Deal XXI

1.7K 24 2
                                    

Agad-agad siyang dinala sa ospital. May sugat ang kanyang noo kung saan may umaagos na dugo. Dinala siya ng paramedics sa emergency room upang mabigyan siya ng agarang lunas at gusto rin siyang i-x-ray dahil mukang may fracture ang balikat nito dahil sa seatbelt noon bumangga siya.

Matapos na masigurado ng mga doktor na siya ay maayos na at wala namang serious physical injuries ay dinala na siya sa kanyang kwarto for an overnight observation just to make sure na walang internal bleeding at para rin mabigyan siya ng morphine dahil medyo masama ang pagkaka-fracture ng balikat niya.


Maya maya ay lumapit ang nurse sa taong kanina pa hinihintay ang kalagayan ng naaksidente. Kabang-kaba siya sa maaaring kalabasan ng naganap. Kasalukuyang naka-baon ang kanyang muka sa kanyang mga palad at pinipigilan niyang umiyak sa harapan ng maraming tao. Nilapitan siya ng nurse at tinapik ang balikat. Itinaas niya ang kanyang ulo upang harapin ang nurse.


Nurse: kayo po ba ang naghihintay kay Ms. Kim?

Agad namang napatayo si Lisa.

Lisa: Kamusta na po siya?

Rinig na rinig ang pag-aalala sa boses niya. Galit man siya kay Jennie ay hindi pa rin niya maitago ang pag-aalala para sa grilfriend... I mean ex-girlfriend.


Nurse: Okay naman na po, although may fracture po yung kanang balikat niya dahil po na-break nung seatbelt yung impact. Meron din po siyang galos sa noo pero hindi naman po malalim. Sabi po ng doktor kailangan niyang mag-stay overnight para lang po masiguradong walang internal bleeding or kahit anong complications.

Lisa: Sige. Uhmm.. Anong room siya?


Nurse: Nasa room 214 pero baka tulog pa siya kasi binigyan namin ng morphine, sobrang lala kasi nung fracture niya. For sure, sobrang sakit yun.

Lisa: Ganun ba? Thank you! Sige, puntahan ko na.

Naglakad si Lisa papunta sa kwarto ni Jennie, bago siya makapasok ay naisip niya kung sign ba to na dapat niya ng patawarin si Jen o dapat pa rin siyang manatiling galit? Naputol naman ang kanyang pag-iisip ng nag-ring ang phone niya. Tinignan naman niya ang caller i.d. at nakita na ang nanay ito ni Jennie.

Lisa: Hello, Tita Carol?

Carol: Lisa, they just informed me about Jennie. Kamusta na siya? Is she okay? Does she have any major injuries?

Medyo hysteric si Caroo but that's a given right to a mother whose child has been involved in a death defying accident.

Lisa: Okay na po siya. Wala naman pong malalang nangyari. Although yung balikat po niya fractured and may konting galos po pero okay na po siya. Binigyan lang po nila ng pangpatulog dahil masakit daw yung fracture.


Carol: Thank God, she's fine. Ano ba ang nangyari?

Hindi naman makasagot si Lisa sa tanong dahil mahaba-habang explaining ang gagawin niya. To think na hindi pa naman sila umaamin sa parents ni Jennie.

Lisa: Uhmm.. Medyo napabilis po ata yung takbo ni Jen.


Carol: Lisa, ayusin niyo na Jen yang gulo niyo. Wag niyo ng paabutin sa may masasaktan ng ganito ulit.

Lisa: O____O Alam niyo po?

Caroo: Na kayo? Oo naman. Wala namang tinatago yan sakin eh. Lahat nakwento niya na at alam kong malaki ang kasalanan niya pero patawarin mo na sana siya.


Medyo umurong ang dila ni Lisa. Hindi siya makapaniwalang alam pala ng pamilya ni Jennie na sila.

Lisa: Ahh... sige po balitaan ko na lang kayo. Nasaan nga ba kayo?

DEAL (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon