⚠️ Warning: The following content contains explicit adult language and mature scenes. It is intended for mature audiences only. Reader discretion is strongly advised. Please proceed with caution.
Ayesha's POV
3 months later~~
"Congratulations, everyone!! This would be the last time we will be seeing each other," Magiliw na anunsiyo sa amin ng Professor at lahat kami ay nag hiyawan. "pero sana ay ma-handle ko kayo as a subject teacher sa college."
"Ano po subject niyo sa college, Ma'am?" Tanong ng isa naming classmate.
"Understanding self, minor lang naman iyon kaya 'wag kayong mangamba." Nakangiti niyang sabi samin.
"Ma'am mukang bagsak si Ayesha diyan!" Napatingin ako kay Darrah ng idawit niya pangalan ko. "Hindi niya kasi maintindihan sarili niya eh."
Malakas na tumawa si Mekkah kasabay no'n ang tawanan ng mga classmate namin. Napanguso lang ako.
Narinig kasi nila iyong away namin ni Kenneth. Well, wala naman talagang ginagawa si Ken, sadiyang bad trip lang ako kanina kaya nasusupladahan ko siya tapos nag suplado na din siya!!!
Sige, mag sungitan kaming dalawa!
Galit ako, galit din siya.
"Celebrate tayo mamaya!!" Sigaw ni Portia sa amin at nag agree naman ang lahat. Siyempre, naki agree na din ako, inuman 'yon eh.
Anyway, last sem na kasi ito at graduation na namin. Papasukin na namin ang buhay college next school year. Buti nga eh nakahabol kami sa sangdamakmak na miss activities.
About naman kila Jurris, balita ko ay hindi na sila pinaghahanap pa at umalis na sila sa Philippines. Nalaman ko ding patay na si Melli at Monique. Kay Monique ako naawa ng todo kasi ang kwento ni Aeyza ay kinalaban niya si Gregor dahil nalaman niyang walang kwenta ang pinaglalaban nila tapos nabaril pa siya sa ulo.
Well, nakakaawa din si Melli because all she ever wanted was to make her Father to be proud of her, ang kaso ay sadiyang gago si Gregor at ginamit sila.
Ala sais na ng kami ay nakalabas ng University at sama sama kaming batch mate na nag maneho papuntang Bar. Siyempre, sa Bar nila Mekkah kami nag tungo. Iyon nga lang ay sila sila lang ang puwede sa second floor habang ako ay mananatili sa first floor dahil nga sa may selophobia ako.
Hayyss.
Nang makarating kami doon ay pinilit pa ako nila Portia pero sabi ko ay hindi ko talaga kaya. Sinamahan na lang ako nila Darrah dito sa first floor habang yung iba ay nasa taas. Pakiramdam ko tuloy ay nadadamay ko sila sa boring kong life.
"Saan si Ken?" Maya't mayang tanong ni Darrah. Nakapalibot kami sa round table. As usual, pinag gigitnaan ako ni Darrah at Mekkah. Next ni Darrah ay si Kiahhnne at Jandarra, sumunod at si Thirdy, Drake at Marjun.
Nilibot ko din ang paningin, walang Kenneth akong nakikita kaya umikot lang ang mata ko.
"Hayaan niyo siya." Sagot ko na lang at natahimik sila. "Anyway, puwede namang pumunta kayo sa second floor if gusto niyo. Kaya ko dito." Nakangiti kong sabi. Ayaw ko namang pigilan ang enjoyment nila.
"Never naming iiwan ka,'no!" Sabi ni Mekkah at ininom ang alak niya. "Mapa-boring or exciting man, we are always here." Napangiti naman ako sa sinabi ni Mekkah. Aww, ang sweet.
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romansa"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...