bida bida ka kasi eh!" Natatawa niyang biro bago muling pahidan ng cotton ang sugat ko. Lintek na Stephen 'yon, may tinatagong violent side. "Buti talaga dumating si Kenneth noh? Kun'di baka makita ni Stephen na nagiging Darna ako."


Natawa ulit ako sa sinabi niya. "Darna na may muscle?"


"Ay teh! Manipis 'yan!" Pinag bida niya ang katawan.


"Sus! Eh basher ka nga ni Kenneth noon eh! Sabi mo red flag siya"


"Korek!" Binitawan niya ang cotton at nilabas ang phone. "Look, tignan mo" pinakita niya sa'kin ang photo niya na kumakain ng foods at umiinom ng mga wine noong wedding ni Ayesha. "Rare photo of me na umuubos ng handa pagkatapos kong i- bash si Kenneth--- charrott!!"


Parehas kaming natawa at mag paluan pa ng mahina.


"Kingina mo!! WUAHAHHAHA!" Sabi ko habang pinapalo siya sa braso ng mahina.


"Aray! OA!" Pinalo niya din ako kaya pinalo ko din siya. Nag simula kami sa asaran at hampasan hanggang sa ayun. Sinapak mo siya, napikon ako eh--- charrot!!







"Ayaw ko na talaga teh!" Napalingon ako kay Mekkah ng mag salita siya habang naglalakad kami papuntang building namin. "Ayaw ko na talaga! Suko na ako! Pagod na akong intindihin siya"


"Ha? Sino? May jowa ka na?" Kunot noong tanong ko dahil wala naman siyang nachi-chika.


"Hindi, teh!" Nagpadiyak padiyak pa siya.


"Eh, sino nga?!"


"Nakakapagod na siyang intindihin pero wala akong magagawa, professor natin siya eh"


"Kingina mo!" Sabi ko at tinulak siya.


A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now