Deal LI

1.1K 30 4
                                    

It's almost 9 in the morning when Jennie woke up to the sound of her alarm. She sat up pero napahiga siya ulit dahil ang sakit ng ulo niya. She wasn't feeling well pero ayaw naman niyang mag excuse sa mga rehearsal.

Jen: This, Jennie, is the reason why you don't drink often.

She had fun with Mino last night. Atleast she found someone new na makikinig sa kanya. It was also good to be friends with him again after their roller coaster history together. Kahit na masaya siya last night, bigla namang bumalik sa isip niya na magka-away pa rin sila ni Lisa. Jennie was still feeling a bit annoyed kasi pag siya ang may kasalanan agad-agad niyang sinusuyo si Lisa pero ngayong si Lisa ang nakasakit sa kanya wala man lang effort na mag-sorry.

She went to the bathroom and took a bath and prepared herself for studio. Pagkatapos niyang mag-ayos ay bumaba na siya to grab a quick bite before leaving the condo.

Pagbaba niya nakita niyang naglilinis si manang. Marami kasing rose petals ang nakakalat sa sahig ng sala niya. Pag baling niya ng tingin sa may terrace ay may nakita siyang isang lamesa set for two at may isang bouquet ng roses na nakapatong sa lamesa.

Jen: Manang, ano pong nangyari dito? Bat ang daming flowers? And bat may set up?

Tumingin naman sa kanya si manang na medyo disappointed.

Manang: Ikaw na bata ka, anong oras ka na naka-uwi kagabi. Ay mali, kaninang umaga pala. Halos 2 na ng umaga at lasing ka pa.

Jen: Sorry po di ko po kayo nasabihan. Hinintay niyo pa ba ko?

Manang: Ako okay lang na maghintay sayo dahil dito naman ako nakatira at yun ang trabaho ko pero yung paghintayin mo yung girlfriend mo ng buong magdamag, mali na ata yun.

Jen: Po? Pinaghintay? Nandito po siya kagabi?

Nagtatakang tanong ni Jennie.

Manang: Pagkaalis mo pa lang for practice kahapon eh nandito na yun at nagsimulang mag-ayos dito. Nagluto pa nga siya kasi susurpresahin ka daw niya dahil masama daw loob mo sa kanya. Tumawag pa yun sa tito john mo, eh ang sabi naman ng niya pa-uwi ka na dahil tumawag daw siya sa shop nung designer eh nakaalis ka na daw. Nakatulog na nga sa sofa si Lisa kagabi kakaintay.

Jen: P-p-paano...nagkita po ba sila ni Mino?

Napa-sigh naman si manang.

Manang: Nagkita. Si Lisa pa nga nag-alaga sayo kagabi.

Napa-upo naman si Jennie sa sofa and she buried her face between her palms.

Jen: ahhh... gulo na naman to eh.

Manang: Hay nako. Kaysa mag-maktol ka diyan. Pumasok ka na at kausapin mo yung girlfriend mo.

Tumayo na si Jennie.

Jen: Pahanda na po kay manong yung kotse.

Manang: ay siya nga pala. Wala siya ngayon kasi 24 ngayon, birthday daw nung anak niya.

Jen: O______O

Manang: Oh bakit? Di ba nag sabi sayo?

Jen: Paki-ulit po yung sinabi niyo.

Manang: Sabi ko di ba nagsabi sayo.

Jen: Yung bago po yan.

Manang: Alin? 24 ngayon birthday ng anak niya kaya siya wala.

Jen: Manang, 24 po ba talaga ngayon?

Manang: Oo nga, bakit ba.....

Napatigil si manang at naalala niya kung bakit ganyan na lang ang reaksyon ni Jennie.

DEAL (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon