Chapter 33: Supreme Vice President

106 10 25
                                    

MARJUN'S POV

"The Supreme Vice President is here!!!"

Halos maluha ko ang iniinom na Kape ng isigaw iyon ni Thirdy.

"What?!?!" Gulat kong tanong.

"Fuck! Bakit ngayon pa? Baka mag ka-giyera sa University kapag nag kita sila ni Ayesha!"

"You guys are exaggerating," nayayamot na sabi sa amin ni Drake. Hindi ba niya maintindihan na all out war kapag nag kita ang asawa at ang obsessed crazy girl slash Supreme Vice President ni Kenneth?

"Anong exaggerating?! Kapag nalaman niyang kasal na si Kenneth, paniguradong magwawala 'yon!"

"And so? Bakit kailangan niyang magalit na kasal na si Ken?" Kunot noo niyang tanong at napasapo na lang ako sa noo. "Besides, we didn't called Ayesha Miss Karatista for nothing."

AYESHA'S POV

"Bakit hindi mo pa sinabi kay Jurris ng matauhan na sila?" Kunot noong tanong ko.

"Family problem nila 'yon, sampid lang naman ako kaya sino ba ako para mangialam?"

d-_-b

May point naman.

Hindi na ako nag salita pa at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa Arena. Sa kalayuan ay may nakita akong pamilyar na pigura na naglalakad palapit sa amin. Lumawak naman ang ngiti ko sa labi ng makilala kung sino iyon.

"Muffin!" Kumaway ako ng malaki sa kaniya.

"Kala ko ba cold kayo sa isa't isa?" Tanong ni Aeyza.

"Bati na kami, ngayon lang hehe."

Ng makalapit siya ay kaagad akong yumakap sa kaniya. Naramdaman ko naman na pinilupot niya ang kamay sa baiwang ko.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Wala---"

"Jurris was here." Si Aeyza ang sumagot.

"What?!" Nabitawan ako ni Kenneth at kunot noong tinignan si Aeyza. "She was here?"

"Kakasabi ko lang, di ba?"

Napanganga ako sa sarkastikong sagot ni Aeyza. Napakamot ako sa ulo dahil damang dama ko ang namumuong tension sa kanilang dalawa na para bang may kidlat sa masasamang tinginan nila.

"The hell is your problem?" Si Kenneth.

"Wala, baka Ikaw, meron." Sagot naman ni Aeyza sa kaniya.

Bumuntong hininga ako at pumagitna sa kanila.

"That's enough," sabi ko at hinawakan si Ken. "Aeyza, balik ka muna sa Arena."

"Ayaw ko. Uuwi na ak---"

"Honey!!!!" Pare pareho kaming napatingin sa isang babaeng tumatakbo palapit sa amin. She has a brown hair and she's wearing our uniform.  Makinis at maputi din ang balat niya, maliit ang mata at pabilog na labi.

"What the.." dinig kong bulong ni Kenneth habang pinapanood ang babae.

"Kenneth! Honey ko!!"

A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now