MEKKAH'S POV
Bakla!!! Ang laki ng alaga---este ng lalaking nasa harap namin ngayon! Shock! Kaka- entrance lang no'ng tao, hard level agad!!
"Ate ko! Sayo na 'yang malaki! Akin na yung maliit." Patukoy ko sa tatlong lalaki na nasa likod ng lalaking may kalakihan.
"Akala ko ba gusto mo ng malaki? Oh, iyo na 'yan." Tinulak niya ako ng mahina.
"Ha? When ko sinabi? Ba't ko gusto no'n? Eh, malaki din akin. Ikaw na diyan!" Tinulak ko din siya palapit sa mga kalaban. Nakikita ko pang nagpapapalit palit ang tingin nila sa amin.
"Bagra mo naman!! Tingin nga kung malaki! For proof lang!"
Nangasim ang muka ko sa sinabi niya. "Check ko muna kung may balat ka ba sa puwet."
"Check ko muna kung malaki!"
"Loh? Alam mo? Ganiyan ka, eh! Ugali mo na talaga 'yan! May isang tanong nga ako sayo, Darrah! Sagutin mo sana ako..." Tinulak ko siya palapit sa mga lalaki.
"Ha! Ano naman 'yon?!" Tinulak din niya ako palapit.
"May relasyon ka ba sa asawa ko?!" Tinulak ko siya.
"Ha?!"
"Relasyon! Kerida, kabit, number two, mistress, RELASYON!!" Tinulak ko ulit siya at tatlong hakbang nalang ang layo namin sa lalaki.
"Mekkah!!!" Tinulak niya ako, ngayon dalawang hakbang nalang.
"Huwang mo 'kong ma-Mekkah, Mekkah!! Ang tanong ko ang sagutin mo!! ARE YOU FUCKING MY HUSBAND?!" Tinulak ko siya.
"OO!!!" sigaw niya. Sabay kaming tinignan ang malaking lalaki at sabay namin siyang sinipa, ako sa muka, siya sa dickie.
Napa yuko at napahiyaw ito sa sakit. Biglang lumapit ang tatlo niya pang kasama sa amin at nakita kong sinapak nila si Darrah.
"BAKLA!!!!" malakas kong sigaw ng makitang bumagsak siya!! Aba! Sinapak nila yung Forever Best friend ko!! Ang partner in crime ko!! Ito na! Nafe-feel ko na!!
Mag ta-transform na ako into Darna! Echos!
Sa haba siguro ng hita ko ay tumalsik silang dalawa ng lalaki ng sipain ko sila. Yung isa naman ay hinawakan ko sa leeg at maarteng tumalon at binalibag siya! Ey! Slay!!
"Aahh!!" Napalingon ako kay Darrah ng sumigaw na naman siya. Muntik na kasi siyang masapak ng lalaking dambuhala. God! Kahit ako sisigaw kapag muntik na akong masapak ng malaking kamao, 'no!!
Napatingin ako sa tatlong lalaking tumayo. Mabuti na lang walang mga dalang baril ang mga baklang 'to!
"Ha!! Do you not know? In the folklore of the Philippines, there is a creature that is half-horse and half-human, they are called tikbalang!" Pinakita ko ang paa ko na gumagalaw na parang kabayong handang manipa. "Iyon nga lang, mabaho at panget sila. Samantalang ako, Fresh at super ganda! And they call me Queen Horsey Morsey!!"
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romance"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...