MARK'S POV
"Dad, I will kill you." Seryoso kong sabi dahilan para matigilan siya sa ginagawa. Nag tama ang paningin namin at nangunot ang noo niya.
"Okay?"
"I think I have to kill and betray you," hinila ko ang upuan at na-upo sa tapat ng desk niya. Nasa loob kasi kami ng office niya at ginulo ko siya para sa idea na kahapon pa bumubulabog sa isip ko. "I will kill Gregor. Papatayin ko siya ng malapitan."
"I already have an idea of what you're planning but your Mommy will kill me."
Lumawak ang ngisi ko sa sinabi ni Dad. Grabe! Si Mom lang 'ata ang kinatatakutan niya.
"This have to be realistic, Dad. I need to kill you."
"What's your plan, Mark?" Seryosong tanong ni Dad. Napalunok ako dahil sa chilling aura niya. Bakit ba laging seryoso itong si Dad? Buti na lang 'di ko namana ugali niya.
"I have to kill you para makuha ko ang atensyon ni Gregor. Once he show his face to me, I will kill him on the spot." Seryoso kong sabi. "For sure, hindi siya maniniwala kaagad agad so...I need help from my friends.." sumilay ang ngisi ko na siyang lalong kinanuot ng noo ni Dad. Tumayo ako upang buksan ang bintana sa loob ng office ni Dad. "I will introduce my friends to you, Dad." Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag talon papasok ng dalawang tao mula sa bintana. Hindi nag react si Dad at nanatiling nakatingin sa akin. Napaka nonchalant naman ni Dad, hindi nagulat na naandito ang dalawang anak ng malaki niyang kaaway. "Meet Stephen and Jurris.."
"And?"
Ngumuso ako sa tanging sagot ni Dad. "They are willing to help us." Tumawa lang si Dad na siyang kinatigil namin.
"You trust them?" Napapailing na tanong ni Dad sa akin at tumango ako. "Mark, they are Gregor's children."
"Not anymore," napatingin kami kay Jurris ng makita ang nagliliyab niyang mata dahil sa galit. "He killed Monique." Bahagya pang pumiyok ang boses niya. "He killed her kahit na anak niya pa si Monique. He doesn't care if we die or not, ang mahalaga lang sa kaniya ay ang sarili niya."
"Stephen told us his plan," si Stephen ang nag salita. "You have to give us a freedom after this."
Siyempre, hindi mawawala ang kapalit at ang kapalit ng tulong na ibibigay nila ay ang kalayaan nila. They are all criminals now. Kilala na sila sa pulisya at pinaghahanap.
Matagal ko pang nakumbinsi si Dad tungkol sa plano pero kalaunan ay napapayag ko din siya. Ang plano ay palabasing traydor ako at tinulungan ko si Melli na patayin siya.
Kailangan idawit si Melli dahil mainit ang mata ni Gregor dito kaya gusto nilang mapabango ang pangalan niya kahit kaunti sa Papa nila para hindi na ito pag buntungan pa ng galit.
Habang si Mom naman ay kukuhain nila Stephen at Melli, hindi para saktan kundi itago pang samantala. Pinalabas din namin siyang patay na. Killing Mom is a risk dahil ang ang target ni Gregor ay si Mom but Dad said he would rather want to hid Mom from the rest of the world than letting Gregor have her. Naks naman! Ang sweet!! Take note ko 'yan pang pick up line lang sa crush ko.
"So, ano ako, Dad? What if kunin ako ni Gregor?" Tanong ko sa gitna ng seryoso naming usapan.
"Kaya mo na 'yan, malaki ka na."
Loh?!
Mas la-love talaga niya si Mom kaysa sa aming mga anak niya. Malas lang ni Dad kasi mas mahal kami ni Mom wuehhehe.
![](https://img.wattpad.com/cover/213122215-288-k468442.jpg)
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romantik"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...