Chapter 29

133 13 12
                                    

Ayesha's POV

NAGISING ako ng sinagan ng araw ang muka ko, napaungol pa ako sa inis dahil doon. Tinalikudan ko ang araw at gumilid sa kabila pero agad kong minulat ang mata dahil nakita ko si Ken na natutulog at nakasubsob ang muka sa bed ko.

Nanatili akong nakahiga at tinitigan ang muka niya. Napangiti ako dahil ngayon ko lang ulit natitigan ng ganito kalapit ang muka niya.

Napaka gwapo

Hinawakan ko ang pisngi niya at sinundot iyon, napangiti ako dahil bigla siyang ngumuso na parang bata. Hindi ko namalayan na dahan dahan kong nilapit ang muka ko palapit sa pisngi niya pero bigla siyang nagmulat kaya natigilan ako, kaagad din naman siyang pumikit. Hindi tuloy ako makagalaw dahil sa kahihiyan.

"Ang tagal naman ng kiss ko." sabi niya habang nakapikit.

Inilayo ko ang muka ko at tumikhim. "k-kiss?a-anong kiss?" Maang maangan ko.

Minulat niya ang mata niya at umayos ng upo. Tinignan niya ako ng diretso sa mata "like this,"

Nagugulat akong tinignan siya dahil sa mabilis niyang halik. Mabuti na lang ay nakatabon ang kurtina sa pagitan namin ni Aeyza kaya hindi niya iyon nakita.

"Ang ganda talaga ng umaga ko kapag Ikaw ang bumubungad." Nakangiti niyang sabi kaya napakagat ako sa labi at mamula ang muka ko.

Para namang tanga!

"Tsk, ang aga aga pinapakilig mo naman ako." Nakanguso kong sabi kaya natawa siya.

"Hindi na ba masakit?" Tanong niya kaya lalo akong namula.

"Ha? Hindi na ah! Nawala na 'yon siyempre! Ilang gabi na ding nangyari 'yon." Nahihiya kong sabi.

"What?" Kunot noo niyang tanong bago matawa. "I mean, yung tahi mo."

Umawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya.

Oh my god!!!

"A-ahh!! Yung tahi ko? O-oo!!!"

OMG ka, Ayesha!!! Nakakahiya ka!! Doon ka na sa far away!!

"So, hindi na masakit? Pasakitin ba ulit natin?" Nakangisi niyang tanong kaya napalunok ako at bahagyang napaatras.

"Q-quiet, Kenneth." Namumula kong suway sa kaniya at natawa na naman siya.

Bet na bet niya talaga akong asarin at manyakin.

"Shh," lumapit si Kenneth para halikan ako. Napalunok naman ako habang pinapanood siyang madahang lumalapit sa labi ko.

"Hoy,"

Malakas kong tinulak si Kenneth palayo ng may mag salita. Si Aeyza iyon na hinawi pa ang kurtina.

"W-what?" Tanong ko.

"Go get a room, 'wag kayo ditong mag landian." Suplada niyang sabi bago muling isara ang kurtina.

Napatingin ako kay Kenneth na natumba sa sahig dahil natulak ko siya ng malakas.

"Are you okay?" Nagaalala kong sabi dahil napalakas ang tulak ko sa kaniya.

"Hmm," nakanguso siyang tumango matapos tumayo.

"Sorry, Mahal." Nakanguso ko ding sabi.

"It's alright," na-upo siya sa tabi ko at nilapit ang bibig sa tainga ko upang bumulong. "You could also push me on bed if you want."

A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now