Deal IV

2.8K 33 1
                                    

The next day...

Naghihintay sina Rose, Seulgi, Irene, Momo, Jisoo, Joy at Lisa sa lounge area sa backstage para sa awarding ceremony na gaganapin maya-maya. Busy silang nagkukwentuhan tungkol sa isang movie na napanood nila.

Rose: ano ba yan! Break na naman sila!

Lisa: Bakit ba affected ka?

Joy: eh kasi paulit-ulit nalang yung plot ng mga pelikula. Magiging sila tapos magb-break tapos sila ulit tapos break na naman. Nakakasawa kaya. Sana kasi ibang istorya naman. Yung mas interesting. Yung bagong idea!

Jisoo: I agree with you guys. Like yung girl na nainlove sa friend din na girl. Same gender ba ganun.

Irene: what about the homophobic people?

Seulgi: alam mo iba iba kasi ng taste ang mga tao, iba iba ng perspective. May mga hindi magugustuhan yung ganung movie pero papatok naman sa karamihan, especially ngayon na maraming tao ang out and proud! So why not go with that concept di ba?

Irene: hmm...may point ka diyan. :) (sabay ankla sa braso ni seulgi)

Rose: oooor... yung friend na gustong iconvert yung straight na girl to fall inlove with her.

Jisoo: oh di kaya, yung girl na inlove na pala sa friend niya na girl tapos ipupursue niya para happy ang ending nilang dalawa sa piling ng isa't-isa.

Medyo naiirita na si Lisa sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya kaya todo ang pagpapanggap niya na parang walang naririnig at patuloy ang paglalaro sa phone. Sakto namang dumating si Jenny sa lounge area. Suot niya ang signature chanel niya na crop top na hubog na hubog sa katawan niya at short skirt.

Seulgi: ehem..speaking of girl

Napatingin silang lahat kay Jenny. Si Lisa naman ay napatingin ngunit hindi niya alam kung magagandahan siya o maiirita siya.

Rose: awkwaaaard...

Lisa: hay nako.. ewan ko sa inyo! Dun na nga lang ako sa room maghihintay.

Bago makalabas ng lounge si Lisa ay hinila siya ni Jenny sa braso para pigilan siya sa pag-alis.

Jenny: Lisa naman *pout* kelan mo ba ko ulit kakausapin?

Lisa: ewan ko.

Jenny: sorry na dun sa reaksyon ko at sa pagbibiro ko. I was so insensitive. I should've known na big deal sayo yon.

Lisa:bakit sayo? Hindi ba big deal yon?

Jenny: it was! Pero not for the same reasons that you have. Akala ko naman kasi if I played it cool hindi mo na papalakihin yung issue.

Lisa: so ako pa yung nagpapalaki ng issue ngayon?

Jenny: No! What I mean is, akala ko pag hindi na ako nagreact the way you did, things will be less complicated. Kasi naman, kahit magsisihan tayo buong maghapon, we can't take what happened back, at pareho naman natin di gusto yun. We were both drunk and intoxicated kaya walang may clear mind that time. Hindi natin ginusto yun, pero nangyari na eh. (yuko)

Rose and Seulgi: Hindi nga ba?

Jisoo: shhhh...

Tiningnan naman ng masama nila Jenny at Lisa ang kanilang mga kaibigan na sumisingit pa sa heart to heart nila. Lisa lift her chin para matingnan si Jenny ng mata sa mata.

Jenny: (pout)

Lisa: dont pout nini. You really know my weakness huh? (smirk)

Unti-unti namang napapangiti si Jenny dahil alam niya na ang patutunguhan ng pag-uusap nila. Hanggang sa tuluyang masilayan ni Lisa ang signature gummy smile ni Jenny.

DEAL (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon