Deal XXVIIII

1.6K 23 1
                                    

Maagang nagising si Jennie para paghandaan ng breakfast si Lisa. She opened her eyes and rolled to her right side to hug her girlfriend only to find the space empty. Bigla naman siyang napabangon habang nagtataka.

Jen: Nasan na yun?

She fixed herself quickly then went out of the room. Paglabas pa lang niya ng kwarto alam na niya kung nasaan si Lisa. Diridiretso siya sa kusina. Nakita niyang concentrate na concentrate si Lisa sa pagluluto. She quietly went behind her and gave her a tight back hug.

Jen: Happy Monthsary :)

Hinawakan ni Lisa ang mga kamay na nakapulupot sa kanya.

Lisa: Happy Monthsary Baby. :)

Umikot si Lisa at binigyan at hinalikan ang girlfriend niya. They were really into the kiss when Jennie stopped responding. Humiwalay siya kay Lisa.

Lisa: Bakit? :(

Jen: Baby, yung niluluto mo. :))

Bigla namang bumalik sa reality si Lisa at naalala ang piniprito niyang scrambled eggs. Medyo na overcook niya ito kaya medyo bad mood na siya.

Lisa: Ayan tuloy, nasira na yung breakfast ko for you.

Nakabusangot si Lisa habang tinatawanan lang siya ng girlfriend. Umupo si Lisa sa dining table habang patuloy na nagmamaktol.

Lisa: Tawa tawa ka pa diyan. Hmmm.

Jen: Asus. Tampo naman kagad baby ko.

Lumapit at kumandong kay Lisa. Kiss ulit.

Jen: Kahit ano ang lasa niyan okay lang. It's the thought that counts naman di ba.

Lisa: But, gusto kitang paglutuan ng matinong breakfast. Lagi na lang bili from a cafe or restaurant ang pinapakain ko sayong almusal.

Jen: Okay lang naman eh. Wag ka ng ma-sad. Hindi naman nasira yung buong breakfast. Overcooked lang yung eggs kaya mukang dry pero the toasted bread is fine, the bacon is fine, the orange juice is fine, the coffee is perfectly done. It's a great breakfast. :)

Lisa: Galing mo talagang mambola. :)

Pinisil ni Lisa ang ilong ni Jennie.

Jen: Syempre girlfriend kita eh. Kanino pa ba ako matututo. :))

Lisa: I love you.

Jen: I love you too :)

Kumain sila ng agahan habang patuloy na nagkwekwentuhan and very sweet sa isa't isa. Nagsusubuan pa sila kahit once in a while inaasar ni Jennie si Lisa tungkol sa pagluluto nito.

After a few hours ay dumating na sila sa studio. Like their everyday routine, hinatid ni Lisa si Jennie sa harap ng practice room. She quickly kissed her then they walked to her own room. Pagpasok ni Jennie sa room nila ni Chaeng niya ay sobrang nanlaki ang mata niya sa nakita niya.

Nandun si Chaeng sa sofa at nakangiti kay Jennie habang ang buong dressing room nila ay punong-puno ng colorful balloons and bouquets of red roses. Lumapit si Jennie sa harapan ng table niya at nakita ang isang card.

"Baby, I want to make you smile the way you've been making me smile. You've helped me find my smile again. Kahit ilang roses pa ang kailangan kong bilhin o tanimin para lang may maibigay sayo I'll do it. I just always want see you happy. The sight of you happy is what makes me happy. I'm so thankful you're in my life. You always seem to bring out the best in me kahit nung hindi pa tayo. I hope that we'd be like this forever. Alam kong paminsan minsan may gagawin akong ikaiinis mo o ikakatampo mo or ikagagalit mo but please have patience with me. I hope you'll never give up on me. I love you so much. Happy Monthsary! -Lisa"

DEAL (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon